CHAPTER 43: The Upper Rank Deciples

237 41 2
                                    

Third Person's POV

Land of the fallen souls, Chabon, Castle of As'wrat.

Kilala ang limang disipulo ni As'wrat bilang tapat na tagapangasiwa ng Chabon at tagasundo ng ilang namayapa. Makapangyarihan at kinatatakutan ng ilang pangkaraniwang nilalang sa Levorania. Mga demonyo sila at nagtataglay ng Shadow Affinity.

"Hm? Hindi ako humahanga sa nakikita ko, hindi pa rin ako kumbinsido na anak nga siya ni panginoong As'wrat." Seryosong wika ng isang babae na isa sa mga disipulo habang pinapanood ang isang binatang nagngangalang Kael sa isang isang kristal na binabalot ng kulay lilang awra.

"Hayyy... Kung nabubuhay lang sa Alatar hahayaan kong makinig sa mga kwento niya. Tutal siya naman napaglaki at nagbantay sa lalaking 'yan sa loob ng napakaraming taon." Ani ng isa pang babaeng disipulo sa maliit at mapaglarong tono ng kanyang boses. "Basta ako kumbinsido sa nakita ko sa kanya. Hindi ba Liandor?" Dagdag nito kasabay ng pagbaling ng kanyang tingin sa isa pang disipulo, ngunit sinabayan lang ito ng seryosong mukha.

Apat silang nagpupulong sa isang malaking chamber. May pagkadilim ang lugar, tanging liwanag lang na kulay lila na nagmumula sa mga nakasinding apoy ang bumabalot sa buong kwarto. May mga estatwa sa gilid at rebulto ng mga nakakatakot na halimaw. At sa sahig ay mayroong mga nakaukit na mga simbulong hindi madaling mabasa.

Lahat sila'y nakaharap sa kristal na kung saan nakikita nila ang kanilang pinaguusapan.

"Susunduin na ba natin s'ya?" Wika ng isa pa nilang kasama na may malaking boses, malaki ang pangangatawan at hindi pangkaraniwan ang itsura.

"Hindi, sasalubing natin si Kaz'rel sa padating niya sa Redthiem."

•••

Thosand years before...

Castean Continent

"A-ama..." Nauutal na sambit ng apat na taong gulang na bata sa harap ni Alatar.

Nainirahan sa gitna na kakahuyan ang magama-amahang Kael at Alatar. Sa madilim, katabi ng naglalakihang puno at naglambiting baging, isama pa ang malalaking batong binabalot ng lumot.

Malayo sila sa tao at kabayanan pero usap-usap ang sinasabing misteryo ukol sa kanila. Maraming haka-haka ang nabubuo dahil sa estilo ng kaning pamumuhay. Talagang kataka-taka ang mag-ama dahil kahit sino naman walang gugustuhin na manirahan sa gano'ng klaseng lugar.

Sa katunayan, isang necromancer si Alatar at isang Void Creator si Kael. Isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit pinagtatakahan sila at kinatatakutan na makasalamuha. Masyadong mataas ang antas ng kanilang job kumpara sa pangkaraniwang tao. Maihahalintulad ang mga ito kagaya ng sa mga bathala.

"Paano po ako, iiwan n'yo po ba ako?" Malungkot na tanong ng bata.

"Pansamantala lang Kael, babalik ako." Malamig na sagot nito.

Sa ngayon, nagaganap ang Scared war, digmaan sa pagitan nina As'wrat at ng ilan pang bathala. Ang kanilang pagtatalo at hindi pagkakaunawaan ay nagdulot ng mantinding kaguluhan sa mundo.

Sentro ng digmaan ang Swadia, kung saan nandoroon si As'wrat at ang isa niyang disipulo, Argoth, isang Berserker. Kaharap nila ang Bathalumang Arthimen, ang Diyos ng buhay kasama ang mga mandirigma ng Swadia na may basbas niya. Ang mga mandirigmang ito'y tinatawag na Sacred Knights.

Gayunpaman, ang mga natitirang disipulo kagaya ni Alatar ay naglulunsad ng digmaan sa iba't ibang kontinente.

Si Devora, isang shapeshifter na nakadistino sa kontinente ng Yeriah. Kilala bilang "Woodland Black Spirit," may kakayahang magbago at gayahin ang anyo ng mga nabubuhay sa kalikasan.

Sumunod ay si Liandor, isang illusionist. Ang disipulong kinahuhumalingan ng kababaihan dahil sa itsura nito at talentong ipinapakita sa teyatro. Isang demon na hindi halata sa kanyang wangis. Malawak ang kakayahan niya sa mahika, kaya niyang gumawa ng mga bagay na hindi napapansin ng kanyang mga kalaban.

At si Alatar, ang necromancer na nagsilibing ama-amahan ng anak ng kanilang panginoon. Taglay niya ang makita ang mangyayari sa hinaharap at bumuhay ng isang nilalang mula pagkakamatay subalit nangangailan ng kapalit.

Si Liandor at Alatar ang nakadistino sa pakikipagdigma sa kontinete ng Castean.

At ang panghuli, si Caliphene na kilala sa bansag na Melody of Evil. Mapaglaro at masiyahin ang kanyang personalidad. Isang idulo sa entablado ng Grayland na may kakayahang komontrol, magpasunod ng nilalang at palakasin ang kapangyarihan gamit ang kayang tinig.

Gayunpaman, naiwang magisa si Kael sa kanilang tinitirhan matapos umalis ni Alatar. Naroroon ang pagkain at maiinom ng bata habang wala pa ang kanyang ama-amahan. Malakas ang loob ni Alatar na magiging ligatas dito ang bata, liblib at nakakakilabot ang paligid kung kaya't walang tao ang magtatakang mapadaan dito.

Alam din ni Alatar sa kanyang sarili na nasa alanganin ang buhay ng bata, mainit ang mata sa kanya ng mga tao dahil sa sinasabing isang propesiya. Isa pa, isa siya sa mga layunin ng kanyang ina na makita at mabawi.

Sa loob ni Arthinem, lubos siyang nagsisi sa ginawa niyang kusang loob na pagbibigay ng kanyang anak sa maling nilalang nang dahil lamang sa takot. Isang pagkakamali na lalong nagpapatindi ng kanyang pangamba.

Lumipas ang digmaan ay matagumpay ang na natalo ang hukbo ni As'wrat. Maraming nasawi at naging magdugo ang labanan. Masasabing magmamarka ang pangyayaring ito kahit ilang taon pa ang lumipas.

Sa pagtutulungan ng mga Diyos at Diyosa na sina Arthinem, Ionia, Alea at Coda ay matagumpay na naiselyo si As'wrat sa isang espesyal na bagay upang hindi na muling makaminsala pa.

Sinasabing ang sacred cabochon na nilikha ni Arthinem ang tanging susi upang masira ang selyo na kinlalagyan ng Bathala ng Kamatayan. Gayunpaman, tinago niya ito sa pinakaliblib na lugar sa kalupaan, malayo at hirap mahanap ng mga naghahangad na makita ito.

Bukod ro'n iniwan rin ng Diyosa ang kanyang espesyal na alaga na si Maria, isang pusa na kayang magbago ng anyo sa pagiging mabangis at magbigay ng buhay sa mga namamatay. Humigi siya ng basbas kay Coda, ang diyos ng oras na ang nilalang na ito ay makakatagpo si Kael sa tamang panahon upang ito ang gumabay sa paglaki ng nasabing bata.

-

Natapos ang digmaan, bumalik si Alatar sa kanilang tinitirhang bahay. Buhay s'ya at walang natamong malubhang pinsala. Laking gulat nalang niya nang makita ang walang buhay na batang lalaki na nakalugmok sa sahig. Malamig at maputla ang kulay nito at agad n'ya itong nilapitan upang tingnan mabuti ang nangyari.

Sa pakiramdam niya ay nakaramdam siya ng takot sa kanyang sarili. Lalo't may sinumpaan siyang isang salita sa kanyang panginoon na poprotektahan at aalagaan niya ang batang ito hanggang sa mailabas nito ang tunay nitong kapangyarihan.

Batid niyang na i-selyo na si As'wrat, pero ang takot pa rin ni Alatar dito ang iniisip niya. Darating ang panahon na maari itong makalaya at alam din niya kung paano magparusa ang isang Diyos.

Kasalanan niya ang nangyari sa bata. Kahit papaano nakaramdam siya ng konting pagmamahal rito sa loob ng maikling panahon.

Gamit ang kakayanan ng isang necromancer, masusi niyang tiningnan ang nangyari sa nakaraan at doon niya nakita ang pangkat ng mga magician na pumaslang dito sa isang saglit.

Ang tanging nasa isip nalang ni Alatar ay buhayin muli ang bata gamit ang kanyang kapangyarihan. Bagama't mataas ang estado ni Kael at hindi pangkaraniwan ang kanyang lahi, nangangailangan ito ng maraming buhay na ipangpapalit at mahabang panahon na hihintayin upang manumbalik ang hininga nito. Hindi madali ang proseso para sa kanya.

Kung ikukumpara ang kakayanan niyang bumuhay ng patay sa kapangyarihan ni Arthinem, mas madali at malinis ang proseso kumpara kay Alatar na nangangailangan pa ng kapalit.

Gayunpaman, dinala n'ya ang bata sa hilagang bahagi ng Castean, sa hills of nightmare na kung saan may isang templo roon si As'wrat na maari niyang pagsagawaan ang ritwal...

-

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon