Eleven: Ano'ng ginagawa natin?

13 3 0
                                    

Anong ginagawa natin?


(Ashly's Point of View)

Uwian na, pero abala pa din ang halos lahat ng estudyante maliban na lang siguro sa'kin.

Kanina pa 'ko palakad-lakad sa buong school habang pinagmamasdan ang mga schoolmates ko na nag-eensayo para sa nalalapit na Intramurals namin.

Sa section namin, isa lang ako sa limang hindi sumali sa sports at iba pang activities. Mas gusto ko na 'yung pinapanood ko lang sila dahil paniguradong makaka-abala lang ako kapag kasali ako sa practice.

Kabaligtaran naman ang sa section 1, dahil halos walo lang ang sumali sa kanila. Busy kasi sila sa studies. Well, hindi si Theo at ang mga kaibigan niya pati na rin si Alysson.

Sina Theo ay varsity ng school kaya kasali talaga sila. Dapat nga hindi na e. Kasi unfair 'yon sa ibang grade level. Pero wala naman akong magagawa do'n. Isa lang akong hamak na estudyante sa school ng lola ko.

Si Alysson naman ay kasali sa gymnastics kagaya ni Pin.

Hindi na nakakapagtakha na power couple talaga sila ni Theo, dahil nasa kanila na halos ang lahat.

Dahil sa pagiging abala ko sa pagmamasid sa mga tao sa paligid ko ay hindi ko napansin na napadpad na pala 'ko sa gym ng school namin kung saan nagp-practice sina Theo at ang iba pang basketball players.

“Theo! Ipasa mo naman ang bola!” hinaing ni Leo.

“Makasarili 'yan. Hindi niya 'yan ibibigay.” tila may hinanakit na pahayag ni Harris na nakatayo sa isang tabi.

Sa mga nagdaang araw ay napansin ko'ng nahati sa dalawa ang tropa ni Theo. Si Harris at Leo na lang ang palaging magkasama. Si Travis naman ay kay Theo sumasama. Minsan nga ay si Theo lang mag-isa.

Ano kayang pinag-awayan nila?

Hindi na lang pinansin ni Theo ang sinabi ni Harris at ipinagpatuloy lang niya ang pagd-dribble ng bola hanggang sa unti-unti siyang makalapit sa ring. Huminto siya sa 3-point line at saka niya binitawan ang bola. Na-ishoot niya ito nang walang mintis.

Ang galing talaga niya.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kung sino man ang nakakakuha ng bola hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

“Good job everyone! Bukas ulit.” sabi nung acting coach nila.

Malapit na palang mag 6:00 ng gabi. Napasarap naman yata ako ng nood sa kanila? Tsk.

Tumayo na 'ko at saka naglakad palabas ng gym.

Wala pa man ako sa exit ay may tumawag sa pangalan ko, na kaagad ko namang nilingon.

“Ash! Sandali.”

Nagmamadaling isinuot ni Theo ang pamalit niyang t-shirt at saka tumakbo palapit sa'kin.

“Bakit?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

Pero sa halip na sagutin niya 'ko ay pinisil niya lang ang pisngi ko.

At sa mga sandaling 'yon ay tumigil ang tibok ng puso ko.

“Bakit ka namumula? Kinilig ka na do'n? Tsk. Ang weak mo naman Ash. Haha. Tara na. Sabay na tayo.”

Nauna na siyang lumabas ng gym at naiwan naman akong naktulala sa kawalan.

Ito na ba 'yon?

Sign na ba 'to?

Kailangan ko na bang dumistansya kay Theo?

“Ash! Tara na. Ano pa'ng tinatayo mo dyan?”

Love Me RightWhere stories live. Discover now