Forty- Eight: Sa'yo na lang ako

1 0 0
                                    

Sa'yo na lang ako

(Ashly's Point of View)

"Akala ko kinalimutan mo na kami Sister." umarte pang nagtatampo si Zin.

"Makakalimutan ba naman kita?" natatawang sagot ko dito.

"'Wag kang ganyan Sister baka ma-fall ako." parang baklang sabi ni Zin.

"Hay. Kaya imposible kitang makalimutan. Dahil isa kang malaking siraulo." inirapan ko pa siya pagkasabi ko no'n.

Nagtawanan naman ang mga taong nasa table namin no'n. Kasama din namin ang kuya ni Zin. Hindi daw kasi papayagan si Sail kapag walang kasamang adult since grounded pa rin siya.

"Malapit nang mag-7 P.M." pahayag ng Kuya ni Zin.

"Ano'ng meron kuya?" tanong ni Pin.

"Tutugtog 'yung Parokya ni Edgar. May mini concert sila." nakangiting sagot ng kuya ni Zin.

"Tara na. Para makahanap tayo ng pwesto." nagmamadali pang tumayo si Zin kaya mas lalo kaming natawa. Kahit kailan talaga ang isang 'to. Tsk.

Pumunta na kami sa place kung saan gaganapin ang mini outdoor concert. Nauuna siyempre si Zin sa paglalakad habang nakasunod sa kanya si Pin at ang kuya niya. Kami naman ni Sail ay nasa likod lang nila. Marami na rin ang taong nando'n nang makababa kami.

Mas lalo pang dumami ang tao nang dumating ang bandang tutugtog. Grabe. First time kong maririnig na tumugtog ang banda nila ng live.

Medyo nagkatulakan pa nang magsimula nang tumugtog ang banda kaya naman medyo napahiwalay kami kayna Zin.

Pangarap lang kita by Parokya ni Edgar

~Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
'Di tulad sa'yo, imposible
Prinsesa ka, ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita, wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangarap lang kita~

Ayos. Patama agad sa'kin ang unang kanta nila. Tsk.

~Ang hirap maging babae
Kung torpe yung lalaki
Kahit may gusto ka, 'di mo masabi
Hindi ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya 'di maaari
At kahit mahal kita, wala ako magagawa
Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita~

"Hi Miss. May kasama ka ba?"

Napairap na lang ako nang may pilit na sumisiksik sa'kin. Bastos. Tsk.

"Ang ganda mo pa naman Miss, tapos mag-isa ka lang."

Mas nainis pa 'ko nang ilapit niya ang katawan niya sa'kin. Pero ang inis na 'yon ay napalitan agad ng kaba nang maramdaman kong may humawak sa binti ko. Sinubukan kong lumapit kay Sail at gano'n na lang ang pagkabigla ko nang hilahin niya 'ko papunta sa kabilang side niya at akbayan ako.

~At kahit mahal kita (minamahal kita)
Wala ako magagawa (walang magagawa)
Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita~

Hindi ko na naiintindihan ang kinakanta ng bandang nasa harapan namin ngayon. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko lalo na nang bumaba ang hawak ni Sail sa'kin sa bewang ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga ano mang oras dahil sa ginawa niya kahit na alam kong ginawa niya lang 'yon para layuan ako ng lalaking nambabastos sa'kin kanina.

Love Me RightWhere stories live. Discover now