Thirty Four: Confused Feelings

18 2 4
                                    

Confused Feelings

(Ashly's Point of View)

Ang tagal naman ni Sail. Nasaan na ba 'yon? Kanina pa siya papunta. Baka sarado na 'yung mall bago kami makarating do'n. Tsk.

"Ate Ash! OMG! Nakita ka ulit namin! Bakit ka naman umalis nung Student's Night?"

Napalingon ako sa ilang sophomores na lumapit sa'kin dito sa waiting shed sa labas ng school namin. Para silang nakakita ng artista. Kulang na lang kuminang ang mga mata nila nang makita ako. Ang OA naman ng description ko. Hay.

"Sumakit kasi 'yung lalamunan ko after kong kumanta noong gabing 'yon. Hehe." napakamot pa 'ko sa ulo ko matapos kong sabihin 'yon. Minsan talaga kailangan mong magsinungaling sa mga sitwasyong kagaya nito. Ayos lang naman 'yon. Para naman 'to sa ikabubuti ng lahat. White lies, ika nga nila.

"Okay ka na ba ngayon, ate?" tanong nung isang kasama nila.

"Oo naman. Teka. Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ko sa kanila. Baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan namin kung hindi pa sila uuwi. Mahirap na.

"Pauwi na din, ate. Naghihintay lang kami ng service. Ikaw ba ate? Hinihintay mo ba si Kuya Theo? Yiiiieee!" napaiwas na lang ako ng tingin nang sabihin nila 'yon. Hay. Naaalala ko ang sarili ko sa kanila dati. Nung mga panahong, tamang simoy lang ako kay Theo at nung mga araw na nag-iimagine ako about sa'min. Pero ngayon, ayoko na lang isipin ang kung ano mang bagay na may kinalaman sa kanya.



"Bakit kaya may mga taong kagaya niya? Ang galing lang talaga. Pati sophomores, dinadamay pa niya sa ambisyon niya kay Theo. Iba na talaga kapag 'EVERYONE'S FAVORITE'." napairap na lang ako nang may ilang 4th year high school students na kagaya ko ang dumaan sa harapan namin at sabihin 'yon. Hindi ko na lang sila pinansin kahit na alam kong ako naman ang pinaparinggan nila.



Ako? ‘Everyone's Favorite’? Baka favorite na pag-usapan ng mga 4th year. Hay.

"Mga ate, 'wag ninyo naman pong pagsabihan nang ganyan si Ate Ash. Kami po ang unang lumapit sa kanya." pagtatanggol sa'kin ng mga sophomores na kausap ko.

"Wow. Ang galing talaga. Bakit? Libre na lang ba daw ang tuition ninyo kapag sinuportahan ninyo siya?" sagot naman nung mga 4th year na nakatayo hindi kalayuan sa'mina habang nag-aabang din siguro ng service nila.

"Baka naman kasi kinausap na ni Ashly 'yung mga teachers nila na gawin silang top sa klase. Hindi naman mahirap na gawin 'yon, dahil apo siya ng may-ari ng school."



Eto na naman tayo sa apo ng may-ari ng school. Tsk. Mas gusto ko na lang maging ordinaryong estudyante talaga. Lahat na lang ay may ibig sabihin sa kanila. Tsk.

"Nakakaawa ka naman Ashly. Para makuha ang gusto mo, ginagamit mo ang lahat ng resources na meron ka. Iba na talaga ang nagagawa ng desperada."

Hindi na 'ko nakapagpigil sa huling sinabi nila. Ako pa ba ang desperada? Palibhasa, mga wala naman silang alam. Mga judgemental.

"Pwede ba. Wala akong balak na agawin si Theo kay Alysson, okay? Bakit ba masyado kayong kabado? Tsaka bakit ba kayo affected? Kung umasta kayo parang kayo ang girlfriend ni Theo. Kaya pwede ba, tigilan ninyo na 'ko. Kasi kung hindi....." teka. Ano ba ang dapat kong ipanakot sa kanila? Hay, Ash naman. Hindi ka talaga pwedeng makipag-away. Nauubusan ka ng words. Tsk.

"Kasi? Oh? Bakit hindi ka na makapagsalita dyan?" nagtawanan pa sila pagkatapos no'n kaya mas lalo akong na-mental block. Hay naman!

Love Me RightWhere stories live. Discover now