Seventeen: Panalo

11 3 0
                                    

Panalo

(Ashly's Point of View)

Magdo-door bell ba 'ko o uuwi na lang ako? Tsk. Napapadyak na lang ako nang hindi ko na naman malaman ang sagot sa tanong ko. Magka-kalahating oras na din akong nakatayo dito sa labas ng bahay nila Theo. Isasauli ko kasi 'yung t-shirt na ipinahiram niya sa'kin nung Friday. Sa kanya pala galing 'yung t-shirt na iniabot nung nurse sa'kin. Nung nagpalit kasi 'ko ng damit pagkauwi ko ay binali-baliktad ko 'yung damit at hindi naman ako nabigo dahil sa may laylayan ay may nakalagay na pangalan ni Theo.

Nung mga oras na nalaman kong sa kanya pala galing 'yung t-shirt ay hindi ko mapigilang kiligin. Kahit na alam kong ginawa niya lang 'yon para makatulong. Hay. Ayoko na ngang isipin ang dahilan niya.

Lumapit akong muli sa doorbell at hindi na 'ko nagdalawang-isip pa na pindutin 'to. At halos mapatalon naman ako sa gulat nang bumukas agad ito.

"O? Ba't parang gulat na gulat ka? Tss. Nangalay na 'ko kakatayo dito. Hindi ka pa ba nakakapag-doorbell sa buong buhay mo?" nakacross-arms na pahayag niya. Napairap na lang ako sa kayabangan niya. Minsan talaga ang lakas ng apog ng lalaking 'to. Napapaisip tuloy ako kung siya talaga 'yung Theo na crush na crush ko.

"E bakit ba ang sungit mo? Tsaka kanina ka pa pala nandyan, e di sana pinagbuksan mo na 'ko nang hindi ako nagmumukhang tanga dito."

Sa halip na sagutin niya 'ko ay hinila niya sa kamay ko ang paper bag na hawak ko.

"Bakit mo kinuha 'yan?" inis na tanong ko.

"Kaya ka nandito para isauli 'to 'di ba? O siya, sige na. Umalis ka na." sagot niya at saka akmang isasara 'yung gate ng bahay nila kaya lang ay hinarang ko ang kamay ko. Muntik na nga 'kong maipit mabuti na lang at slow motion 'yung pagsara niya. Halatang nagpapapigil palibhasa alam niyang pipigilan ko siya. Hay.

"Hindi mo man lang ba 'ko papapasukin? Sa bahay namin, welcome na welcome ka. Sir pa nga ang tawag sa'yo ng kasambahay namin. Tapos ako palalayasin mo agad?" nakakainit siya ng ulo a. Infairness naman sa'kin dahil nagagawa ko nang mag-rant sa kanya.

"Ano namang gagawin mo sa bahay namin? Tsaka hindi ka ba aware na mag-isa lang ako dito dahil nasa ibang bansa ang parents ko?"

Sa bagay. Tsk. Baka isipin ng mga kapit-bahay niya ay may milagro kaming ginagawa. Kadiri naman 'yon.

"Okay. Sige na. Uuwi na 'ko. Thank you sa t-shirt."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa kung may sasabihin man siya. Bigla kasi 'kong tinubuan ng hiya sa sinabi niya. Tsk. Parang ipinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa kanya sa ginawa ko kanina.

"Ang bilis mo namang kausap. Tara." nagulat na lang ako nang sumulpot si Theo sa likuran ko at hilahin ako pabalik sa bahay nila.


"Teka lang. Teka. Tama ka naman kasi e. Ano na lang ang sasabihin ng mga kapit-bahay niyo kapag nakita na tayong dalawa lang dyan sa bahay ninyo? Baka isipin nila na gumagawa tayo ng milagro. Hindi mo ba naisip-." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang pasakan niya ng cookies ang bibig ko. Hila-hila niya pa din ako. At ngayon ay nasa kitchen na nila kami. Grabe. Mas malaki ang bahay namin, pero ang cute lang ng bahay nila.

Binitawan niya ang kamay ko at saka siya lumapit sa ref nilang dalawa ang pintuan. I mean, 'yung parang aparador ang style. Astig. Ganito naman din ang ref namin. Mas high tech pa nga 'yung sa'min dahil may water dispenser 'yung sa'min pero ang astig pa din nung kanila. Hay. Masyado lang yata akong humahanga kay Theo kaya lahat ng bagay na tungkol sa kanya ay hinahangaan ko na din.

Love Me RightOnde histórias criam vida. Descubra agora