Fifty-Three: Ashly's Knight-in-Shining-Armor

0 0 0
                                    

(Ashly's Point of View)

"Ang bagal mo kasi eh. Naunahan ka tuloy. Mukhang greek model pa 'yung Caileigh Tsk."

"Pwede ba." inis na sagot ko kay Theo at saka ako naglakad palabas ng venue.

"Saan ka pupunta? Ano? Tuloy na lang natin 'yung sa'tin. Hahaha." tawang-tawa na pahayag niya habang nakasunod sa'kin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin pero mas lalo lang siyang tumawa. Siraulo.

"O? Bakit? Pwede naman 'di ba? Hahaha."

"G*g* ka ba- ouch! Ano ba!" sigaw ko dito matapos niya pitikin ang ilong ko.

"Hindi bagay sa'yo ang magmura. Last mo na 'yon Ashly Ferrer." biglang seryosong sabi niya.

“Nakaka-frustrate lang kasi. Akala ko yon na yon. Hay. Hindi lang siguro ako kamahal-mahal. Mabuti pang maging single na lang.”

"Lahat naman tayo, we are desrving of love. But we need to wait for that to happen. Parang kapag umoorder lang tayo sa canteen. Lahat tayo deserving ng pagkain na nando'n. Pero kailangan nating maghintay para sa turn natin. 'Wag ka nang umiyak dyan. Gusto mo sapakin ko si Sail?" biro niya kaya naman natawa ako.

"Makapag-advice ka dyan. Ayusin mo muna 'yung sa inyo ni Alysson." sagot ko sa kanya.

"Maaayos din 'yon. 'Wag kang excited. Tss. Tara na sa loob. Hawak ka lang sa kamay ko para di ka mukhang kawawa-aray! Haha. Pero seryoso na kasi Ash, baka mapagalitan pa 'ko ni Tita."

Napangiti na lang ako nang ayusin ni Theo ang buhok ko. Tinanggal niya pa ang clip na nakaipit dito at saka ito ikinabit muli matapos niyang suklayin ng kamay niya ang buhok ko.

"Bakla ka ba Theo?" natatawang tanong ko dito habang patuloy pa din siya sa pag-ayos ng buhok ko.

"Gusto mong patunayan ko na lalaki ako?" seryosong sagot niya. Hindi naman mabiro 'to. Psh.

"Hindi na kailangan. Hindi mo nga magawang ipaglaban si Alysson e. Hahaha." natatawang sagot ko kaya naman nagready na 'kong tumakbo palayo dahil alam kong sasapakin ako ni Theo sa sinabi ko.

"Ayos. May shooting pala dito sa labas."

Speaking-off.

Napahinto kaming dalawa sa pagtakbo dahil may ilan din na lumabas mula sa venue. Mga magyoyosi yata sila. Ano ba 'yan. Nagmomoment pa kami ng ex crush ko. Joke lang. Pinapasaya ko lang ang sarili ko.

Mga ilang sandali lang ay may dumating na taxi at huminto pa ito sa mismong harap namin ni Theo.


“Long time no see, anak.” isang middle aged na lalaki ang bumaba sa sasakyan. Kasunod nito ang isang middle aged din na babae. Shems. Mga parents ni Theo.


“A-ano pong ginagawa ninyo dito?” hindi makapaniwalang sambit ni Theo. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na nandito sila ngayon sa harap namin.



“It's nice to see the both of you..... together.” isang makahulugang ngiti ang iginawad sa'min ng Mommy niya. Shet. Bakit pakiramdam ko ay may iba silang pakay kaya sila nandito?


“Ma, Pa-.”


“Matthew! Kleo! Sabi ko naman sa inyo at may driver naman na susundo sa'min mamaya. May jetlag pa kayo for sure.” bati ni Mimay sa kanila. Kasama niya ang parents ni Pin. Bilang magkaibigan din nung college si Mimay at ang Mommy ni Pin ay nakilala na rin nila ang mga parents ni Theo. Para silang nasa isang circle of friends.



Love Me RightWhere stories live. Discover now