Nineteen: Souvenir

8 3 0
                                    

Souvenir

(Ashly's Point of View)

Waaaah! Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Theo. Baka mamula na naman ang mukha ko kapag nakaharap ko na siya.

“Ash!”

Speaking of. Shems.

“Ashly girl! Tara sa canteen!” sigaw ni Pin mula sa pinto ng room namin. Bestfriend talaga kita Pin! Alam na alam mo kung kailan kita kailangan.

“Tara.” kumaripas ako ng takbo paglabas ko ng pintuan. Nabangga ko pa nga si Theo pero hindi ko na siya nilingon pa.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makarating kami ni Pin sa canteen. May ilang mga estudyante ang kumakain ng almusal kagaya na lang ng tropa ni Theo. Lalabas na sana ako nang makita ko sila, pero nang marealize kong wala si Harris ay dumiretso na 'ko sa counter. Hindi ko alam kung pumapasok pa siya hindi ko na kasi siya nakikita. Si Leo at Travis na lang ang palaging magkasama.

“Maka-takbo ka girl. Wagas. Baka hikain ka niyan.” puna sa'kin ni Pin nang makalapit siya sa counter kung nasaan ako.

“Ayoko lang munang kausapin si Theo. Nahihiya ako sa kanya.” pag-amin ko dito. Halos tumaob naman ang tray na hawak ko nang hampasin niya 'ko sa braso ko. Grabe. Amazona.

“Bakit ka naman nahihiya? Ano'ng ginawa ninyo? Ikaw ha.” panunukso pa ni Pin.

“'Wag ka ngang green dyan. Mauna na 'ko sa table.” sabi ko na lang sa kanya. Tsk. Mamumula lang ako kapag ikinuwento ko ang nangyari kagabi.

Umupo ako sa table di kalayuan kayna Leo. Kaya naman dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nila.

“You know what Travis, naaawa ako kay Harris. Kasi hindi rin naman niya ginusto talaga 'yung ginawa niya kay Ash. Nadala lang siguro siya ng emosyon niya. Tsaka hindi rin naman niya itinuloy ang binabalak niya. Hindi nga daw niya hinabol si Ash nung tumakbo 'to palayo sa kanya.” pahayag ni Leo.

Paano nila nalaman ang nangyari sa'min ni Harris? Sinabi niya ba sa kanila?

“Hindi ko nga malaman kay Theo kung bakit hanggang ngayon ay ayaw niya pa ring kausapin si Harris. As if naman na si Aly ang nabastos ni Harris.”

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. So 'pag ako, okay lang na bastusin ng kaibigan nila? Gano'n ba 'yon?

“G*g* ka p're. Si Ash man o si Aly ang nabastos, may karapatan pa din namang magalit si Theo. Ang point lang dito ay bakit sobrang affected si Theo sa nangyari. Tsaka nagtataka lang din ako. Bakit bigla yatang naging close 'yung dalawang 'yon? Para ngang nababalewala na si Alysson nang dahil kay Ash.”

“Serious ng face natin girl a?” puna ni Pin nang makarating siya.

“'Wag kang maingay. May pinapakinggan ako. Makinig ka na lang din.” sabi ko sa kanya at dahil isa rin siyang tsismosa ay lumipat pa siya sa tabi ko.

“Kung walang girlfriend si Theo, aakalain ko talagang mag-M.U. sila ni Ash.” komento naman ni Travis.

“Ang laki nga ng ngiti niya kanina nung pumasok siya. Pagkalapag na pagkalapag nga niya ng bag niya ay nagpunta agad siya sa room nila Ash. Ano ba'ng meron sa kanila?”

“Kapag lang talaga niloko niya si Aly. Magkalimutan na lang." seryosong pahayag ni Travis.

“Ang seryoso mo naman p're. May gusto ka din ba kay Alysson? G*g* ka. Magkaka-digmaang pandaigdig na naman niyan. Haha.”

Love Me RightWhere stories live. Discover now