Twenty-One: Siya

12 3 2
                                    

Siya

(Ashley's Point of View)

"Grabe Ash! First time in history 'yon. Hindi ka tinawag sa recitation kahit na taas ka ng taas ng kamay mo. LQ ba kayo?" hinampas pa 'ko ni Pin sa braso ko habang sinasabi nya 'yon. Palagi na lang ba nyang gagawin 'yon sa tuwing magkukwento siya o magtatanong? Ang sakit kaya. Tsk.


"Hindi naman kami, kaya bakit kami magkakaroon ng LQ. Tsk. Mamaya may makarinig pa sa'yo. Sugudin na 'ko ng buong section nila. Baka naman nakaramdam na siya na iniiwasan ko siya. Kaya gano'n." napairap na lang ako nang maalala ko ang ginawa nya kanina. Para akong naging instant invisible kanina. Nangawit na lang ang kili-kili ko kakataas ko ng kamay pero wala pa din siyang paki. Lumalagpas pa nga 'yung tingin nya sa'kin kapag sa side ko siya tumatawag ng sasagot.


"Pero okay na din 'yon Ash. Kasi nabigyan ng chance 'yung iba nating classmates na magka-grade sa recitation. Pati nga ako ay natawag." sinamaan ko siya ng tingin.



"Kaibigan ba kita o ano? Mauna ka na nga sa canteen! Nakakinis ka." sabi ko sa kanya at padabog na isinilid ang mga gamit ko sa bag.



Pagdating ko sa canteen ay ang haba na ng pila. Kung bakit nag-inarte pa kasi 'ko kanina. Hindi na nga lang ako kakain. Ilang oras na lang naman at lunch na namin. Iinom na lang ako ng tubig. Nakakabusog din 'yon.



"Ash! Dito!"


At kung iinisin ka nga naman talaga ng tadhana. Tinawag pa 'ko ni Alysson. Okay lang sana e, kaso kasama nya ang boyfriend nyang pambwisit. Tsk. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumapit sa kanila. Nakatingin lang sa labas ng canteen si Theo.


"Bakit?" tanong ko dito.


"Wala ka bang pagkain? Tamang-tama, nagpasobra ako ng binili kong snacks for recess. Sa'yo na lang." nakangiting pahayag nya at saka inilapit sa'kin ang tray na may lamang burger at juice. Gusto ko sanang ma-offend sa ginawa nya, kaso mukhang maganda naman ang intensyon nya. Nagdalawang-isip pa 'ko kung tatanggapin ko ang inaalok nya. Kapag kasi pumayag ako, ibig sabihin lang no'n ay kailangan ko silang saluhan sa table. Pero wala na din akong nagawa nang maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko.


"Thank you." uupo sana 'ko sa tapat ni Theo kaya lang ay sinamaan nya 'ko ng tingin kaya sa tapat na lang ni Alysson ako naupo. Bakit parang siya pa ang galit? Tsk.


"By the way Ash, may gagawin ka ba bukas? Baka pwedeng samahan mo ko sa school na pag-gaganapan ng last game nila Theo. Ako lang kasi mag-isa ang pupunta. Nakakahiya kasi wala akong kakilala." Wala naman akong gagawin, pero tama bang samahan ko sya? Hay. Kung bakit kasi napaka-indecisive kong tao.


"Sige. Samahan kita." ngumiti pa 'ko sa kanya at saka ipinagpatuloy ang pagkain ko.







Napapadyak na lang ako nang maalala kong nandun nga pala si Harris. Hay naman talaga. Bakit hindi ko agad naisip 'yon? Nagsisimula na naman tuloy akong kabahan. Kapag nagkataon, ito ang unang beses na makikita ko siya magmula nung araw na 'yon.

"Sorry kung ngayon lang ako. Traffic kasi. Tara na?" wala na 'kong nagawa nang hilahin ako ni Alysson papasok sa loob. Tsk. Bakit kasi ako pa ang isinama niya. May mga alipores este kaibigan naman siya. Ano 'yon? Mas may oras pa 'ko sa kanila para kay Alysson? Grabe naman.

Habang palapit kami ng palapit sa gym ay mas hindi ako mapakali. Handa na ba 'kong makita siya? Shems. Natetense ako sa hindi ko malamang dahilan. At mukhang napansin 'yon ni Alysson.

Love Me RightWhere stories live. Discover now