Twenty-Four: Tatlo

13 3 1
                                    

Tatlo

(Ashly's Point of View)

“Eto na!” masiglang salubong ko sa dalawang lalaking bwisita este bisita ko.

Inilapag ko sa center table ng salas namin ang isang bucket meal na chicken joy pati na rin ang cheese burgers na kanina pa paulit-ulit na nirerequest ni Zin.

“CHEESEBURGER! SAIL! CHEESEBURGER!” sigaw ni Zin sa mukha ni Sail. Tsk. Siraulo talaga.

“Gusto mong madagdagan 'yang pasa sa mukha mo? Walang kaibi-kaibigan. Sasapakin na talaga kitang g*g* ka.” banta ni Sail sa kanya.

“Sus. Lab na lab mo nga 'ko. Kulang na lang patayin mo 'yung kuya ni Shana kanina. Yiieee. Kakilig ka naman p're.” asar pa ni Sail sa kanya kaya nahampas siya nito ng unan.

“Hindi mo talaga 'ko titigilan Zin?” banta niya dito. Binelatan lang naman siya nito.

“Para kayong bata. Tigilan ninyo na nga 'yan. Kain na tayo. Treat ko 'yan sa inyo dahil sinira ko ang lakad ninyo hehe.” pahayag ko at saka sila inabutan ng tig-isang cheeseburger.

“Ayaw daw niya ng isang buo Sister. Gusto niya hati-- hating kapatid kami. Kasi nga 'di ba. Mahal ako ni Sail.” parang hindi mapakali na sagot ni Zin. Palibhasa ay sinamaan siya ng tingin ni Sail.

Natawa na lang ako sa kakulitan nilang dalawa. Dito kami sa bahay dumiretso pagkatapos ng gamutan session namin. Nag-insist silang dalawa na ihatid ako since 'yun naman daw talaga ang plano nila dahil sila naman ang nagyaya sa'kin na pumunta sa lugar na 'yon. Pagdating namin kanina actually, napagalitan kaming tatlo ni mommy lalo na 'ko kasi bakit daw puro boys ang kasama ko tapos sa gano'ng klaseng lugar pa daw kami nagpunta at ginabi pa kami. Worst is puro bangas 'tong dalawang mag-bestfriends na 'to tapos may benda pa 'ko sa kamay. Mukha daw kaming mga rebeldeng bata.

Nakakatuwa lang dahil hindi ko na kinailangang mag-explain dahil sila Sail at Zin ang todo paliwanag. Kung titignan mo sila, para lang silang mga taong walang magawa sa buhay at walang patutunguhan pero once na makasama mo sila at medyo makilala, doon mo malalaman na iba sila sa nga lalaki sa panhon ngayon. Sana iba din sila sa lalaking unang nakilala ko. Kung magiging kaibigan ko man sila. Sana hindi nila 'ko iwan kagaya ng ginawa ng daddy ko.

“O, sister. Bakit ka naman ganyang makatingin sa'min? Don't tell me naiinlove ka na sa'ming dalawa? Bawal 'yon. Dapat isa lang ang pipiliin mo. Mas maganda kung si cheese este kumain ka na ng cheeseburger.” inabutan pa 'ko ni Zin ng cheese burger na dinampot niya sa lamesa habang nakanguso ito dahil sinamaan na naman siya ng tingin ni Sail.

“Sira ka talaga. Teka. Ano'ng oras pala kayo uuwi? 'Di ba may pasok pa bukas?” usisa ko sa kanila.

“Sabihin mo na lang Sister na umuwi na kami. Pasimple ka pa e. Tara na p're. Pinapauwi na tayo.” tumayo pa si Zin at saka hinila-hila si Sail.

“Isa ka pang bakla. Ang arte mo. Magsama kayo ng kuya ng ex mo.” asik ni Sail sa kanya kaya napabusangot siya saka ito pabagsak na naupong muli sa sofa.

“Ayaw mo lang umuwi kasi nandito si cheese este madami pang cheese burger.”  nakairap na sagot ni Zin. Hindi naman siya pinansin ni Sail na noon ay busy sa cellphone niya.

“Hindi ko naman kayo pinapauwi. Tinatanong ko lang kasi pare-parehas tayong may pasok bukas. Tsaka gabi na. Baka hindi kayo makapasok.” paliwanag ko.

“Naalala mo nung nakita mo kami nung madaling araw? Isang oras lang tulog namin no'n sa bahay tapos pumasok na kami sa school. Umiinom na lang kaming energy drink para magising kami sa oras ng klase. Pero etong isang 'to ang matibay. Kasi tulog 'yan palagi sa klase. Tsk. Kaya palagi 'yang napapagalitan sa kanila.” pahayag ni Zin.

Love Me RightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ