Thirty Three: Sagot

13 2 2
                                    

Sagot

(Ashly's Point of View)

"Good Morning Sister! Bangon na! May pupuntahan tayo!"

Na-crumple ko na lang ang kumot ko nang marinig ko na naman ang sigaw ni Zin. Nakailang beses na ba niyang sinabi 'yan? Tsk. Ang sakit na bga ng ulo ko dahil sa hang-over, tapos ang aga-aga pa manggising nito. 5 A.M. pa lang nandito na siya kasama ang isa naming kasambahay.

"Hanggang kailan kaya magpapanggap na tulog 'yang alaga ninyo, Nay?" tanong niya kay manang Tara.

"Iho, baka kasi masakit ang ulo niya kaya ayaw niya pang bumangon. Tsaka baka magalit 'yang si Ash kapag nalaman niyang nandito tayo sa kwarto niya habang tulog siya." malumanay na paliwanag ni manang.

"Kaya nga ho ako nagpasama sa inyo dito sa jwarto niya para hindi siya magalit kapag nakita niya 'kong mag-isa lang. Baka isipin pa niya na ni-rape ko siya. At isa pa nanay, NAGLULUTO SI SAIL NG HANG-OVER SOUP SA BABA KAYA KUNG AKO SA ISA DYA'N, BUMANGON NA SIYA!"

Kahit na ayokong gumalaw dahil gusto ko pa talagang makatulog ay hindi ko na nagawa nang marinig ko ang pangalan ni Sail. Magmula pa kagabi ay hindi na siya mawala sa isip ko. Ano ba'ng problema ko? Lasing pa din ba 'ko? Wala namang kung ano'ng nagyari sa pagitan namin kagabi pero bakit ako nagkakaganito? Ashly. Malala ka na talaga.

"Come back to your senses Ash!" napabangon na 'ko ng tuluyan at saka ko sinabunutan ang sarili ko. Kailangan kong makabalik sa katinuan bago ako humarap kay Sail, dahil baka matameme ako sa harap niya. Shems.

"Hoy Sister! Ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Zin.

"Mukha ba 'kong okay?" tanong ko dito at saka ko ginulo-gulo ang buhok ko.

"Ahh, nanay. Tara na sa labas. Mukhang sinasaniban na siya. Natatakot na 'ko. Baka kung ano na lang ang ibato niya sa'tin."

Literal na napaiyak na lang ako nang kumaripas siya ng takbo pababa habang hila-hila si manang. Hay. Paano ko ba haharapin si Sail? Wow, Ash. As if naman na nag-kiss kayo kagabi. E tinulugan mo nga lang siya matapos ka niyang ngitian. Shems. Nakakahiya 'yon.

Hindi naman sa ganitong paraan ko gustong makalimutan si Theo.

"Ash."

Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko si Sail sa may pinto ng kwarto ko. Hindi ko alam kung sinapian ba ako ni Kai at nakapagteleport ako nang bigla sa pinto ng kwarto ko. Naipit ko pa nga si Sail nang bigla ko siyang pinagsarahan ng pinto. Shems ka talaga Ash. Nakakahiya ka.

"Sorry. Sorry Sail. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Sorry ulit." hingi ko ng tawad dito habang nakasandal ako sa pinto ko dahil baka mabuksan niya ito kahit na ni-locked ko na ito. Ano ba kasing nangyayari sa'kin ngayong araw?

"Bumaba ka na lang kapag ayos ka na. Haha." pahayag niya at saka siya tumawa.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok nito. Napaupo na 'ko ng tuluyan sa sahig habang nakasandal pa din ako sa pinto ng kwarto ko nang dahil sa hindi ko malamang dahilan. Tumawa lang siya Ash. Bakit nanlalambot ka ngayon? Shems.

At kahit na hindi pa dapat ako magsho-shower ay napaligo ako nang wala sa oras. Baka sakaling mahimasmasan ako. At hindi nga ako nagkamali dahil halos manigas naman ako sa lamig ng tubig. Hay. Ano ba naman 'to.

Pagkatapos kong maligo ay nakita ko na lang ang sarili ko na naka-pink na dress at nag-aayos sa harap ng salamin. Napakurap pa 'ko nang makitang nay suot ako na pink din na headband na terno sa bistidang suot ko. Bakit ako nagpapaganda? Bakit ako nag-aayos ng ganito? Dapat nakapambahay lang ako. Hay. Kainis naman. Nababaliw na talaga ko.

Love Me RightWhere stories live. Discover now