Nine: Cool-off

26 3 3
                                    

Cool-off


(Ashly's Point of View)

“Mimay, pwede po ba 'kong magtanong tungkol sa inyo ni daddy?” pinag-krus ko pa ang daliri ko. Pumayag sana siya.

“Hindi ka ba malelate nyan?” umiiwas ba siya sa tanong ko? Hmm. Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding ng kusina namin na dinesignan ko nung nakaraan lang. OT12 feels. Hay. Gaano kaya kataas ang probability na magkabalikan si mommy at daddy lalo na ang pagbalik nina Kris, Luhan at Tao sa EXO? Hmm. Aga-aga kung ano-ano iniisip ko kaya nadedrain na 'ko pagdating sa school. Tsk.

“Hindi po mimay. Maaga pa.” nakangiting pahayag ko.

“'Yung snacks mo? Ready na ba?” iniiba niya talaga ang usapan. Hay.

“Ready na po. Pati baon kong pera, inhaler ko, assignments ko po tapos na. Nakapag-ayos na po ako. Nakapagsapatos. Aalis na lang po ako. Pero bago po ako pumasok, pwede po bang sagutin nyo muna 'yung tanong ko?” sinamaan ako ng tingin ni Mimay. Shems. Baka bawasan niya ang baon ko. Cannot be. Malapit na lumabas ang 1st solo album ni Baek. Magco-comeback na din ang EXO. Ay, may concert pa sila this coming August. Tsk.

“Past is past Ashly.” maikling sagot niya. Grabe. Showbiz naman nito ni mommy. Isang kulit pa. Baka sagutin na niya 'ko ng maayos. Pero pag hindi pa din papasok na 'ko. Baka bawasan na talaga niya ang baon ko. O kaya hindi na niya 'ko bigyan ng baon.

“Siguro hindi ka pa move-on kay daddy 'no? My gosh mimay. Ang daming oppa dyan. Sa'yo na lang si Minseok. 7 years lang naman ang tanda mo sa kanya.” biro ko sa kanya pero mas lalo lang sumama ang tingin niya sa'kin kaya agad kong naisara ang bibig ko.

“Sabi ko nga po, papasok na 'ko. Hehe.” kaagad na 'kong tumalikod sa kanya at ready na sana 'kong lumabas ng kusina nang magsalita siya. Gusto pa pinipilit. Feeling showbiz talaga. Tsk.

“Umalis siya para kalimutan ang isang tao. Pero anak, kapag ba bumalik ang daddy mo sa'tin, tatanggapin mo ba siya?” seryosong tanong ni mimay.

“Ikaw mimay, tatanggapin mo pa ba siya?” balik-tanong ko sa kanya. Kasi kung masaya siya sa pagbabalik ni daddy, bakit pa 'ko kokontra?

“Hinihintay ko pa din ang pagbalik niya.” binigyan ako ni mommy ng isang malungkot na ngiti.

“Pero bago natin siya tanggapin. Bago mo siya tanggapin ulit, siguraduhin mo munang ikaw na ang mahal niya, mimay. Sa ganoong paraan, matatanggap ko na din siya. Sige po. Late na po ako. Hehe.” tumakbo na 'ko palayo dahil paniguradong babawiin na niya ang baon ko. Shems.

At kagaya nga ng sinabi ko kay mommy ay na-late nga ako. Hindi naman ito ang unang beses na na-late ako pero first time kong ma-detention. Tsk. More than 30 minutes kasi 'kong late. Okay lang sana kung 15 minutes dahil acceptable pa 'yon sa school rules namin. Hay.

“Kung makabuntong-hininga para namang totoong nakakulong siya. Napaka-OA.” dinig kong bulong ng isa sa mga kasama ko dito sa detention cell. Bawal na ba'ng bumuntong hininga ngayon? Kainis 'to a.

“Sanay kasi sa aircon kaya baka naiinitan siya.”

May aircon kami. Pero kapag summer lang 'yon pwedeng buksan. Ang tipid kaya ni mommy sa kuryente. Parang display na nga lang lahat ng appliances sa bahay namin. Mga mapanghusgang nilalang. Tsk.

“Ang sabihin mo, apo kasi ng President ng school kaya baka akala niya hindi siya mapapasali sa mapaparusahan kahit na ilang oras pa siyang ma-late.”

Talagang nagpantig ang tenga ko sa huli kong narinig. Tumayo ako at lumapit sa kanila. Pagkahinto ko ay itinaas ko ang kanang kamay ko at umambang hahampasin sila nang may tumawag sa pangalan ko mula sa labas ng detention room.

Love Me RightWhere stories live. Discover now