One: Theo

78 3 0
                                    

“Theo”


(Ashly's Point of View)

“Ash! Anak! May good news si Mommy sa'yo! Dali!”

Ipinause ko ang pinapanood kong K-Drama. Nabitin tuloy ako sa pinapanood ko. Nagtatapat na si Attorney No kay Bong Hee e. Hay.

“Mimay, kung isinet-up mo na naman ako sa kung sinong poncio pilato, oh please ayoko. Wala ako sa mood ngayon na makipagkita at makipagsosyalan sa kung sino-sino.” nakabusangot na sagot ko sa kanya habang binubuksan ang pinto ng kwarto ko as if na makikita niya ang mukha ko.

Sa halip na pagkalumo ang makita ko sa mukha niya ay nagniningning pa ang mga mata nito. Ano ba kasi ang sasabihin niya at ganyan siya ka-excited.

“Hindi siya kung sinong poncio pilato, anak. Kasi nagkita na kayo. Not once, not twice, lalong-lalo nang not thrice kasi as in madaming beses na kayong nagkita! At paniguradong matutuwa ka, 'pag nagkita na kayo mamaya!” masiglang pahayag niya.


“Mimay, please. Ayoko na po talagang nakikipagkita sa kung sino-sinong lalaki dyan. Hindi ko naman kasi sila gusto. Isa pa, kung inaakala ninyong di ako straight na girl. Oh, please! Stop that thought already. Alam nyo namang may nagugustuhan na 'ko 'di ba? Kaya sige na po Mimay.” nagmamakaawa na sabi ko.

Magmula kasi nang mag-sixteen ako last month ay ipinapakilala na 'ko ni Mommy sa kung sino-sinong anak ng mga business tycoons. Karamihan naman sa ipinapakilala niya sa'kin ay mga 20+ na. Ayoko nga sa mas matanda sa'kin. Ang dahilan niya ay para daw may magbabantay sa'kin kapag may out of town or out of the country siya sa company. May mga kasambahay naman kami. Tsaka malaki na 'ko para bantayan pa.

Medyo marami na din siyang ipinakilala sa'kin. Pero ayoko talaga. Bukod sa bata pa nga 'ko, ay gusto ko talaga 'yung taong 'yon. Na-iimagine ko na nga ang future ko na kasama siya e. Tsaka, ayoko ngang makipag-comit sa hindi ko naman talaga gusto. Parang niloko ko na din no'n ang sarili ko.

“Ashly, ayoko lang naman na tumanda kang mag-isa kagaya ko. Maganda na habang bata ka pa may makilala ka na. Mahirap na kayang makakilala kapag nag-twenty na ang isang tao. At tsaka isa pa anak, hindi mo pa kasi siya nakikita kaya ka ganyan. Pero once na malaman mo kung sino siya, promise! Ikaw pa ang magkakandarapa na alukin siya ng blind date na 'yan.” kahit na dinadaan niya lang sa biro ang lahat, alam kong patungkol na naman 'to sa pag-iwan sa'min ng lalaking 'yon. Maaga din kasing nag-asawa si Mommy. Doble lang ng edad ko ang edad niya. 32 lang siya pero may anak na siyang dalaga. Isa rin 'yon sa naiisip kong dahilan kung bakit kami iniwan ng lalaking 'yon. Hindi ko siya matawag na daddy kasi saglit lang siyang tumayong tatay sa'kin.

“Base sa mga napapanood ko sa Korean Drama, hindi naman po tamang hanapin ang lalaking para sa'yo nang sapilitan.” sagot ko kay Mommy.

“Anak, nasa reality tayo. Boys in K-Dramas doesn't exist in real life. Ang mundo ay parang Quiapo-.”

“Kung hindi ka kikilos, maaagawan ka.” pagpapatuloy ko sa favorite na linya ng nanay ko, na hindi ko alam kung saan nya napulot. Tsk. Kaya naman sinamaan niya 'ko ng tingin.

Kapag alam mong nasa tama ka, ipaglaban mo. Joke lang. Masamang sumagot sa magulang. (^_-)

“Mimay, wala namang aagawin sa'kin dahil wala akong jowa.”

**Oh every time I see you
geudae nuneul bol ttaemyeon
jakku gaseumi tto seolleyeowa
nae unmyeongijyo
sesang kkeuchirado
jigyeojugo shipeun dan han saram**

Love Me RightWhere stories live. Discover now