Eighteen: Thank You

9 3 0
                                    

Thank You

(Ashly's Point of View)

“Bakit ka ba dito kumakain sa room namin? May room naman kayo. Ma-iissue na naman ako nyan sa'yo e.” talak kong muli kay Theo na parang wala namang naririnig magmula pa kanina. Sige lang siya sa pagkain niya.

“Siraulo ka ba talaga? Kinakausap kaya kita!” kausap kong muli sa kanya pero hindi pa rin niya 'ko pinansin. Sa inis ko ay binatukan ko siya dahilan para mabulunan siya. Inabutan naman siya agad ni Pin ng tubig.

“Ashly ano ba. Kumakain 'yung tao.” sabat ni Pin.

“Nakikita ko nga. Pero hindi siya dapat nandito. Pabalik-balik na 'yung mga kaklase niya sa corridor. Halata namang tayo ang tinitignan nila.” sagot ko sa kanya at saka muling sumulyap sa labas ng classroom namin. Sakto naman dahil nasa labas si Alysson at nakatingin pa ng masama sa'min. Tsk. Paniguradong iniisip na naman niyang nilalandi ko ang boyfriend niya.

“Correction girl, kayo lang.”

Napairap na lang ako sa sinabi ni Pin.

“Tapos na 'kong kumain. Salamat sa warm welcome mo.” bigla na lang tumayo si Theo at saka kinurot ang pisngi ko. Ang sakit no'n a. Sa inis ko na naman ay sinipa ko siya kaya naman muntik na siyang mapatid. Alam kong sinamaan niya 'ko ng tingin bago siya tuluyang lumabas ng room namin pero hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula nang kumain. Kanina pa kaya 'ko nagugutom.

“Hoy girl. Ang sama mo naman kay Theo. 'Di ba crush mo siya? Bakit ginagano'n mo siya? Ikaw din. Baka ma-turn off siya sa'yo.” pahayag ni Pin.

“Hindi na mahalaga sa'kin ngayon kung maturn-on o maturn-off siya sa'kin. Para namang may pag-asa ako sa kanya. Deads na deads 'yon sa girlfriend niya.”

“Selos ka lang e. Pero, hindi mo ba napapansin? Parang ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayong dalawa. Tsaka girlfriend pa lang naman niya si Alysson. Maghihiwalay pa sila.” tinusok-tusok pa ni Pin ang tagiliran ko pagkasabi nya no'n. Para siyang kinikilig na kontrabida. Tsk.

“'Wag ka ngang jeje Pin. Tadhana ka dyan. Tsaka kahit uso ang break-up ngayon at agawan ng jowa, hindi ko gagawin 'yon 'no! Matino pa ang pag-iisip ko.”

“Tama ka girl! Uso ang agawan ngayon! May ika-6 na utos sa GMA, may the legal wife sa Abs-Cbn at may temptation of wife sa Korean Drama. Ay, muntik ko nang makalimutan. Uso din ang agawan off cam sa showbiz ngayon girl. Trend kaya 'yon ngayon.” tinaas-taas pa ni Pin ang dalawang kilay niya. Hay, nakakawalang ganang kumain.

“O? Bakit nililigpit mo na agad 'yang pagkain mo? Hindi mo pa nga nakakalahati 'yan e.”

“Ayoko na. Nawalan ako ng gana sa sinabi mo.” nakabusangot na pahayag ko at saka itinabi ang lunch box ko. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa arm rest ko pagkatapos. Naramdaman ko naman ang pagyugyog sa'kin ni Pin.

“Hay, binibiro lang naman kita. Ikaw talaga! Napaka paniwalain mo. Siyempre hindi mo naman magagawa 'yon. At hindi ko hahayaan na gawin mo 'yon. Hindi ako papayag na may gagawin kang makakasira ng sarili mo. Kaya 'wag ka nang magalit. Sorry na.”





Bakit kasi ang daming pinapasulat ng A.P. teacher namin. Nakakainis. Isang topic lang kami kanina pero pitong manila paper ang ipinaskil sa board. Tsk.

“Finally!” sigaw ko nang matapos akong magsulat. Mabuti na lang at wala na ang mga kaklase ko. Well, hindi naman mandatory ang isulat lahat ng nasa board. Gusto ko lang talaga isulat lahat. Pakiramdam ko kasi ay mahalaga ang lahat ng nakasulat.

Love Me RightWhere stories live. Discover now