Twenty: Ballpen

10 3 3
                                    

Ballpen

(Ashly's Point of View)

“Ash! Dadaan na sina Theo! Dali!” hinila-hila pa 'ko ni Pin mula sa pagkakaupo ko pero hindi ako nagpatinag. Nakasimangot ko pang tinaggal ang mga kamay niyang nakakapit sa braso ko.

Mahigit isang linggo na magmula nang nagkaayos sila. Naiinis ako sa sarili ko kasi ako naman ang may pakana nito pero hindi ko maiwasang malungkot kapag nakikita ko silang magkasama. Dati naman kinikilig pa 'ko sa kanila kapag magkasama sila at nag-uusap, pero iba na ngayon. Kasalanan 'to ni Theo. Kung hindi niya 'ko kinausap simula't sapul palang ay hindi ako magkakaganito. Natatakot ako na baka dumating ang araw na maging selfish ako. Kaya hangga't maaga ay iiwas na 'ko.

“Okay ka lang Ash? Pansin ko kasing medyo ilag ka kay Theo these past few days. May problema ba?” umupo siya sa tabi ko at saka sinipat ang mukha ko.

“Okay lang ako. 'Wag mo 'kong intindihin.” sagot ko  sa kanya at saka ko isinubsob ang mukha ko sa desk.

“Okay ka nga lang.” tinapik niya pa 'ko sa balikat bago siya umalis sa tabi ko.

Lumipas na naman ang maghapon na mabigat ang pakiramdam ko. Hay. Bakit kasi ayaw pang mawala ng nararamdaman ko para sa kanya. Obvious naman na wala akong pag-asa. Kainis talaga.

“See yah tomorrow Ash! Ingat sa pag-uwi!” nginitian ko na lang si Pin bago ako lumiko papunta sa parking ng school kung nasaan ang bike ni Theo. Nadatnan ko pa sila ni Alysson na nag-uusap habang patago na magkahawak ang kamay. Bawal kasi ang public display affection sa school namin.

“Hi Ash!” masiglang bati sa'kin ni Alysson nang makalapit ako sa kanila.

“Hi.” pilit ang ngiti na bati ko din sa kanya. Nagulat na lang ako nang ilapat niya ang likod ng palad niya sa noo ko.

“Masama ba ang pakiramdam mo? Para kasing ang lungkot mo e.” nag-aalalang tanong niya. Napangiti naman ako sa ginawa niya. 'Yung totoong ngiti na. Noong araw na nagkaayos sila ni Theo ay isinama nila 'ko sa isang mall para kumain at makapag-usap. Kailangan lang pala nang mas maayos na paliwanag para maintindihan nya ang sitwasyon namin. Kaya okay na kami ngayon. Humingi na rin siya ng tawad sa pagsusungit nya sa'kin dati. Parang kaibigan nga kung ituring nya 'ko at 'yon ang mas nagpapahirap sa sitwasyon ko ngayon.

“Okay lang ako. May lakad ba kayo?” tanong ko sa kanila. Gusto ko munang maiwasan si Theo kahit ngayong araw lang. Isa pa, hindi naman niya obligasyong ihatid ako pauwi sa bahay araw-araw. Hindi ko siya driver.

“Wala naman. Bakit?” sagot ni Alysson.

“Ano. Baka gusto nyo lang mag-date. Gano'n. Okay lang naman sa'kin. Para may ano. Quality time din kayo. Kasi diba, halos ilang weeks din kayong hindi okay gawa ko. So, 'yun.” naiilang na paliwanag ko. Tsk.

“Seryoso ka? Okay lang talaga?” excited na tanong muli ni Alysson. Tumango naman ako bilang sagot. Nabigla ako nang bigla nya 'kong yakapin at isali sa pagtalon-talon nya. Napatingin naman ako no'n kay Theo na noon ay nakatingin sa'kin ng seryoso. Nag-iwas na lang ako ng tingin para iwas issue din.

“Oh my gosh! Thank you talaga Ashly! Ingat ka sa pag-uwi a!” masayang sabi sa'kin ni Alysson pagkabitaw nya sa'kin.

“Wala 'yon. Sige. Una na 'ko. Enjoy kayo!” kumaway pa 'ko sa kanila bago ako tumalikod at naglakad palabas ng school.


Kinabukasan ay nakasabay ko sa pag-akyat ng hagdan si Alysson. Halos mapunit na ang labi niya sa lapad ng ngiti niya. Mukhang masayang-masaya talaga siya. Siguro ay may ginawang espesyal si Theo sa kanya kahapon.

Love Me RightWhere stories live. Discover now