Thirty: Can I have this dance

7 2 0
                                    

Can I have this dance

(Ashly's Point of View)

Ako lang yata 'yung na-in love na hindi pwedeng mag-confess sa taong gusto ko. Tsk.

"Ash naman! Tanggapin mo na 'yung offer! Alang-alang sa section natin!" inalog-alog pa 'ko ni Pin habang hila-hila ang braso ko pabalik sa gymnasium ng school namin.

"Ayoko! When I say no, no."

"E sige na Ash! Nagtatampo na nga kami sa'yo. Pinagpalit mo kami sa section one for a week tapos ayaw mo pang pagbigyan ang hiling namin." nag-pout pa siya. Akala naman niya madadaan niya 'ko sa pa-cute niya.

"Hindi pa din." pagtanggi kong muli dito.

"Fine! Kung hindi ka madaan sa magandang usapan....THEO-." kaagad kong tinakpan ang bibig ni Pin. Napaka talaga nitong babaeng 'to. Mabuti na lang at malayo kami sa stage kung nasaan ang halos lahat ng section one.

"Pag-iisipan ko!" labag sa loob na sabi ko.

"'Wag mo nang pag-isipan! Tara na do'n!"

Parang amazona 'tong babaeng 'to. Kahit na anong piglas ko ay nagawa niya pa rin akong hilahin papunta sa may stage.

"Ma'am! Payag na daw po si Ash!" sigaw ni Pin. Napayuko na lang ako nang magtinginan sa'kin ang mga kaklase ni Theo. Panigurado, nadagdagan na naman ang galit nila sa'kin. Tsk.

"Finally! Matutuwa ang lola mo sa naging desisyon mo. Matagal na niyang gustong makita ang apo niya na sumali sa pageant ng school niya. Kailangan niyang malaman ang tungkol dito. Okay guys, pakibilisan na ang pagp-prepare. Babalik ako agad." ngiting ngiti na pahayag ni Miss Viena.

"Go Ash! Fighting!" cheer sa'kin ni Pin sabay takbo sa may bleachers. 'Yung mga candidate lang kasi for Foundation day ang dapat na nasa stage pati na rin 'yung tumutulong sa pag-decorate nito which is mostly from section one of different year level since sila din ang member ng SSG officers at ng mga clubs dito sa school.

"Kailangang pa ba nating lumaban? Umpisa pa lang, may panalo na e." dinig kong sabi nung sophomore na candidate. Hay. Hindi nga ako pinariringgan ng mga kaklase ni Theo, sila naman ang pumalit. Kaya ayoko ding sumali sa ganito e. Alam ko namang ganyan ang iisipin nila.

"Ash, dito ka." tawag sa'kin ni Theo na nasa kabilang side ng stage kasama ang mga boys na candidate din. Mukha ba 'kong lalaki? Tsk. Umiling lang ako bilang sagot.

Pagbalik ni Miss Viena ay nagsimula na kaming mag-ensayo. Isang linggo lang kasi ang meron kami para makapaghanda. Pinaghiwalay muna niya kaming boys and girls. Kaya kaming mga babae lang ang nandito sa stage, 'yung mga boys naman ay nasa dance hall nitong school.

"Go Ash!" tili ni Pin mula sa bleachers nang ako na ang susubok na maglakad sa gitna ng stage. Madali lang naman para sa'kin 'to dahil nung bata ako ay isinali ako ni mimay sa isang modeling class. Tsaka nasanay na din akong magsuot ng heels dahil palaging gano'n ang pinasusuot sa'kin ni mimay kapag may party kaming pupuntahan. Gusto ko sanang matuwa dahil mukhang magiging madali lang para sa'kin 'to, kaya lang ay nawawala ang confidence ko dahil sa mga mata ng taong nakatingin sa'kin.

"Ashly, come on. Maayos na 'yung lakad mo nung una. Bakit parang bigla ka namang nahirapan sa heels mo?"

"Sorry po. Uulitin ko na lang." nahihiyang paumanhin ko kay Miss Viena na nginitian lang ako.


NATAPOS ang maghapon nang hindi ko napeperfect ang lakad ko. Maling ideya talaga ang pagsali ko dito.

"Kamusta?"

Love Me RightWhere stories live. Discover now