Forty- Four: Kaya nga

1 0 0
                                    

Kaya nga

(

Ashly's Point of View)

"Ilang minutes na lang magbe-bell na! Baka gusto ninyo namang mag-usap. Iisipin ko na talaga na ako ang reason ba't di kayo nagkikibuang dalawa. Nakaka-stress!" maarteng pahayag ni Alysson sabay paypay sa mukha niya na akala mong pinagpapawisan siya samantalang airconditioned naman dito sa faculty room.

“Ayusin mo na 'yang gamit mo, Aly. Parating na 'yon si Sir.” kausap ni Theo sa kanya at saka siya tinulungan nitong ayusin ang gamit niya.

Ang awkward. Hindi ba dapat masaya ako kasi nag-uusap na ulit sila. Tsaka for sure he's pursuing her again. Hay. Dahil pa rin siguro 'to sa sudden confession ni Theo nung sembreak.


Mga ilang sandali pa at nag-ring na ang bell sa buong school. Hudyat na uwian na, kaya naman inimis ko na rin ang mga gamit ko at saka ako nagmadaling tumayo. Masyadong awkward ang paligid kung nasaan ako ngayon. I need to breathe. Pinagsasabi mo Ash?

"Oh? Saan ang punta mo Ash?" bungad sa'kin ni Sir pagkapasok niya sa faculty room matapos niyang makita ang backpack ko na nakasukbit na sa magkabilang balikat ko. Ready na rin kasi akong lumabas ng pinto. Hehe.

"Uuwi na po?" nag-aalangang sagot ko. Don't tell me, until 6 P.M. ang review namin para sa College Entrance Exam? Samantalang buong sembreak ko ay nilaan ko na sa pagrereview.

"Okay na ba kayo?" tanong ni Sir na may double meaning yata base na rin sa tingin niya sa'min.

"Sir. Okay na po ako. Nag-review din po kasi ako nung sembreak.” sagot ko bilang pag-iwas na rin sa topic na gusto niyang buksan.

“What I mean is, kayong tatlo. Are you okay with each other now?” pahayag ni Sir kaya mas naging awkward para sa'kin ang paligid. Ang showbiz naman ni Sir. Tsk.

“We're good po Sir. And it's a big help na pinagsama ninyo po kaming tatlo for our review.” sagot naman ni Alysson siguro to address na rin the main reason kung bakit kami pinagsama ni Sir sa iisang room.

"How about you Theo? I haven't heard any from you." baling naman ni Sir kay Theo na tahimik lang din sa tabi.

"Pwede po bang mag-solo na lang ako ng pagrereview?"

Bigla na lang naging tahimik ang paligid matapos 'yong sabihin ni Theo. After ng sembreak, pagkabalik niya sa bahay nila. Naging tahimik na siya. Ang balita ko, kahit daw sa klase ay wala rin siyang kibo. Hindi na rin daw siya nagrerecite. Sumasama pa din naman siya kayna Leo. Pero mapapansin mo agad ang pagiging tahimik niya. Para siyang nawalan ng emotions. 'Yun din marahil ang dahilan kung bakit ayoko siyang makita. Hindi ko kasi maiwasang isipin na isa ako sa dahilan ng pagbabago niya.

"Theo. Alam mo ba na sobra kaming nababahalang mga teachers mo sa ikinikilos mo ngayon? Hindi ka naman ganyan dati. Kaya naisip namin ang set-up na 'to. Alam ninyo ba kung bakit wala kaming reviewers na ibinigay para sa araw na 'to? Dahil gusto naming magkausap-usap kayo. Para maayos ang problema ninyong tatlo. Nababahala kami dahil kayong tatlo ang itinuturing na Aces ng batch ninyo. At ayaw namin na maapektuhan nito ang future ninyo."

"Sir? Paano po 'yung iba? Ito po kasi ang madalas kong mapansin. Priority ang students ng section one. Kapag recess and lunch time, mauna man o hindi sa pila ang section one. Sila pa rin ang uunahin. Ang mga teachers. Palagi na lang bukambibig ang mga estudyante sa section one. Opo. Pinupuri at ipinagmamalaki din nila kaming nasa ibang sections. Pero kami lang po 'yon. 'Yung mga kasali sa top at nagiging pride ng school sa mga competitions. Pero other than that, wala na po. Sa mga scholarships at opportunities na ino-offer ng bigating Colleges and Universities, halos hindi na magkandaugaga ang section one sa pagpipilian nila dahil halos lahat ng forms ay ibinigay na sa kanila. Pero paano naman po 'yung ibang aspiring students? Ang point ko lang po, hindi lang po kami ang estudyante ng school na 'to. Kaya sana po, 'wag kayong masyadong mag-focus sa'min. Hindi lang po kami ang may problema at pinagdaraanan. Kaya sana po, hayaan ninyo na lang na kami ang umayos ng problema namin. Kung meron man po." napahigpit ang kapit ko sa straps ng bag ko matapos kong sabihin ang mga katagang 'yon. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib matapos kong sabihin 'yon. I've been wanting to tell them about this issue.

Love Me RightWhere stories live. Discover now