Twenty-Eight: Nagseselos ba siya?

15 2 3
                                    

Nagseselos ba siya?


(Ashly's Point of View)

"Sabihin ninyo lang kung mayroon akong maitutulong." nakangiting pahayag ko sa kanila. Pero parang wala naman silang narinig. Ni hindi man lang nga nila 'ko nilingon.

Kanina pa kami nakabilog ng ilan sa mga kaklase ni Theo. May group activity kasi kami. Sila lang pala. Nakikisali nga lang pala 'ko. Sila nga lang din ang nakabilog dahil nasa labas ako ng bilog nila. Na-miss ko tuloy bigla ang mga kaklase ko. Lalo na si Pin. Tsk.

"Do'n tayo sa bahay nila Stellar. Overnight tayo." suggest nung isa naming kagrupo na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Saan tayo magkikita-kita?" tanong ko sa kanila. Pero muli ay hindi na naman nila 'ko pinansin. Parang mas nakakaiyak 'yung ganitong pagtrato nila sa'kin. Mas gusto ko na 'yung kung ano-ano ang sinasabi nila tungkol sa'kin. Hay. Nababaliw na 'ko. Bakit ko ba naisip na mas magandang inaaway nila 'ko? Tsk.

"Okay. It's already time class. Mamaya na lang ulit kayo mag-usap tungkol sa play ninyo." pahayag ni Ma'am Jupiter.

Kaagad naman kaming nagsitayuan at pumasok na sa classroom. Nung recess time na ay sabay-sabay na lumabas ang mga ka-grupo ko para kumain. So, kahit na may baon ako ay sumunod na lang din ako sa kanila. Kaya lang, pagdating namin sa canteen ay wala nang space para sa'kin. At muli, ay wala na naman akong ibang choice kungdi ang umupo sa katapat na table nila. Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap-usap sila sa gagawin namin. Mukhang wala akong role base sa takbo ng usapan nila. Tsk. Okay lang din naman sa'kin ang maging props man.

"Ashly. Ikaw ang bumili ng mga 'to. Nakasulat na din dyan sa listahan ang address nila Stellar." kausap sa'kin ng isa sa mga kagrupo ko. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil sa wakas ay may kumausap na sa'kin.

"Sige. Ano pa'ng gagawin ko?" ngiting-ngiting tanong ko sa kanila. Pero hindi na nila 'ko muling pinansin pa hanggang sa makabalik kami sa classroom nila. Sabi ko nga. Napilitan lang silang kausapin ako.

UWIAN na. Kaagad kong isinukbit ang bag ko at saka excited na lumabas ng classroom. Nakabangga ko pa nga sina Zin at Sail na papunta sa faculty ni Sir para magpatutor.

"Sister naman. Ang laki-laki ng daan." reklamo ni Zin.

"Pasensya na." tipid na sagot ko dito at saka ako nagpatuloy sa pagtakbo kaya lang this time ay may humarang na sa dadaanan ko. Si Theo.

"Gusto mo bang mapatawag na naman?" tanong ni Theo sa'kin habang magkakrus ang kanyang mga braso.

Umiling lang ako dito bilang sagot.

"Sumabay ka na sa'min kung pupunta ka din sa book store." pahayag niya at saka naunang maglakad palabas ng school.

Pagdating namin sa may gate ay nadatnan namin do'n sina Alysson at ang iba pa nilang kagrupo.

"Ahh, Theo. Mauna na lang kayo. May pupuntahan pa pala 'ko." palusot ko dito na alam kong hindi naman niya tatanggapin.

"Sumabay ka na Ash." nakangiting pahayag ni Alysson bago tuluyang pumara ng jeep.

Naunang sumakay ang mga kaklase nila sumunod naman si Alysson at si Theo. Hay. Mabuti pa si Alysson inalalayan niyang makasakay. Tsk. Ano ba 'tong iniisip ko? Dati naman nakakasakay akong jeeo nang mag-isa. Sa unahan pa nga 'ko sumasakay katabi ni Manong Driver.

"Bayad po. Makikiabot Miss."

Kaagad ko namang kinuha 'yung bayad ng katabi kong lalaki na naka-uniform din kagaya namin. Pero mukhang college student na siya. Cute sana siya, kaso ayaw niyang bitawan 'yung kamay ko.

Love Me RightWhere stories live. Discover now