Twelve: Cheer

12 3 0
                                    

Cheer


(Ashly's Point of View)

“At bakit naman ako sasabay sa inyo? Tignan ninyo nga 'yung uniform natin. Magkaiba tayo ng school. Ang school namin ang way ay sa gawing kanan paglabas ng village na 'to. At ang school ninyo, sa pagkakaalam ko ay sa gawing kaliwa naman. Naka-drugs ba kayong dalawa?” salubong ang kilay na pahayag ko sa kanila.

Lumayo sila ng konti sa'kin at saka nagbulungan.

“P*t*ng*n* Sail, pigilan mo ko. Masasapak ko 'yang babae na 'yan.”

“G*g* ka ba Zin. Babae 'yan. Papatulan mo naman. Chill ka lang kasi pre. Paano 'yan papayag kung susungitan mo din siya?”

Umakyat ang dugo ko sa ulo nang marinig ko ang pinagbubulungan nila.

“Nagbulungan pa kayo! Dinig ko naman!” sigaw ko sa kanila.

Sinamaan ako ng tingin nung Zin. Ginulo naman nung Sail 'yung buhok niya nang paulit-ulit. Hobby niya ba 'yon? Tsk. Pero ang gwapo pa rin niya kahit messy hair siya. Hay naku Ashly.

Para silang shunga. Kakainis. Ang aga-aga.

“At bakit nyo 'ko minumura! Pinapakain nyo ba 'ko? Kung wala kayong magawa sa buhay nyo, 'wag nyo 'kong idamay!”

Naglakad na 'ko ulit palabas ng village namin. Kakainis talaga. Ang aga ko gumising para makakain pa 'ko sa canteen tapos haharangin pa nila 'ko. Badtrip talaga sila. Tsk.

“SA IBA NA LANG TAYO MAGTANONG P'RE! SA KUMBENTO NGA PALA SIYA PUMAPASOK!”

'Wag mo nang pansinin Ashly. Hayaan mo na. Mga siraulo lang sila. Lalo na 'yung Zin na 'yon. Aish!

----*

Nakahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa gate ng school namin.

Kaya lang ay hindi pa 'ko nakakapasok ay may bumusina sa'kin nang pagkalakas-lakas. Nasa gilid naman ako. Tsk. Mga papansin.

“Mali ka yata ng papasukan, SISTER. Hindi kumbento 'to.”

“G*g* ka talaga Zin. Hahaha.”

Napairap na lang ako sa hangin nang makita ko ang mukha nung Zin at Sail sa loob ng kotseng bumusina sa'kin. Paano nila 'ko nasundan dito? Tsk.

Nagtawanan pa sila bago tuluyang pumasok sa loob ng school.

Nanatili lang akong nakatingin sa kawalan. Nag-iisip ng matinong dahilan kung ano'ng gagawin nila sa school namin. Don't tell me transferee sila?

Nabalik lang ako sa katinuan ko nang may pumisil sa kaliwang pisngi ko.

“Ma-lelate ka na. Hindi ka pa ba papasok?” tanong ni Theo.

Suot niya ang jersey nya at nakasukbit naman ang backpack niya sa isang balikat niya.

“Nagsalita ang hindi ma-lelate.” nakangiwing sagot ko.

Piningot naman niya ang tenga ko. Tsk.

“Masakit 'yon a! Bakit ka namimingot dyan?” sigaw ko sa kanya.

“Nakalunok ka ba ng megaphone? Bakit nahihilig ka yatang sumigaw ngayon? No talking back, right?”

Tinignan ako ng masama ni Theo. As if naman na tatalab sa'kin 'yon. Tsk.

“Lahat naman bawal Theo. Diretsuhin mo na lang ako na mag-disappear sa harap mo. Nakakataba pa ng puso 'yon. Promise.” sarkastikong pahayag ko at saka ako tumakbo palayo sa kanya dahil baka pingutin na naman niya 'ko.

Love Me RightWhere stories live. Discover now