CHAPTER 20: Unexpected Intel

645 77 0
                                    

Kael's POV

Swadia Continent, Eadean Northern Mountains, Frosty Woods.

------------------------------------------------------

[Kael Griffinscar ‹Lv. 58› >> ‹Lv.59›]

«Mana Points increased by 75»

«Health Points increased by 130»

«Glacial Amulet Acquired »

Glacial Amulet: Increase Defense by 20% (Frost Affinity) (Uncommon)

«30 Gold Coins Acquired »
-------------------------------

[Maria ‹Lv. 70› >> ‹Lv. 71›]
«Health points increased by 150»

------------------------------------------------------

Nakakabwisit lang, pagkatapos ko matalo yung dragong yun wala man lang akong rare items na nakuha sa kanya. May nakuha nga ako, pero uncommon naman, mas malakas parin yung gamit kong amulet kumpara d'yan. At isa pa, Frost Affinity ang bagong item na yun, walang epekto ang ganong bagay kung gagamitin ko, mabuti sana kung taglay ko ang ganiyang Affinity, eh kaso wala.

Nakakuha naman ako ng tatlumpong gold coins, pwede na rin para makabili ng mga gusto kong gears. Pero iba pa din ang mga loots mula sa mga Boss. 'Di hamak na may mga extra buffs ang mga ito kumpara sa mga nabibili.

------------------------------------------------------

Name: Kael Griffinscar ‹Lv. 59›

Gender: Male

Age: 18

Job: Beast Tamer

Race: Human

HP: 8130 / 8130

MP: 3550 / 3550

Affinities: [Shadow][Air][Fire]
-----------------------------------
Beast Partner/s:

Name: Maria ‹Lv. 71›
Gender: Female
Race: Cat
HP: 11576 / 11576
Title: Nine Tailed Guardian
Affinity: [Air]

Name: Scub ‹Lv. 75›
Gender: Male
Race: Dragon
HP: 8740 / 12330
Title: Devastating Flame
Affinity: [Fire]

------------------------------------------------------

Oo nga pala, ginamitan ko si Scub ng shrinking potion at minabuti ko munang isilid siya sa loob ng pouch habang nakabalot sa tela. Naisip ko na baka maibsan ang lamig na nararamdaman niya kung patatagalin kong selyado ng tela ang kanyang katawan. Ngayon ko lang nalaman na nanghihina pala siya sa ganitong klaseng lugar. Ang bobo ko, 'di ko agad naisip na flame dragon siya at bawal sa malamig na lugar.

Kasalukuyang nasa taas ako ng puno kung saan nakakakuha ng Virffia Blooms na pinapagawa ni Kye. Nasa ibaba si Maria at nagmamasid sa paligid habang ako naman ay abala sa pamimitas ng bulaklak.

Kinuha ko lang yung kaya kong dalhin, nakalimutan ko kasing magdala ng basket o bag na pwede ko paglagyan. Sana lang… 'di sila magreklamo kung kaunti lang madadala ko.

"Sakit sa ilong ng amoy… sama!" 'Di naman sa nagiinarte ako, oo mabango ito pero ang tapang ng amoy at isa pa 'di ako sanay makasinghot ng ganito. 'Di ko na muling nanaisin pa tumanggap ng ganitong klaseng task.

Bumaba ako mula dito sa puno habang dala-dala ang sampung bulaklak na may nakakabwisit na amoy. 'Buti nalang mahahaba ang mga tangkay nito, madali na sa'kin para bitbitin.

At ngayon… 'di ko na makita ang pusang kasama ko. Saan pumunta yun?

"Maria..!" Sigaw ko. Nasaan na yun. Naglakad-lakad ako upang hanapin siya. Pahirapan na naman 'tong gagawin ko, saan ko naman siya makikita dito nagyeyelong bundok na tinatapakan namin. Hay… abyarin.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon