Sixteen: T-Shirt

10 3 0
                                    

T-Shirt

(Alysson's Point of View)

Kanina ko pa napapansin ang seryosong tingin ni Theo kay Ashly. Grabe. Nandito ako pero sa iba siya nakatingin. Don't tell me, may gusto na siya talaga sa babaeng 'yon? Kainis talaga.

“Hoy. Anong mukha 'yan Theo? Ang aga-aga.” puna ni Leo sa kanya pagdating nito.

“Good morning din.” bored na sagot ni Theo kay Leo at saka siya tumingin sa'kin. Inirapan ko lang siya.

“Ang aga ding LQ nyan a? Couple goals?”

Hindi ko na lang pinansin si Leo at gano'n din naman ang ginawa ni Theo. Ilang araw na ba kaming hindi nag-uusap ng magaling kong boyfriend? Last week pa yata ang huli naming usap. Tapos inaway ko pa siya. Lalo lang tuloy akong naiinis kapag naaalala ko 'yon. At lahat nang 'yon ay dahil lamang sa taong tinitignan niya kanina. Kainis talaga.

“Aly, tawag ako ni Sir. Dito ka muna kay Leo.” tinapik pa 'ko ni Theo sa balikat bago ito umalis.

Hindi pa nga 'ko nakaka-oo e. Psh.

“Do'n ka na sa babaeng 'yon." inis na bulong ko na mukhang narinig niya dahil huminto siya sa paglalakad at saka ako nilingon.

“Ano?” salubong ang kilay na tanong niya.

“Narinig mo naman. Bakit uulitin ko pa?” mataray na sagot ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo niya at saka lumapit sa'kin.

“Ano ba'ng gusto mong gawin ko? Mag-aaway na naman ba tayo nang dahil sa kanya?”

Nakonsensiya naman ako dahil parang pagod na pagod na siya sa nangyayari base sa tono ng boses niya.

“Sorry. Pakiramdam ko lang kasi ay napupunta na ang atensyon mo sa kanya. Alam ko namang parte lang 'yon ng deal ng parents nyo pero hindi talaga 'ko mapakali kapag siya na ang kasama mo. Theo, pwede bang kahit ngayong araw lang ay alisin mo muna siya sa schedule mo?”

“'Yun lang ba? Aly, pwede ka namang magsabi sa'kin e. Gagawan ko ng paraan. Madali naman 'yong kausap.” nakangiti na na pahayag niya kaya naman napangiti na lang din ako.

(Ashly's Point of View)

Napairap na lang ako nang dumaan si Theo sa harap ko. Nahuli ko kasi siyang nakatingin sa'kin kanina. Kikiligin sana 'ko kasi nakatingin siya sa'kin pero ang sama ng tingin niya kaya nabubwiset ako ngayon sa paumukha niya. Tsk.

“Mabulunan ka sana.” narinig kong bulong pa niya nang makalagpas siya sa'kin.

Ano ba'ng trip nang lalaking 'yon? Kahapon pa siya. Naiirita na talaga 'ko sa kanya.

Tinignan ko ang mga kaklase ko kung may kumakain ba sa kanila maliban sa'kin at nang mapagtanto ko na wala naman ay nilunok ko agad 'yung cheeseburger na nginunguya ko.

“Madapa ka sana!” inis na sigaw ko kaya naman napatingin sa'kin 'yung mga nasa paligid ko.

“Sino'ng kaaway mo?” tanong ni Pin na mukhang nagulat din sa pagsigaw ko.

Love Me RightWhere stories live. Discover now