Forty-Two: Sister-in-law

0 0 0
                                    

Sister-in-law

(Ashly's Point of View)

Tama bang nagpasalamat ako kay Theo?

Hay. Hindi ko na alam kung may tama pa ba sa mga pinaggagagawa ko.

“Ashly, anak. Kanina pa tunog ng tunog yang telepono mo. Balak mo bang tapusin ang ringtone mo?” kausap sa'kin ni Manang. Kumatok pa siya sa lamesa kung saan ako nakapangalumbaba magmula pa kanina.

“Ashly? Nakikinig ka ba, ija?” iwinasiwas pa ni Manang ang kamay niya sa mukha ko. Ano ba'ng trip ni Manang?

*beep* *beep*

(1 new message received)

“Anak, do'n ka nga sa sofa at ako'y naririndi na riyan sa telepono mo. Ayaw mo naman sagutin. Lakad na.” dagdag pa ni Manang matapos kong tignan lang ang screen ng cellphone ko. Kaya tumayo na ko at saka ko inunlock ang phone ko.

-------------------------------------------
From Zin:

Ash! Kailangan ko ng tulong mo. Si Sail, ililipat na siya ni Tita ng school. Iuuwi siya ng probinsiya nila. Reply ka agad kapag nabasa mo 'to. Please.

-------------------------------------------

Biglang kumabog ang dibdib ko sa nabasa ko. At gano'n na lang din ang paghampas ng ulo ko sa pader dito sa kusina namin na siyang mas nakapagpagising sa diwa ko. Tanga talaga Ashly. Kahit kailan ka na lang.

“Ashly? Ayos ka lang, ija?” nagmamadali akong nilapitan ni Manang para i-check kung okay lang ako. Tumango lang ako at saka ako nagtungo sa sofa namin. Siyempre tumingin na 'ko sa dinadaanan ko.

Muli kong binasa ang message ni Zin at baka namali lang ako ng intindi kanina. Pero hindi. Shems talaga!
Nag-sembreak lang, tapos ililipat na agad si Sail ng school? Teka. Bakit ba 'ko affected? At bakit naman hindi, eh si Sail 'yon?

Tumunog na naman ang cellphone ko. Nag-message na naman si Zin, hindi pa man ako nakakapag-reply. Serious ba talaga? Ililipat si Sail?

-------------------------------------------
From Zin:

Sister alam kong nabasa mo 'yung text ko. Don't tell me, hanggang dito isiseen mo 'ko? Tsk. Nandito ako sa labas ng bahay ninyo. Bumaba ka na. Tama na ang kaka-K-Pop mo.

-------------------------------------------

Grabehan naman. Porke K-Pop fan wala ng ibang ginagawa, gano'n? Napaka-judgmental. Tsk.

At dahil tinatamad ako mag-type at medyo nararamdaman ko na din ang pagkahilo, medyo late reaction ang ulo ko sa pagkaumpog ko kanina, ay tinawagan ko na lang si Zin.

***** Calling Zin ******

[HELLO!]

“Wag ka ngang sumigaw! Naririnig kita! Napaka-ingay mo kahit kailan! Pumasok ka na. Bukas yang gate!”

***** Call Ended *****

“Sister! Aba't prente ka pang nakaupo dyan? Kailan mo balak kumilos? Kapag nakaalis na si Sail?” salubong ni Zin sa'kin pagkapasok niya. Ano pa nga bang aasahan ko? Hay.

“Maupo ka muna't uminom ng juice, ijo. Medyo hilo pa yang si Ashly at naumpog dyan sa may kusina.”

Hindi pa man naaabot ni Manang ang juice sa kanya ay kinuha niya na ito dito. Kakaiba talaga. Hanep.

"Masyado ka yatang feel at home.” puna ko sa kanya habang nilalapatan ni Manang ng ice pack ang noo ko.

"Mabuti pa sila manang mabait sa'kin. Ikaw na may-ari ng bahay.... tsk. No comment na lang."

Love Me RightOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz