Fifty- One: Letter

3 0 0
                                    

Letter

(Ashly's Point of View)

“For your assignment.....”

“Ahhhhhhh?” sabay-sabay na hirit namin ng mga kaklase ko. Weekends na kasi bukas pero may assignment pa rin. Oo na, tamad na. Pero kailangan din naming mga estudyante ng pahinga. And it's been so exhausting lately for me.


“Hindi pa kasi tapos class. Dahil dyan, dadagdagan ko ang assignment ninyo!” medyo serious tone na si Sir kaya baka nga dagdagan niya ang gawain namin. Shems. Gagawin naman namin. Pero siyempre, magrereklamo muna kami. Hehe.


“Watch your favorite T.V. show or movie with your family on Saturday and on Sunday, spend your day with God. Ang magrereklamo pa..... gagawa ng reflection about sa naging weekends ninyo. Understood, section three?” isang ngiting nakakaloko ang sumilay sa labi ni Sir. Talaga naman. Kaya love na love namin 'tong adviser namin na 'to eh. Hihi.


“I love you Sir!” sigaw ng ilan sa mga classmates ko.



“Pasensya na, pero hindi ako pumapatol sa bata.” biro pa niya sa'min kaya napuno ng tawanan namin ang buong classroom.


“As tatay po kasi Sir!” sagot pa nila kaya muli kaming nagtawanan.


“Nakita ko 'yon!” bulong ni Pin sa'kin na may himig ng panunukso. Ano namang trip nito?



“Ang alin?” kunot-noong tanong ko sa kanya.


“Nag-smile ka- ay mali! Nakikitawa ka rin kanina! OMG! Welcome back bestie!” niyakap pa ko ni Pin kaya naman hindi ko na naintindihan pa ang ibang sinabi ni Sir hanggang sa tumunog na ang bell.




“Ewan ko sa'yo Pin. Tara na at mag-KTV!” sigaw ko at saka excited na isinilid sa bag ko ang mga gamit ko.


“Oo nga pala Ash-.”


“Hi Sister! Long time no see, seen, and chat!” biglang pasok ni Zin at Sail sa back door ng classroom namin.


Mag-iisang buwan na rin pala magmula ng iwasan ko sila..... siya.


“Sama daw sila Zin..... hehe.”



“May gagawin pa 'ko. Kayo na lang muna.” pahayag ko at saka ako naglakad papunta sa pinto sa unahan ng room namin. Hindi ko sila kayang harapin. Nahihiya ako sa kanila dahil bigla ko na lang silang iniwasan samantalang wala naman silang ginagawang masama sa'kin.


“Pero wala naman tayong assignment.” dinig kong bulong ni Pin kaya napahinto ako sa paglalakad. Mas lalo tuloy akong na-guilty.


“Baka may special project kasi siya. Alam mo na, top student. Aral-aral din kasi Pin hindi puro ka chat sa'kin-aray! Sail, bigay mo na, wag kang bading! Dalian mo na bago ko pa ma-headlock 'tong babaeng 'to.”

Naramdaman ko ang paglapit ni Sail sa pwesto ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkabalisa. Iniiwasan ko sila, ni seen hindi ko magawa sa mga messages nila pero nagawa pa rin nila 'kong bilhan ng pasalubong.


“Ash, para sa'yo. Hindi ko alam kung bakit ka umiiwas, pero alam kong para 'yon sa ikabubuti mo. Kapag pwede ka na ulit namin makita, nasa school or computer shop lang kami ni Zin o kaya sa bahay nila mismo.”


Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko ng sandaling magdikit ang mga kamay namin matapos niyang ilagay dito ang paper bag na hawak niya. Parang malabo naman kasing makalimutan ko ang nararamdaman ko sa kanya. Si Sail yan eh, ang hirap kalimutan ng kagaya niya. Talaga ba, Ash?


“Willing to wait daw Sister! Kaya kung ako sa'yo, kay Sail ka na lang- hehe. Bakit pre? Sige Sister, hanap na lang kitang bagong crush-.”

Ang kanina namang kilig ko ay napalitan ng mas lalong pagkabalisa nang dahil sa sinabi ni Zin. Shems! Narinig ba 'yon ni Sail? Ano ng gagawin ko?


“Hoy sabi mo ililibre mo 'ko pag nagkita tayo! Tamang-tama nagugutom na 'ko. Tara do'n sa canteen. Baka gutom ka lang din, ang ingay mo e.” tinakpan ni Pin ang bibig ni Zin at saka ito hinila palabas ng classroom namin. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa ginawa ng bestfriend ko o maiinis. Mas lalo kasi akong nakaramdam ng awkwardness ngayong kami na lang ni Sail ang nandito. Shems.


“Ash-.”

“Ahh, una na 'ko. Thank you dito.” nagmamadali akong tumalikod sa kanya at saka ako tumakbo palabas ng room namin. Shet. Nakakahiya 'yon. Sana hindi mamis-interpret ni Sail.


“Ash, hindi mo kailangang tumakbo!” dinig kong sigaw ni Sail pero hindi ako huminto. Hiyang-hiya na talaga 'ko sa kanya.



Napahinto lang ako sa pagtakbo nang may tumawag sa pangalan ko.


“Ashly!”


“Harris?”


“May nahulog sa gamit mo.” inabot niya ang isang maliit na envelope na pinulot niya sa hallway na dinaanan ko kanina.


“Ahh, thank you.” nakangiting tugon ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako at saka siya tumakbo papunta sa gymnasium ng school namin. May training siguro sila sa basketball.



“Cheeseburger.....” basa ko sa salitang nakasulat sa labas ng maliit na envelope. Parang narinig ko na 'to eh. Alam kong sa mga fastfood 'to. Pero may kakaiba ngayon dahil sa nakasulat ito sa envelope tapos nahulog pa mula sa gamit ko. Wala ring tigil sa pagbilis ang tibok ng puso ko.



Para sa other half..... ng cheese burger ko :P

Gusto ko lang na ikaw ang unang makaalam sa nararamdaman ko tungkol sa'yo.

Una palang kitang nakita, nakuha mo na ang atensyon ko. Kahit na madilim, kitang kita ko kung gaano kaganda ang mga mata mo at kung gaano kahaba ang mga pilikmata mo. Hindi ko 'yon makakalimutan. Sa bar kung saan una kitang natagpuan.

Maraming beses pa tayong nagkita, pero hindi mo ko siguro matandaan. Pero tandang tanda ko kung gaano kaganda ang pangalan mo. Bagay na bagay sa'yo.

Napagkakatuwaan lang namin ni Zin ang inisin ka sa tuwing nakikita ka namin. Pero hindi ko alam na kakaibang tuwa pala ang magiging dulot no'n sa'kin.

Nakita ko kung gaano ka katakot habang tumatakbo ka nung araw na 'yon. Gusto kong puntahan yung gumawa sa'yo no'n. Pero mas nanaig sa'kin ang hawakan ang kamay mo at hilahin ka sa tabi ko. Gusto lang kitang itago sa likod ko, para hindi ka malapitan ng kung sino mang gustong manakit sa'yo.

Alam mo bang hindi ako nag-aalmusal? Bukod sa umaga na lagi ang uwi namin ni Zin galing bar, ay sermon lang naman ang bumubusog sa'kin sa tuwing kumakain ako sa bahay haha. Pero noong araw na 'yon, ginanahan ulit akong kumain dahil kasama kita. Salamat sa cheeseburger, unti-unti kong natuklasan ang nararamdaman ko sa'yo :)

Nagsimula akong magsikap sa pag-aaral, nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob na abutin ang mga pangarap ko, at nagkaroon ako ng lakas para magpatuloy sa buhay..... salamat sa'yo.

Sinabi ko sa'yo na gusto ko ng magka-girlfriend..... pero ang totoo, gusto kita, Ash :)

-Sail, boyfriend mo haha







Si Sail...... gusto niya rin ako?

Love Me RightWhere stories live. Discover now