Forty- Nine: Confession

2 0 0
                                    

Confession

(Ashly's Point of View)

“Sabi ko naman kasi sa'yo. Try mo lang. Wala namang mawawala. Tignan mo, nagagawa mo na ngayon ang isa sa mga bagay na pinakagusto mong gawin dati pa. Isa sa mga pangarap mo, to be exact.” nakangiting pahayag ko sa kanya.

“Thank you Ash. Kung hindi dahil sa pagtulak mo na sumali ako sa soccer team ng school, baka hanggang ngayon audience pa din ako sa tuwing may game haha.” nakangiti ring pahayag niya at saka niya pinisil ang pisngi ko.

Hay. Palagi na lang ba 'kong aasa sa tuwing ginagawa ni Sail 'to sa'kin? Minsan gusto ko na lang mag-confess sa kanya para malaman ko kung may pag-asa ba talaga o nag-aassume lang ako.

“Tsk. Paano na lang kapag wala ako?” biro ko dito.

“Siguro next grading nasa ibang bansa na ko haha.” biro niya din na hindi naman nakakatawa. Sino ba'ng matutuwa na ilalayo siya ng parents niya dahil lang sa hindi maganda ang grades ni Sail?

“Hindi naman halatang mamimiss mo ko kung natuloy ngang ipadala ako abroad hahaha. Nandyan naman si Zin para-.”

“Palagi naman akong inaaway ni Zin. Tsk.” pagputol ko sa sinasabi niya. Ayoko na ng topic namin. Last time kasi na iniwan kami ng Daddy ko hindi na niya kami binalikan. At ayoko ng maulit yon sa'min ni Sail.

“Hindi man lang dineny. Tsk. Haha. Oo nga pala Ash, may team building nga pala kami. Tapos may fieldtrip din kami. Guess what? Pinayagan ako ni Mama!” tuwang-tuwa na kwento niya kaya naman hindi ko na nakontra yung unang sinabi niya. Iba talaga tama ko kay Sail. Feeling ko magiging under ako kapag naging kami. Pero siyempre feeling ko lang yon kasi hindi naman mutual ang feelings namin.

“In fairness, kaya mo nang magdesisyon mag-isa. Hindi ka na din natatakot sa Mommy mo. Strong independent man ka na. Hay. Hindi mo na 'ko kailangan panigurado.” kunyaring nagtatampong pahayag ko.

“Kailangan kita.”

“Ha?”

Shet. Ang heart ko.

Tama ba talaga ang desisyon ko na wag ng iwasan si Sail?

“Coach ka kaya namin ni Zin. Life coach hahaha.”

Ay, binawi pa. Kinilig na ko e. Tsk.

----*

After a week ay sumapit na rin ang araw ng first game nila Sail. Mula sa isang kilalang school ang kalaban nila pero siyempre kahit na marami akong naririnig na magagaling ang makakalaban nila ay kay Sail este do'n pa din ako sa soccer team nila.

Pagdating namin ni Pin sa may soccer field ay kakaunti pa lang ang mga tao. Medyo maaga kasi kaming pumunta. Mga 1 and a half hour bago ang game. Hindi naman halatang excited kami.

“Aga natin ha? Baka mamaya hindi ka naman mag-cheer, Sister?” pang-iinis ni Zin nang makalapit siya sa'min.

“Hintayin mo.” pagyayabang ko dito.

“Ikaw Sister? Sisigaw ka? Sa harap ng maraming tao? Sure ka? Baka patalsikin ka sa kumbento nyan.” pang-iinis niya pa.

“Pin. 'Wag na 'wag mong pakukuhanin ng pagkain 'yan huh. Madami dami pa naman tayong binili.” taas-kilay na sagot ko kay Zin.

“Ikaw naman Sister. Hindi ka naman mabiro. Wala naman kay Sail kung sisigaw ka o hindi. Presence mo lang okay na 'yon. Pahingi ako Pin ha? Ano ba 'yang dala ninyo?”

Love Me RightWhere stories live. Discover now