Thirty Two: Sana

16 2 2
                                    

Sana

(Ashly's Point of View)

Bakit salungat din ang direksyon na tinutungo nitong jeep na sinasakyan ko? Hay. Bakit ba hindi gumagana ng maayos ang utak mo minsan, Ashly? Tsk.

"Para po! Sa tabi na lang!" sigaw ko sa driver sa magalang na tono. Nasa dulo kasi 'ko. Mahirap na, baka hindi ako marinig at mas lalo pa 'kong mapalayo.

Muntik na 'kong mapasubsob sa kalsada nang bigla na lang umandar 'yung jeep habang bumababa ako. Hay. Grabe naman 'tong gabing 'to. Tsk.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Medyo malayo na rin 'to mula sa school namin. Pero malapit naman 'to sa bar na pinuntahan namin nila Zin. Nando'n kaya sila? Hay. Ayokong pumunta do'n. Maaalala ko lang do'n si Theo.

Naglakad-lakad pa 'ko ng konti hanggang sa may matanaw akong isang convenient store. Sa labas nito ay may mangilan-ngilan na kabataang medyo matanda lang sa'kin ng konti na nag-iinuman. Tama. Sabi nila, para makalimot, kailangan mo ng alak. Hindi naman siguro 'ko malalasing nito kung iinom lang ako ng ilang lata ng beer. Hindi naman ako mukhang 15 years old sa ayos ko ngayon. Mabuti na lang at umaayon sa'kin ang ibang bagay kahit papaano.

"Keep the change na po. Thank you!" masiglang sabi ko sa cashier.

Sabi na e. Makakalusot ang itsura kong 'to. Hihi.

Pumwesto ako sa labas ng convenient store kagaya ng ilan na nag-iinuman. Pero sa kabilang side ako umupo. Hindi ko naman sila close para makipag-inuman din ako sa kanila.

Binuksan ko na 'yung lata ng beer na iinumin ko. Grabe. Bakit parang na-eexcite pa 'ko na inumin 'to sa halip na magsimulang umiyak muli dahil kay Theo? Hay. Nababaliw na 'ko. Kasalanan 'to ni Theo. Sa dinami-dami ba naman kasi ng lalaki sa mundo, kung bakit siya pa ang nagustuhan ko. Nandyan naman si Sail. Teka, bakit si Sail? Hay, Ashly! Si Zin na lang pala. Teka, parang mas mali na si Zin. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na kasama siya. Tsk.

"Sister! Ano'ng ginagawa mo? Gabi na o! Tapos nag-iinom ka pa dyan. Kababae mong tao."

Lasing na ba 'ko o sadyang nasa harapan ko ngayon sina Zin at Sail? Napatayo pa 'ko para i-check kung sila talaga ang nakikita ko. At nang pisilin ni Zin ang pisngi ko ay do'n ako natauhan na totoo ngang nakikita ko sila ngayon sa harapan ko.

"Mabuti na lang nagyayang lumabas 'to si Sail, kung hindi naku. Tara na. Ihahatid ka na namin."

Kaagad kong binawi ang braso ko nang hilahin ako ni Zin. Hindi ko pa nga naiinom 'yung binili ko e. Tapos uuwi na agad? Tsk. Kailangan ko munang kalimutan si Theo bago ako umuwi para bukas paggising ko, okay na ulit ako.

"Ayoko. Kayo na lang ang umuwi. Dito lang ako." inirapan ko pa si Zin at saka ako muling sumalampak ng upo sa pwesto ko kanina.

"Masama sa health 'yang iinumin mo, Sister. Hindi 'yan pwede sa'yo. Tsaka bakit ka ba iinom niyan? Broken hearted ka ba?"

"Oo! Broken hearted ako. Kaya umalis na kayo." sigaw ko sa kanya at saka ko inistraight 'yung laman ng lata at saka ito ibinato sa basurahan hindi kalayuan sa'kin. Sanay na 'kong uminom. Sa dami ba naman ng social gatherings na pinupuntahan namin ni Mimay, eversince bata ako. Kaya balewala lang ang isang lata ng beer na 'yon.

"Grabe. Lasinggera ka ba? Hay. Tama na nga 'yan Sister. Kung may problema ka, mapag-uusapan naman 'yan. 'Wag ka nang gumaya sa'min ni Sail. Tara na. P're tulungan mo naman ako hindi 'yung nakatingin ka lang dyan."

Love Me RightOnde histórias criam vida. Descubra agora