Four: Ashly Ferrer

22 3 1
                                    

Ashly Ferrer

(Ashly's Point of View)


Ang haba naman ng pila. Kaya ayokong bumibili dito sa canteen e. Kung hindi ko lang talaga nakalimutang dalhin 'yung lunch box ko. Hindi ako para pumila dito. Sumisingit pa yung iba. Tapos halata naman na inuuna ang Section 1. Nakakabanas talaga. Tsk.

Makalipas ang napakatagal na oras ay nakaabot din ako sa counter. Nalipasan na nga yata ako ng gutom sa haba ng pila.

Ilalagay ko pa lang yung tray na hawak ko sa counter para sana bayaran ang mga kinuha ko nang may sumingit na naman. Nakakabadtrip na talaga. Mabuti na lang at hindi ako eskandalosa.

“Miss, isa nga pong mineral water. Wag nyo na pong suklian. Isama nyo na din po yung binili nya.” itinuro pa 'ko nung lalaking sumingit sa pila. Si Harris. Tropa pala ni Theo.

Ang lakas ng loob niya. Palibhasa, section 1.

Tumingin ako sa kanya nang puno ng pagtatakha. Sinuklian naman niya 'ko ng isang matamis na ngiti. Ang gwapo sana niya. Kaso, sumisingit sa pila. Kaya balewala din ang itsura niya. Tsk.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Matapos ang eksenang 'yon ay umalis na 'ko sa  counter at naglakad-lakad ako sa palibot ng canteen upang humanap ng pwesto. Isa pa 'to sa kinaiinis ko. Halos lahat occupied na ang bawat lamesa't upuan na nandito. Para bang may seating arrangement na sila. Hay.

Napabuga na lang ako ng hangin nang mapagtanto ko na wala na talaga 'kong mauupuan. Kaya naglakad na 'ko palabas ng canteen. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay may tumawag sa pangalan ko.

“Ashly.”

Si Theo.

Ano naman kayang kailangan niya? Baka iinterviewhin niya 'ko kung bakit TM ang gamit kong sim card. Hay.

Itinuro ko pa ang sarili ko para makumpirma kung ako nga ba yung tinawag niya. Mamaya si Alysson pala. Aly kasi ang tawag niya sa girlfriend niya.

Tumayo pa siya at lumapit sa akin. Kaya nagsimula na namang magpalpitate ang puso ko. Shems. Iinterviewhin ka lang niyan Ashly. Umayos ka. 'Wag kang mag-assume.

“Naghahanap ka ba ng table? May space pa naman sa'min. Tara.”

Nauna na siyang maglakad kaya sumunod na lang ako. Base sa itsura niya, parang napipilitan lang siyang paupuin ako sa table nila. Pwede naman kasi 'kong tumanggi. Kung bakit sumusunod ako sa kanya. Tsk.

“Hi Ash.” sabay-sabay na bati sa'kin ng mga kaibigan niya.

Mabuti pa sila.

Ngumiti naman ako nang alanganin. Hindi ko alam na kilala pala nila 'ko.

Di bale lima kaming nasa table. Si Theo, Harris, Travis, Leo at ako. Nakakapagtaka lang na wala si Alysson. Parati kasi nilang kasabay 'yon.

“Balita ko ililipat ka daw sa section namin next quarter. Para mas matutukan ka pa ng mga teachers. Magco-college na din kasi tayo next school year.” pambabasag ni Travis sa katahimikan na namamagitan sa'min.

“Hindi. Ayoko.” maiksing sagot ko dito at nagpatuloy na akong muli sa pagkain.

“Bakit ba ayaw mo sa'min? Mababait naman kami e. Mapagmahal pa. Hindi ba Harris?” siniko pa ni Leo si Harris kaya naman nabulunan ito.

Iniabot ko ang inumin ko sa kanya nang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya. Nakikita na nilang nabubulunan yung tao hindi man lang siya inabutan ng tubig. Tsk. Ganyan ba ang sinasabi nilang mabait sila?

Love Me RightWhere stories live. Discover now