Forty - Three: Ang swerte mo kay Sail

1 0 0
                                    

Ang swerte mo kay Sail

(Ashly's Point of View)

Grabe. Ang cool ng bahay nila Sail. Sino kaya ang architect ng bahay nila?

"Sister. Baka gusto mo na kaming turuan? Mamaya na ang tour sa bahay nila Sail." pang-iistorbo ni Zin sa paglibot ko sa bahay nila Sail.

"Wala pa naman si Sail. Bakit ba mas excited ka pang mag-aral sa kanya? Hay. Basag trip ka lagi." inis na sagot ko sa kanya.

At kahit na labag sa kalooban ko ay padabog akong lumapit sa kanya at saka ako umupo sa harap niya. Isa-isa ko na ding inilabas 'yung mga hand-outs na ibinigay sa'kin nung teacher nila.

"Sail! Si Sister nagrereklamo!"

Para akong nabato sa kinauupuan ko nang sumigaw bigla si Zin. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to. Baka nga maniwala sa kanya si Sail.

"'Wag kang maniwala-."

"Saan? Pasensya na natagalan ako mag-prepare ng merienda. Kain muna kayo."

Naiwan akong nakatingin sa pinanggalingan ni Sail. Shems. Nakakahiya. Bwiset talaga 'tong Zin na 'to.

"May nakikita ka ba na hindi namin nakikita, Sister?" pang-iinis pa ni Zin.

"May problema ba?" tanong ni Sail at saka siya pumunta sa harapan ko. Mabuti na lang at hindi niya naisipang ilapit ang mukha niya sa'kin dahil baka hindi na talaga 'ko makagalaw sa pwesto ko.

"Wala. Hehe." parang shunga na sagot ko.

"Baka gutom lang si sister, p're. Hahahaha." tuwang-tuwa na sagot ni Zin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Kumain na muna tayo. Bago tayo magsimulang mag-aral." nakangiting pahayag ni Sail. Shems. Bakit pakiramdam ko ay nagpapalpitate ng sobra ang puso ko ngayong ngumiti siya?

Hay. Nababaliw na talaga 'ko. Baka mamaya ay bigla na lang akong mawalan ng malay dito kapag ibang gesture naman ang ipinakita niya. Ash. Come back to your senses, okay? 'Wag mo naman masyadong ipahalata na crush mo siya. Nagmomove-on ka pa nga kay Theo e. Tsk.

Huminga ako ng malalim bago ako yumuko para hindi ko makita ang kung ano mang may kinalaman kay Sail. Pinagpatuloy ko ang kanina kong ginagawa na paglalabas ng mga libro at notebook mula sa paper bag na dala ko.

"Mamaya na 'yan, Ash. Kumain ka muna."

Literal na tumigil ang mundo ko nang hawakan ni Sail ang kamay ko at bigyan ako ng isang sandwich. Siya na din ang nagbukas ng wrapper nito. Hinawakan niya pa ang chin ko at itinaas ito upang magtama ang tingin naming dalawa. Shems. 'Wag naman sanang namumula ang mukha ko ngayon.

"Mamaya na 'yan, okay? Kain muna. Ako ang nagprepare niyan. Kaya kailangang kainin mo." nakangiting pahayag niya at saka pinisil ang pisngi ko.

Ang lakas ng pintig ng puso ko. Sana hindi niya naririnig ito.

"Ehem. Baka gusto nang kumain." pagpaparinig ni Zin. Kaya nabalik ako sa katinuan ko pero hindi ang puso ko. Shems talaga.

"Akala ko prenup ang pinapanood ko kanina. Teaser pa lang ba 'yon?"

At this point alam kong namumula na talaga 'ko nang dahil sa sinabi ng kuya ni Sail nang umakyat ito.

"Kuya. 'Wag ka nga." naiilang na pahayag ni Sail.

O ako lang ang naiilang? Hay. Mali yata na nag-volunteer ako na mag-tutor sa kanya. Tsk.

Sinimulan ko nang kainin 'yung sandwich na ibinigay ni Sail at saka ako nag-pretend na wala akong naririnig.

Love Me RightHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin