Thirty - Nine: Hindi pa huli

6 0 0
                                    

Hindi pa huli

(Ashly's Point of View)

"Marunong ka ba talagang magluto? Sabi ko naman sa'yo, mag-order na lang tayo. Tsk." pang-limang beses na reklamong narinig ko sa umagang ito.

Ako na nga 'tong nag-magandang loob na magluto ng breakfast namin, ako pa ang lumalabas na masama. Nakakabadtrip! Umagang umaga! Gutom pa 'ko! Tapos wala pa sila manang! Huhu. Tapos. Tapos. Tapos 'yung lalaki pa na gusto ko lang naman makamove-on sa feelings ko sa kanya, ang naiwan dito sa bahay kasama ko. Respeto naman sana sa feelings ko. Gulong-gulo na 'ko.

"Naririnig mo ba 'ko, Ashly Ferrer?"

At talagang pinagdiinan niya pa ang buong pangalan ko.

"Opo. Naririnig po kita. Alam mo po ba kung magkano ang budget na iniwan sa'tin ni Mimay for 3 days?" pinagdiinan ko din ang bawat salitang binitawan ko sa kanya.

"Ashly, magkano lang naman ang dalawang order ng meal sa fastfood chain. Tsaka nauwi naman si tita every night. Kaya ang problema lang natin ay pagkain hanggang sa hapon."

Dati, napapanood ko lang ang mga ganitong bagay sa K-Drama. Pero ngayong nangyayari na siya sa'kin, parang gusto ko na lang bumalik ulit sa mga panahong sumisimoy simoy lang ako kay Theo.

Nakakaiyak na sa sobrang pagkairita ko ngayon sa lalaking 'to. Parang mas maganda pang makipag-usap kay Zin kaysa sa kanya. Part ba 'to nang pagbabago ng feelings ko sa kanya? O sadyang hindi pa lang ako nag-aalmusal? Hay.

"Ipapaalala ko lang sa'yo na 1,000 pesos lang ang iniwan niyang pera sa'tin. At kung iniisip mo 'yung allowance mo, baka nakalimutan mong pina-hold ni mimay ang account natin parehas hangga't hindi pa tayo tapos mag-review para sa College Entrance Exam natin. Kung ayaw mo pa din nitong niluto ko, mangutang ka na lang sa fastfood chain na sinasabi mo."

Pagkatapos kong iluto 'yung fried rice at itlog ay inihain ko na 'to sa dining table namin. Pumwesto na din ako at saka ako nagtimpla ng gatas ko. Hindi ko na hinintay si Theo dahil napaka-arte niyang tao. Bahala siyang magutom. Ang breakfast pa naman ang pinakamahalagang meal sa lahat.

"Hindi mo ba talaga 'ko aalukin?" tanong niya pagkaupo niya sa tapat ko.

“Ayaw mo nga ng luto ko, 'di ba?” sagot ko sa kanya.

"Tss."

Aarte arte pa kanina. Kakain din naman. Tsk.





Matapos naming kumain ay nagkanya-kanya na kaming gawaing bahay. Ako ang nag-imis at naghugas ng pinagkainan namin, habang siya naman ang naka-toka na magdilig ng halaman at magwalis sa garden at sa labas ng bahay.

"Ashly! Paano ba buksan 'tong water pump? Iba kasi 'yung nasa bahay namin!" sigaw ni Theo mula sa labas. Hay. Ang talinong tao pero walang alam sa mga simpleng gawaing bahay. Tsk.

"Pihitin mo lang!" sigaw ko mula dito sa kusina namin.

"Alin dito Ashly?" tanong niyang muli kaya naman nilabas ko na siya. May mga bula pa ang kamay ko nang harapin ko siya.

"'Yung kulay blue!"

"Ito?"

"Oo!"

"Okay na!"

"THEOOOOOOOOOO!"

Halos mabura ang mukha ko sa lakas ng impact ng tubig na lumabas sa water hose na hawak ni Theo. Shet talaga! Wala pa naman akong balak na maligo ngayong umaga. Hapon pa ang normal na ligo ko kapag walang pasok. Badtrip talaga 'tong lalaking 'to!

Love Me RightWhere stories live. Discover now