Twenty-Two: Bar with Sister

15 3 3
                                    

Bar with Sister

(Ashly's Point of View)

Ang laki naman ng garden sa school na 'to. Kaya lang, hindi kagaya sa'min ay kakaunti lang ang tao dito. Wala pang sampu ang nakatambay. O baka dahil weekends lang?

Dito ako dinala ng mga paa ko pagkatapos naming magkasagutan ni Theo kanina. Magpapahangin lang ako saglit tapos uuwi na rin ako. Tumingin-tingin pa 'ko sa kabuuan ng garden hanggang sa mapadpad ang paningin ko sa isang pamilyar na tao. Mag-isa lang siyang nakaupo sa isang malaking bato na pwedeng upuan. Mukhang naglalaro siya sa cellphone nya dahil rinig ko mula dito ang sounds nito. Pati na ang malulutong nyang mura.

"Hay! Ang b*b* talaga!" dinig ko pang sabi niya. Natalo yata siya.

Pansinin niya kaya 'ko kapag nilapitan ko siya? Siguro naman. Naglakad ako palapit sa kanya, kaya lang ay may biglang lumapit sa kanyang babae. May girlfriend na pala siya?

"Sail, turuan mo naman akong mag-ML. Ang galing mo daw kasi dyan e." sabi nung babaeng lumapit sa kanya. Tinignan nya lang 'to saglit at saka muling ibinalik ang atensyon niya sa cellphone. Hindi niya yata girlfriend 'yung babae. Mukhang wala siyang pakialam.

"Sino'ng nagsabi sa'yo na magaling ako dito? Natalo nga ako e. Tignan mo." ipinakita niya ang phone nya do'n sa babae at saka ngumiti. Grabe. Kahit dito sa malayo ay ang gwapo niya pa din sa paningin ko. Hay. Ano ba 'tong iniisip ko.

"Ahh, gano'n ba?" napakamot pa sa ulo niya 'yung babae bago ito umalis. Napahiya siguro siya sa ginawa ni Sail.

"Sail." lumapit na 'ko nang tuluyan sa kanya. Busy na ulit siya sa paglalaro sa cellphone nya.

"Magpapaturo ka din ba?" tanong niya nang hindi man lang inaalis sa screen ng phone niya ang mga mata niya.

"Ah, hindi. Ano. Ah, wala." hay. Ano ba naman 'to? Bakit hindi ako makapagsalita ng maayos sa harapan niya? Tsk. In the first place, bakit ko nga ba siya nilapitan? Nakakahiya tuloy. Aalis na sana 'ko kaya lang ay nag-angat na siya ng tingin sa'kin at mukhang nakilala niya agad ako.

"Ashly? Tama 'di ba? Ano'ng ginagawa mo dito?" nakangiti na naman na tanong niya kaya hindi ko na namang maiwasan na mapatitig sa mukha niya. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag ngumingiti siya.

"Hey? Alam ko namang gwapo ako. Pero hindi mo ko kailangang tignan ng ganyan." humalakhak pa siya pagkasabi niya no'n. Paniguradong namumula na ang mukha ko sa sobrang pagkamangha at hiya. Hay naku talaga.

"Ah. May ano kasi. May laban 'yung basketball team ng school namin dito. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?" bumalik na naman sa cellphone niya ang tingin niya. Ano ba 'yung nilalaro niya?

"Dito ako nag-aaral, I guess?" sagot nya at nagpakawala na naman sya nang mahinang tawa. Kung patuloy nyang gagawin 'to habang nag-uusap kami ay baka manigas na lang ako dito sa kinatatayuan ko. Delikado. Tsk.

"Ahh, dito ka pala pumapasok. Sige. Una na 'ko." hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit hindi pa din ako gumagalaw sa pwesto ko. Para akong naging bato habang nakatingin sa kanya. Ano ka ba Ashly? Hinihintay mo pa bang tignan ka niya? Nakakahiya ka talaga.

"O? Akala ko aalis ka na?" nagtatakhang tanong niya. Napaiwas naman ako ng tingin nang tignan niya 'ko sa mata. Shems. Hindi ko pa din maigalaw ang mga paa ko. Nakakahiya.

"Ah, iniisip ko pa kasi kung saan ako pupunta." nagpanggap pa 'kong naghahanap ng mapupuntahan sa paligid namin para mabawasan ang nararamdaman kong hiya, pero mas lalo lang akong nahiya sa ginagawa ko. Tsk.

Love Me RightOù les histoires vivent. Découvrez maintenant