Fifty: Favor

2 0 0
                                    

Favor

(Ashly's Point of View)

"Ahh..... sige pasok na ko. Uwi ka na din." nginitian ko siya ng slight saka ako tumalikod agad para mag-doorbell sa bahay namin.

Bakit ba ang awkward ko ngayon masyado kay Sail? Hindi naman niya yata narinig yung biglaang confession ko kanina. Tsaka kung ano-ano lang naman topic namin kanina nung tinreat niya kami for dinner. Nagmumukha lang akong obvious nito sa ginagawa ko. Hay Ashly!

"Ash."

Shems. Hindi pa pala siya nakakaalis. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Bakit ba inisip ko na hindi niya narinig yung sinabi ko kanina?

"Bakit?" kinakabahang tanong ko. Shems. Hindi ako ready na ma-reject ni Sail. Parang di ko yata kaya.

Natigilan ako sa mga thoughts ko nang makitang tumatawa siya habang nakatingin sa'kin. Lumalabas na naman ang dimples niya. At alam kong hindi ito ang oras para pansinin pa ang bagay na 'yon.


"Yung kanina-."

"Oo gusto kita-." shet. Mali Ash. Umayos ka. Umisip ka ng palusot! Ngayon na mismo!

"I mean gusto kita siyempre dahil magkaibigan tayo. Si Zin din gusto ko kasi kaibigan ko din siya. HA.HA.HA. Gano'n naman di ba pag friends? Haha. Sige, pasok na ko ha? Gabi na eh. Uwi ka na din! Sige! Ingat!" paliwanag ko na parang nagrarap at hindi pa makatingin ng ayos sa kanya. Ano'ng kabobohan yon Ashly?! Nasaan na ang utak mo?!


"Bakit hindi ka pa pumapasok?" nangingiting tanong niya. Shet. Nakakahiya ka Ashly.


Naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Bakit nga ba nakaharap pa din ako sa kanya at ni hindi man lang ako gumalaw para pumasok sa loob?


"Ahh..... kasi hindi ka pa umaalis?" isang katangahan na naman ang lumabas sa bibig ko. Bakit ba kasi ayaw pang umalis ni Sail? Hindi malabong masabi ko na talaga sa kanya ang totoo. Tsk.


"Ahh akala ko kasi papasok ka na kasi sabi mo. Haha. Okay ka lang ba Ash? Bakit parang namumula ka?" hinawakan niya pa ang noo ko para siguro i-check kung okay lang ako pero kaagad ko rin 'yong inalis. Baka magpalpitate na lang ako bigla dito sa sobrang kilig este kaba.



"Ganito talaga 'ko pag mainit ha. ha. Uwi ka na. Di ka pa ba uuwi? Gabi na o! Papasok na lang naman ako sa gate. Tatanawin na lang kita paalis. Go na. Ha. Ha." marahan ko siyang itinulak paalis. Kailangan ko na siyang daanin sa pisikalan bago ko pa pagsisihan ang kung ano mang mga salitang lalabas sa bibig ko.


"Uuwi na ko. Pero okay ka lang ba talaga? Gabi na kasi e, tapos naiinitan ka pa?" lumingon pa siya sa'kin habang itinutulak ko siya. Hindi pa ba siya pagod sa game nila kanina? Bakit ba ang dami niya pang tinatanong?


"Okay nga lang ako. Kapag hindi ka pa umuwi baka hindi na talaga ko maging okay." halos ibulong ko na lang ang huli kong sinabi. Shet ka Sail. Umuwi ka na lang kasi.


"Uuwi na nga haha. Nagagalit na ang girlfriend ko. Pasok na. Wag mo na 'kong tanawin. Don't worry, Ash. Ikaw lang ang gusto ko hahaha." nakangiti niyang pahayag at saka ginulo ang buhok ko pero mas nagulo yata ang isip ko sa sinabi niya.


"Ano'ng sabi mo?" Natapik ko na lang ang bibig ko nang ma-realized ko na nasabi ko pala yon. Shet ka talaga self.



"Sabi ko gusto din kita. Di ba gano'n naman ang magkaibigan? Haha. Pasok na. Uwi na ko. See you Ash!" muli niyang ginulo ang buhok ko at saka ako bahagyang tinulak papasok ng gate ng bahay namin. Paglingon ko sa kanya ay naglalakad na siya palayo.


Love Me RightWo Geschichten leben. Entdecke jetzt