Fifty- Two: Caileigh

5 0 0
                                    

Caileigh


(Zin's Point of View)

"P're samahan mo na kasi 'ko. E di kapag hindi ka pinansin ulit ni Sister e di 'wag mo din siyang pansinin. Isa pa, hindi naman si Sister ang ipupunta natin do'n. Si Pin. Siya ang may birthday. Dali na p're."

Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang hindi kumibo si Sail at patuloy pa ding nagsasagot ng assignment namin. Tsk. Nakaka-stress naman 'to.

"Ano ba kasing pinag-awayan ninyo ni Sister? Kakausapin ko na talaga siya mamaya. Hindi pwedeng ganito." pangungulit kong muli sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Tsk.

Ano ba kasing problema ni Ash at iniiwasan niya kami.

"Kapag hindi ka pa tumahimik dyan, hindi talaga 'ko sasama."

Napatalon ako sa tuwa kaya naman nahulog 'yung mga libro at notebook na sinusulatan ni Sail.

"Ako na ang pupulot p're. Chill ka lang. Hehe." alanganin na pahayag ko. Mahirap na. Baka biglang magbago ang isip niya. Ang hirap pa namang kumbinsihin ng isang 'to. Kay Sister lang nakikinig 'to e. Tsk.

(Ashly's Point of View)

Paglabas ko ng gate ng bahay namin ay bumungad sa'kin ang isang lalaking naka-cap at sunglass. Hindi ko siya makilala dahil sa cap at sunglass na suot niya. Pero mukhang same age lang sila ni Mimay.

"Excuse me po. May kailangan po ba kayo? Sino po'ng hinahanap ninyo?" magalang na pahayag ko dito. Hindi kaya, investor 'to ni mommy?

"Nakita ko na." sagot niya sa'kin habang nakangiti siya. Ang gwapo naman ng lalaking 'to. Tsk. Maganda or gwapo din siguro ang anak niya. Hay. Ano ba 'tong iniisip ko?

"Gano'n po ba? Ito po bang bahay namin ang hinahanap ninyo?" tanong kong muli sa kanya. Pero umiling lang siya. Bakit ba napaka-tsismosa ko? Malelate ako nito sa birthday party ni Pin e. Tsk.

"Hehe. Pasensya na po. Sige po. Mauna na po ako." nahihiyang pahayag ko dito at saka ako tumalikod sa kanya.

Paglabas ko ng gate ng subdivision namin ay nakasalubong ko naman si Theo na naka-semi formal din na damit.

"Saan punta mo?" kaswal na tanong ko sa kanya.

"Susunduin ka." seryosong sagot niya.

"Ano namang trip 'yan?" bagot na tanong ko. Pinababantayan ba 'ko ni Mimay? Tsk.

"Nag-message si Tita. And I can't say no."

“Psh. Sana ininform mo 'ko. Hindi ka dapat nagde-decide mag-isa, lalo na kapag may kinalaman sa'kin. Kagaya na lang nung sinabi mo kay Mimay ang about sa plan natin.” nakairap na pahayag ko. Gusto kong sabunutan si Theo ngayon. Hay.

"Look, Ash. Gusto ko lang bumawi sa'yo. Masyado na kitang nagulo. Gusto ko lang na tulungan ka kay Sail.”

Nakalimutan niya ba na kailangan kong layuan si Sail?

“Friends lang kami ni Sail. Tsaka di ba, kaya nga e-escortan mo 'ko sa debut ni Pin ay dahil sa kanya?”

"You like him."

Tinignan ko ng masama si Theo. Kaya naman natawa siya.

"O, tapos? Ang layo ng sagot mo."

"Tutulungan kita sa kanya.” natatawang sagot niya.

"May nakakatawa do'n, Theo? Alam mo naman na hindi kami pwede. Hindi ko kayang i-betray si Mimay."

“E di aalamin ko na lang ang reason kung bakit gano'n ang favor na hiningi ni Tita sa'yo.”

Love Me RightWhere stories live. Discover now