Five: I.D.

15 3 0
                                    

I.D.


(Ashly's Point of View)

Minsan inaakala ko na anghel talaga si Alysson. Pagkatapos kasi nung eksenang ginawa niya sa gym ay nakiusap siya sa mga taong nando'n na huwag nang ipagkalat ang nangyari sa isang ma-awtoridad na paraan. Kaya naman nakakapasok pa din ako sa school nang matiwasay. Para bang normal pa din ang lahat. Mukhang hindi niya din alam na nando'n ako nung araw na 'yon.

“Ash girl, dadaan na sina Theo. Dali!”

Tumakbo kami ni Pin palapit sa may bintana para makita sina Theo. Balik na naman kami sa gawain namin na pagsimoy tuwing recess and lunch time. Para kaming shunga. Tsk.

Habol tingin ko pa ang mga yabag ni Theo hanggang sa makapasok siya sa pintuan ng classroom namin- wait. Sa classroom namin. Shems. Napaayos ako ng tayo. At akmang babalik na sana 'ko sa upuan ko nang magsalita siya na nakapagpahinto sa akin.

“Ashly.”

Lumingon ako sa kanya. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Pero wala si Harris.

“Bakit?” mahinang tanong ko na hindi ko alam kung narinig ba niya.

Ikinumpas niya ang kamay niya na para bang pinapalapit ako sa pwesto niya at ganun nga ang ginawa ko. Hay. Bakit ba palagi kong sinusunod ang sinasabi niya? Uto-uto ba 'ko o talagang si Theo lang siya? Tsk. Pasalamat na lang ako sa mga kaklase ko at walang tumitili sa kanila.

“Ipinabibigay ni Harris. Hindi ka daw niya nakikitang bumababa kapag oras ng recess at lunch.”

Iniabot niya sa'kin ang isang paper bag ng Jollibee nang may blangkong tingin. Pagkatapos no'n ay tumalikod na siya at naglakad pabalik ng room nila. Naiwan ang dalawa niyang kaibigan sa harapan ko.

“Ash. Replyan mo naman daw si Harris.” nakangiting sabi ni Travis na nagpakunot ng noo ko.

“Huh? Wala naman siyang tinetext sa'kin. Tsaka wala din naman akong number niya at ganun din siya.” paliwanag ko.

“Meron kaya. Sabi pa nga niya. Ang ganda mo daw e.” sagot naman ni Leo at kumaripas na sila ng takbo pabalik sa classroom nila.

Pagkaalis na pagkaalis nila ay siyang tilian ng mga kaklase ko. Napaka-supportive talaga nila. Kaya ayokong umalis sa section na 'to e.

Pagkaupo ko ay tinignan ko agad ang cellphone ko. Binalikan ko ang text message ng unknown number last week.

From: 09*********

Hi Ash. Ang ganda mo kanina.

------------------------------------

Number ba 'to ni Harris?

Sa sobrang curiosity ko ay tinawagan ko yung number. Idinikit pa ni Pin ang mukha niya sa mukha ko para marinig niya ang usapan namin.

Nakakadalawang ring palang ay sinagot na agad niya ang tawag ko.

{Ash.}

“Harris? Number mo ba 'to?”

{Oo. Pasensya na hindi ako nakapagpakilala.}

“Saan mo nakuha ang number ko?”

{Kay-}


**Dial Tone**

-------------------------------------

Nakakainis. Bakit naman niya tinapos agad yung tawag? May tinatanong pa 'ko e. Tsk.

Love Me RightWhere stories live. Discover now