Thirty - Five: Subukan

7 0 0
                                    

Subukan


(Ashly's Point of View)

"Good morning girlfriend! Kahit kailan talaga manang-mana ka kay Sail. Napakakupad mo ding kumilos. Tsk. Usapan natin 5:00 A.M. 5:30 na. Makakapag-breakfast pa ba tayo nito?" nakapameywang na bungad sa'kin ni Zin pagbukas ko ng gate ng bahay namin.

"Sorry na miss." pang-iinis ko sa kanya. Pero ako din ang naasar nang sipitin niya nang daliri niya ang nguso ko. Grabe talaga.

"Mas lalo tayong hindi makakakain sa ginagawa ninyo e. Tara na." singhal naman ni Sail mula sa loob ng sasakyan. Crush ko na yata ang kotse ni Sail. Grabe ang sosyal tignan. Kaya siguro bihira niya lang gamitin ito. Magapapabili din ako niyan kay mimay. Ay hindi. Mag-iipon na lang pala 'ko. Hihi.

"Sister do'n ka sa passenger's seat." talagang hinila pa 'ko ni Zin para paalisin sa likuran. Ano ba'ng trip nito? Tsk.

"Bilisan ninyo na nga!" sigaw sa'min ni Sail. Mukhang gutom na siya kaya monster mode na siya.

"Si Zin kasi." nakangusong pahayag ko habang naka-straight face sa daan. Napalingon naman ako kay Sail nang mapansin kong hindi pa din niya inii-start ang makina ng kotse niya. Naitikom ko na lang ang labi ko nang makitang nakatingin siya sa'kin ng seryoso. Hala. Gusto niya ba na bumaba na 'ko? Si Zin kasi e. Tsk.

"Sorry? Hehe. Go.... tara na. Tahimik na lang ako dito. Promise!" itinaas ko pa ang kamay ko pagkasabi ko no'n. Umiling lang si Sail at pagkatapos ay lumapit siya sa'kin. At dahil expert na 'ko sa mga ganitong scenes sa mga K-Dramang napanood ko ay ako na ang nagkusang nagsuot ng seatbelt ko para iwas awkwardness. Napahigpit na lang ang kapit ko sa seatbelt ko nang ngitian ako ni Sail bago niya tuluyang paandarin ang kotse niya. Mukhang kailangan ko nang itigil muna ang pagsama-sama ko sa kanila. Baka mahulog ako nang hindi ko namamalayan. Tsk.

Pagkarating namin sa school namin ay nagmadaling bumaba si Zin ng sasakyan at saka ako inakbayan.

"Alam mo Sister, hindi naman talaga gano'ng kabagal magpatakbo si Sail ng kotse e. Nagtatakha lang ako kanina. Ikaw ba, hindi ka ba nagtatakha?" bulong sa'kin ni Zin.

"Mabagal nga ang pagpapatakbo niya kanina. Pero baka naman kasi paubos na 'yung gas niya. 'Wag ka ngang judgemental dyan." siniko ko pa siya para lumayo sa'kin pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkaka-akbay niya sa'kin. Tsk.

"Hindi Sister. Mabilis kayang magpatakbo 'yan si Sail. Tsaka full tank lagi 'yan. Kaya imposibleng maubusan siya ng gasolina. Siguro dahil kasama- aray! Oo na. Kasama yata ako sa top ng klase sister. Kasi alam mo na bumawi ako sa mga special assignments and projects. Hehe. Sige. Una na 'ko. Baka hindi ako i-entertain ni Sir."

Napailing na lang ako nang mag-iba na naman ng topic si Zin. Tsk. May tinatago ba sila ni Sail?

"Ash, nakalimutan mo 'yung take-out mo."

Nang makalapit sa'kin si Sail para iabot 'yung paperbag ng Jollibee ay siya namang dating ng ilan sa mga sophomores na makailang beses ng kumausap sa'kin.

"Hi Ate Ash! Siya 'yung boyfriend mo, 'di ba?" pahayay ng isa sa kanila nang makalapit sa'min.

"Ahh. Ano kasi-."

"Ang gwapo ate! Promise! Mas bagay kayo kaysa kay Kuya Theo!" siniko-siko pa 'ko ng mga sophomores na para bang magkasing-edad lang kami.

"Kuya! Ingatan mo si Ate Ash huh? 'Wag mo siyang paiiyakin. Okay?" itinaas pa ng isa sa kanila ang pinky finger niya at laking gulat ko naman nang patulan ni Sail ang trip niya. Hay. Nakakahiya.

Love Me RightWhere stories live. Discover now