Twenty-Seven: Section One

14 2 2
                                    

Section One

(Ashly's Point of View)

Bakit ba ang tagal ni Sir? Kanina pa 'ko nandito sa labas ng room ng section one. Ayoko namang pumasok at basta na lang umupo sa classroom nila. Baka mamaya bigla na lang may magbuhos sa'kin ng harina o pintura kagaya sa mga napapanood ko sa Kdrama.

Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang matanaw ko si Sir na papalapit sa'kin.

"Good Morning Sir." bati ko rito.

"Magandang umaga din. Bakit nandyan ka lang sa labas? Halika na sa loob."

Nakayuko lang ako habang nakasunod kay Sir. Ayoko silang tignan. Feeling ko may laser ang mga mata nila. Tsk. Creepy.

"Ah, class. Sa'tin muna papasok si Ashly for a week. Finally, after 3 years of waiting. Nasa section one na din ang isa sa running for valedictorian natin. Although, sit in lang siya." masayang balita ni Sir sa kanila pero parang hindi nila nagustuhan ang narinig nila. Seryoso lang silang naktingin sa adviser nila.

"Welcome Ash!" sigaw ni Alysson.

Napangiti naman ako. At least. Kahit isa, may masaya na nandito ako sa section nila.

"Harris. Ikuha mo nga ng upuan si Ashly." at muli na naman akong napayuko nang dumaan si Harris sa may gilid ko.

Nang makabalik si Harris ay agad akong sinabihan ni Sir na doon sa tabi niya maupo. Hindi ko alam pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Nagsimula na namang manlamig ang mga kamay ko. Calm down Ash. Matagal na 'yon. Nabigla lang si Harris, kaya niya nagawa 'yon.

“Sir, palit na lang kaming upuan ni Ashly.” suhestiyon ni Leo.

"Sure. 'Wag ka lang makikipagdaldalan kay Harris sa oras ng klase Leo. Binabalaan na kita." seryosong pahayag ni Sir.

"Yes, Sir!" at sumaludo pa si Leo.

Pagkalipat niya ng upuan ay pumunta na rin ako sa upuan ko, sa tabi ni Theo. At mula sa pwesto ko ay rinig ko ang bulungan ng mga kaklase nila tungkol sa'min lalo na sa'kin.

"Bakit kasi nandito pa siya?"

"Para mas may quality time sila ni Theo."

"Kawawa naman si Alysson."

"Ang landi naman kasi."

"Priority na nga ng school dahil apo siya ng may-ari at may sakit siya. Tapos nagpalipat pa sa section natin para makita si Theo. Napakasama talaga ng ugali niya."

"Ang unfair lang."

At muli ay napayuko na lang ako sa mga naririnig ko. Ito ang isa oang dahilan kumg bakit ayoko sa section one. Big deal ang lahat sa kanila, hindi kagaya sa lower sections. Mukhang one week akong mai-stress nito. Hay. Napabuntong-hininga na lang ako.

Nagsimula ng mag-lesson si Sir. Pero mas naririnig ko pa ang bulungan nila kaysa sa itinuturo ng teacher namin. Grabe lang. Pwede namang mamayang recess na lang nila 'ko pag-usapan. Tsk.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng malakas na paghampas ng libro sa desk. Lahat kami ay napatingin sa gumawa no'n. Si Theo na katabi ko lang. Magkasalubong ang mga kilay niya at nakakuyom ang mga kamay niya.

"Theo? Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Sir sa kanya.

"Masyado po kasing maingay. Hindi ko marinig ang tinuturo ninyo." may diin na pahayag niya. Mababakas mo dito ang magkahalong inis at galit.

Hinintay ko kung magtatanong si Sir kung sino ang tinutukoy ni Theo pero nagulat na lang ako nang kusang tumayo ang mga kaklase niyang kanina pa nagbubulungan tungkol sa'kin.

Love Me RightWhere stories live. Discover now