Twenty Nine: Fallen

15 2 1
                                    

Fallen

(Ashly's Point of View)

"O? Bakit ka nandito? Akala ko isa ka sa bida?" tanong ko kay Theo na katabi kong nag-aayos dito sa may backstage.

Napairap na lang ako nang umalis siyang hindi ako sinasagot. Grabe. Ang lakas ng topak niya. Nahawa na yata siya sa mga kaklase niyang hindi ako pinapansin. Tanging si Leo at Travis na lang ang pumapansin sa'kin sa room nila. Nagbago na din kasi si Alysson. Hindi na rin niya 'ko kinikibo. Dahil siguro 'yon nung nagpasundo ako kay Theo. Nagp-practice pala sila ng lines no'n nung umalis si Theo. Hay. Kasalanan mo na naman self.

Saturday ngayon at nandito kami sa auditorium ng school para sa play ng section one. Actually, isa dapat ako sa lead roles. Pero tumanggi ako. Hanggang sa stage ba naman, ka-love triangle ako nila Theo at Alysson? Tsk. Ayoko nga no'n. Kaya eto ako ngayon props man sa likod. Pero okay na din. Enjoy nga e.

"Sister!" sigaw ni Zin.

Pinandilatan ko naman siya ng mata. Alam nang nagsisimula na 'yung play e. Tsaka ano ba'ng ginagawa niya dito? Parang mas lagi pa silang present dito sa school namin kaysa sa school nila.

Speaking of which, si Zin na lang ang nakikita ko tuwing hapon na uma-attend ng tutorial session kay Sir. Nasaan na kaya si Sail? Sana okay lang siya.

"Sail! Nandyan ka lang palang g*g* ka! Kanina pa kita hinahanap!" sigaw muli ni Zin habang nakatingin sa kabilang side ko kaya naman napatingin na din ako do'n.

Hindi ko alam sa sarili ko pero nabitawan ko na lang bigla 'yung hawak kong background nang makita ko si Sail. Mabuti na lang at mabilis siyang nakatakbo papunta sa'kin kaya hindi tuluyang nahulog 'yung background.

"Sister, mag-iingat ka kasi. Nakakita ka lang ng gwapo, nabalisa ka na bigla. Tulungan ka na nga namin."

Tanging ngiti lang ang naisagot ko kay Zin dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayong pinapagitnaan nila 'ko. Naaamoy ko pa mula dito sa pwesto ko ang pabango na ibinigay ko kay Sail.

"Ayos ka lang ba?" bulong ni Sail sa'kin.

Tumango lang ako bilang sagot. Bakit ako nagkakaganito? Bakit parang hindi ako makagalawa sa kinatatayuan ko? Hay, Ashly. Baliw ka na talaga.

AKALA ko ay makakahinga na 'ko nang maluwag nang matapos ang play. Pero hindi pala. Kasama ko pa din hanggang ngayon sina Sail at Zin dito sa auditorium. Ako nga lang ang wala sa dressing room. Ang buong section one ay nando'n sa loob. Well, hindi naman ako part ng section nila. At ito na din ang last time na makakasama ko sila.

"Sister. Naninibago ako sa'yo. Bakit hindi mo yata kami kinakausap?" tanong ni Zin sa'kin habang kumakain ng foods na ipinamigay sa mga cast at crew ng play namin. Pinapunta pala sila ni Sir para tumulong sa mga props dahil mostly, gurls ang nasa backstage.

"Napagod lang ako." sagot ko dito.

"Wala ka ngang ginawa magmula nung dumating kami. Ginawa kang prinsesa ni Sa-Sir. Sabi ko si Sir."

Natawa na lang ako nang samaan siya ng tingin ni Sail.

"Ayan! Tumawa ka na din! Tsk. Iba talaga ang nagagwa ng kagwapuhan ko!" nag-pogi sign pa si Zin. Mukhang shunga. Tsk.

"Gwapo? Nasaan?" pabirong tanong ko dito at saka nagkunwaring inilibot ko ang paningin ko na sana ay hindj ko na ginawa dahil nakita ko lang si Theo na papalapit sa'min bitbit ang isang bungkos ng pulang rosas na bigay ng section niya sa kanya.

Nagulat na lang ako ng tumigil siya sa tapat namin at ibigay sa'kin 'yung mga bulaklak.

"Ano'ng gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya pero nilampasan niya lang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad

Love Me RightWhere stories live. Discover now