Forty- Six: Chance

3 0 0
                                    

Chance

(Ashly's Point of View)

"Ano'ng sasabihin mo kay Sail kapag nagkita kayo? Ilang araw ka nang hindi nagpapakita sa kanya."

Napasimangot ako nang marinig ko ang tanong na 'yon mula kay Pin na tinutulungan akong tanggalin ang mga bandage sa magkabilang binti ko.

"Sasabihin ko busy ako sa College Entrance Exam." sagot ko.

"Shunga ka ba? Kakatapos lang ng exam natin. Ano na lang iisipin ni Sail sa'yo? Hay. Mag-isip ka nga Ash. Katalino mong tao, napaka-lame mo naman mag-excuse. Tsk."

Oo nga 'no? Kakatapos nga lang pala ng exam namin. Hay. Ano nga kaya ang sasabihin ko kay Sail?

"Thank you po."

Sabay kaming napalingon ni Pin sa main door namin nang may magsalita mula rito. Nang makilala ko kung sino ang taong 'yon ay kaagad kong hinablot ang backpack ko at saka tinakpan ang mga binti kong may sugat. Shems. Nakita niya kaya 'yung mga sugat ko?

"Sail? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Pin.

"May sasabihin lang ako."

"Pinapasok ko na siya Ash. Kilala ko naman 'tong batang ito." pahayag ni Manang pagkapasok niya. Nginitian ko lang naman siya.

"Okay. Gets ko na. Usap kayo. Do'n lang ako sa garden." pahayag ni Pin.

Tinignan ko siya nang hindi makapaniwala. Iiwan niya talaga 'ko sa ganitong sitwasyon?

"Ash."

Kaagad kong nilingon si Sail na nakatayo ngayon sa harapan ko at nakatingin sa braso ko na may sugat din. Sinubukan kong ilagay sa likod ang braso ko pero huli na dahil nakita na niya ito.

"Kaya ba iniiwasan mo 'ko? Dahil dyan?" seryosong tanong niya habang sinisipat ang kabuuan ko.

Parehong pareho sila ni Zin. Nakakatakot sila kapag seryoso. Pero parang mas nakakatakot si Sail. Hindi ko kasi mabasa ang nasa isip niya. Mas lalo pa 'kong nakaramdam ng kaba nang tanggalin niya ang backpack ko na nakaharang sa mga binti kong may sugat.


"Saan mo nakuha 'yan?"

"Ano 'to.... wala lang. Kasi Sail-."

"Ash." mababakas mo ang galit sa tono ng pananalita niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Aksidente lang naman. Nawalan kasi ng preno 'yung mamang naka-motor. Pero hindi naman niya sinasadya. Tsaka hindi ako nadali. Nakuha ko 'to nung umiwas ako sa kanya."

Pakiramdam ko ay nagpapaliwanag ako sa teacher ko dahil hindi ko sinasadyang mabasag ang vase niya sa room. Grabe.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"Baka kasi hindi mo na 'ko papuntahin sa inyo para turuan ka." pag-amin ko.


"Kung mapapahamak ka lang din naman Ash, 'wag na lang."

"Sorry, Sail. Hindi na mauulit."

Bakit pagdating kay Sail, sobrang apektado ako? Bakit parang ayoko ng patutunguhan ng usapan namin?

"Hindi na talaga mauulit Ash. Oo nga pala. Kaya ako nagpunta dito, sasabihin ko lang sana na nag-hire si mama ng tutor ko. Hindi mo na 'ko kailangang turuan. Thank you sa patience mo sa'kin. Sorry din kung napahamak ka ng dahil sa'kin."

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon