Thirty - Eight: Make a Wish

8 0 0
                                    

Make a Wish


(Ashly's Point of View)

"Ash, akin na 'yang cookies na ginawa mo. Okay na 'tong cake na ginawa ni Zin." inilahad ni Pin ang kamay niya sa'kin na nakasuot ng hand glove.

"Huh? Ahh, mamaya na 'to. Hindi pa kasi 'ko tapos. Hehe. I-off mo muna 'yung oven." natatarantang sagot ko. Bakit kasi puro heart shape 'tong ginawa kong design? Shems. Baka kung ano ang isipin ni Sail.

"Pero kanina ko pa pina-rest sa'yo 'yan Ash."

Tumalikod pa 'ko sa kanila para hindi nila makita 'yung ginawa kong designs. At dahil si Zin ay parang bangko siyempre he always find ways kaya nakita niya din 'yung itinatago ko. Shems naman.

"Hearts? In love ka ba kay Sail, sister? Ikaw ha. Hindi mo man lang kami ininform. Hahahaha."

"Huh? Hindi ah! May iniisip lang ako kaya ganito." nakangusong pahayag ko.

"Kung si Sail ang iniisip mo Sister, okay lang 'yan. Ipagpatuloy mo lang 'yan. Susuportahan pa kita! Hahahaha."

Hindi pa nakuntento si Zin sa pang-aasar niya sa'kin nag-finger heart pa siya nang nag-finger heart sa'kin. Siraulo talaga 'to. Tsk.

"Babaguhin ko na nga lang 'to. Umalis ka na sa harap ko. Do'n ka na! Binabalaan kita Zin!" itinulak-tulak ko pa si Zin pero ni hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya kaya naman inirapan ko na lang siya na mas lalong nakapagpatawa sa kanya.

"Bakit mo pa babaguhin? Pwede na 'yan. Akin na."

Sa inis ko ay nasabunutan ko na lang si Zin matapos niyang ilagay sa oven 'yung mga cookies na ginawa ko. Shems. Ano na lang sasabihin ni Sail sa'kin mamaya? Huhu.

Habang hinihintay namin si Sail dito sa may soccer field ng school nila ay hindi ako mapakali. Paano kung tawanan niya 'yung cookies na ibibigay ko? Or mas malala, baka hindi niya tanggapin? Tsk.

Ashly naman kasi. Alam kong lately ay halos si Sail na lang ang laman ng isip mo, pero sobra naman yata 'yung hugis puso na cookies. Hay.

"Najejebs ka ba, Sister? Bakit ganyan ang itsura mo? Hahaha." usisa ni Zin matapos niyang matalo sa nilalaro niya sa cellphone. Hindi pa siya nakuntento dahil humagalpak pa siya ng tawa.

“Ayos ka lang ba Ash? Nahihirapan ka bang huminga? Hoy Zin. Bakit kasi sa dinami-rami ng pwede nating paghintayan kay Sail. Dito mo pa naisip." reklamo ni Pin na kanina pa paypay ng paypay sa sarili niya magmula nung dumating kami dito. Siya yata 'tong hindi makahinga sa init palibhasa laging nakatapat sa aircon. Hay.

"OA naman. Hindi agad makahinga? Tsaka nasa lilim naman tayo. Ang aarte. Palibhasa mga kutis bondpaper.” sagot ni Zin dito. Mabuti na lang at hindi niya binigyan ng meaning yung sinabi ni Pin na hindi ako makahinga. Baka kung ano pang isipin niya. Ayoko pa namang ipaalam ang tungkol sa asthma ko.

“Ano'ng sinabi mo? Gusto mo bang tamaan ka sa'king loko ka?” nakapameywang na ngayon si Pin. Hay. Mukhang hindi rin papatalo ang isang 'to. Tsk. Mas lalo lang akong na-tense.

"Wala! Wala! Oh! Nandyan na si birthday boy!" sigaw ni Zin at saka ito tumakbo pababa ng bleachers para salubungin si Sail na parang nakapambahay lang pero ang gwapo gwapo pa din. Para siyang model ng isang clothing brand. Shems. Ano ba'ng sinasabi ko?

Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa box na hawak ko nang makalapit sila sa'min. Pakiramdam ko din ay na-glue ako sa kinauupuan ko.

"Hi! Ako nga pala si Pin. Bestfriend ni Ash. Nice to meet you. Ang gwapo mo pala sa personal. Pero hindi kita crush. Haha." natatawang pahayag ni Pin at saka nakipag-shake hands kay Sail.

Love Me RightWhere stories live. Discover now