Fifty-Four: Pustahan talo si Sail sa'yo

4 0 0
                                    

(Ashly's Point of View)

"Hindi nga nasira ang make-up mo. Nagulo naman ang buhok mo. Haha." ginulo pa niya ang magulo ko ng buhok. Hay. Hindi na 'ko nagreklamo dahil ang laki nang kasalanan ko kay Sail. Nakaka-konsensya na masyado kung tatarayan ko pa siya ngayon.

"Akala ko magiging awkward na 'ko kapag kausap kita once na masabi ko na sa'yo, pero mas gumaan lang ang loob ko. Ganito siguro talaga pag gwapo. Hahaha." confident na pahayag niya habang shineshake ang vitamilk niya.

"Lakas tama mo ha." komento ko at saka ininom ang vitamilk ko. Gusto ko man ng beer in can, ayaw ni Sail. Dalawa lang kami, gabi na, at may future pa raw kaming haharapin. Daming alam. Tsk.

"Sa'yo." biglang seryosong pahayag niya pero maya-maya lang rin ay bigla siyang tumawa. Siraulo. Hay. Ano bang nangyayari dito?

"Dumadamoves ka ba?" biro ko sa kanya.

"Gusto mo bang ligawan na kita?" balik tanong niya na nakapagpasamid sa'kin. Shems. Hindi ako ready do'n.

"Ayos ka lang? Biro lang naman. Kaka-amin ko lang. Gusto ko munang i-enjoy yung ganitong pakiramdam. Alam mo 'yon? Yung sinasabi ng mga girls. Tsaka sinabi ko lang naman kasi ayokong malito ka."

Tama ngang si Sail ang nagustuhan ko. Kaya lang hindi naman tama ang timing.

"Paano kung..... ahh wala." ang hirap naman i-open yung topic sa kanya. Alam kong gano'n na ang tingin sa kanya ng parents niya tapos sasabihin ko pa sa kanya na pinapalayo ako ni Mimay. Parang hindi tama.

"Hindi ako magagalit. Kaya sabihin mo na." pag-aassure niya sa'kin kaya sandali akong napangiti. Pag si Sail talaga ang kausap ko parang ang gaan ng lahat.

"Paano kung against sa'yo yung parents ng taong gusto mo. Ano'ng gagawin mo?" sa wakas ay nasabi ko na rin. Sana lang ay wag magdamdam si Sail.

"Close kami no'n ni Tita ah? Haha. Pero siyempre, ibang usapan na kasi pag anak na. Kagaya ng sinabi ko sa'yo dati, para sa ikabubuti mo lang naman ang ginagawa niya. Ako ng bahala sa part na magugustuhan niya rin ako para sa'yo. Hindi ba dapat, nag-eeffort naman talaga ang lalaki para sa taong gusto nila? Ako na yon, Ash. Wag mo ng problemahin yon. Ikakasal ka pa nga yata kay Theo e. Hahaha." ayos na sana kaya lang binanggit niya pa si Theo. Nakalimutan ko na nga yung kanina. Hay.

"Narinig mo naman lahat, 'di ba?" tanong ko sa kanya. Tumango lang naman siya. Wala na 'kong maitatago pa nito kay Sail. Ayoko rin namang may inililihim sa kanya. Para ko na siyang bestfriend.

"Kami ni Theo, nasa parang arranged marriage na set up. Noong una, date lang ang usapan. Parang blind date ba. Naaalala mo yung sa bar?"

"Oo. Yung nasapak kita. Hay. Bakit mo ba pinaalala. Kapag naaalala ko yon, nahihiya ako sa'yo. Tsk." yumuko pa siya habang ginugulo ang buhok niya kaya natawa ako.

"Okay na nga ako. Wala na ngang pasa yung mukha ko. Tsaka ginamot pa 'ko ng isang gwapong lalaki no'n. Grabe. Unforgettable 'yon." bawi ko sa kanya. Agad naman siyang napaangat ng ulo at saka nanlalaki ang mata na tumingin sa'kin. Haha.

"A-anong sabi mo?"

"Tuloy ko na yung kwento ko-."

"Hindi may sinasabi ka pa eh-."

"Wala nga! Haha. Itutuloy ko na kasi yung kwento ko. Adlib ko lang 'yon-."

"Tita oh! May naglalandian sa labas ng 7/eleven! Alam mo yung mga ganyan Tita, walang patutunguhan ang buhay nyan. Hay. Ang babata pa, kung ano-ano ang inuuna. Nasa'm na ba yung tsinelas ko?" malakas na sabi ni Zin pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng van nila Pin. Kulang na lang ay isigaw niya ang mga sinabi niya. Eskandaloso talaga. Tsk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Me RightWhere stories live. Discover now