CHAPTER 64.4: Eurie's Counterpart

140 23 2
                                    

Third Person's POV

"Pa'no kung ako nga, anong kailangan mo." Mapanghamong tono ni Kael bago pa man siya lumingon at tiningnan si Devora ng may malamig na awra.

Sa isang pagkakataon, biglang tumahimik ang paligid matapos sagutin ng binata ang sinasaad ng demonyo sa kanya. Parang kusang tumigil ang oras kung kaya't nawala ang tunog o ano mang ingay na maririnig dahil sa harapan ng dalawang ito na may seryosong ekspresyon.

Kitang-kita sa mukha ni Devora ang pagnigisi niya sa binata pero may kunting pagngingilig at takot na mababakas din sa kanya dahil sa awrang nakikita nito kay Kael.

Isa sa mga upper rank disciple ni As'wrat si Devora at bilang tagasunod nito, may paggalang at takot siya sa kanyang panginoon. Kung kaya't si Kael o Kaz'rel, siyang tunay nitong pangalan ay nagsisilbing incarnation o katawang tao ng bathala ng kamatayan at bilang anak at tagapagmana ng pwesto sa hanay ng mga guardian.

Gano'n pa man, bibihira makita sa mukha ni Kael ang pagkakaroon ng malamig na awra dahil madalas siyang makipagbiruan sa kahit kanino at turing sa maraming bagay ay laro.

Isa pa, natural sa kanya ang magisip na parang bata o magpaiba-iba ng mga ugali sa loob ng isang araw. May kaunting diperensya siya sa pagiisip dahil sa mga nakaraan niya at masamang naranasan niya sa buhay na hindi alam ng nakakararami, at kahit siya.

Ilang saglit pa'y napalitan ng pagngiti ang ngisi ni Devora kay Kael. Matamis itong humarap sa binata at kapagkwan ay may sinambit ito rito.

"Maglaro tayo." Masayang pangangakit ni Devora sa kanya na may kaparehong tono ni Eurie dahil nga ito ang kanyang anyo. Alam niya kung pa'no mahuhuli si Kael.

"Sige! anong laro?" Tugon ni Kael na may masaya at pilosopong tono na para bang nakikipagbiruan lang. At kagaya ng nasabi, madali siyang magpalit ng emosyon. "Ano… anong gagawin namin?" Dagdag nito.

Dahil sa natutuwang ekpresyon ng binata ay nakapikit lang ito at nakangiti habang kinakamot niya ang kanyang batok gamit ang kanyang kanang kamay.

*Whoosh*

At dahil din do'n hindi niya namalayan ang bilis ng pagdaplis ng nagliliwanag na talim ng palaso sa kaniyang kaliwang pisngi na lumagpas sa kanya. Nagiwan ito ng maliit na hiwa sa kanyang mukha at naputol ang kaunting piraso ng kanyang buhok na dinaanan ng palaso. Kaya masasabi na matalas ang gamit na sandata ni Devora at mabilis ang pagatake nito.

"Hm?" Mahinang huni ni Kael habang nakatulala at natulig sa nagyari.

"Bobo!!" Malakas na sigaw ni Kye sa lalaking 'to at sumunggab siya rito upang iiwas sa kasunod pang palaso na tatama kay Kael.

Matagumpay na naiiwas ni Kye ang kanyang kasama at pareho silang tumumba subalit nasalo niya ang palaso at tumama ito sa kanyang balikat.

"Kye!" Gulat at nagaalala na sigaw ng ilan sa mga babaeng kasama niya.

"Hahaha…" Tawa ni Devora sa kanila habang sinundan niya ng mabilis na pagtalon nang patalikod palayo sa kanila ng ilang metro. "Bibigyan ko kayo ng ilang minuto para maghanda hahaha…" Anito habang hinahamon ang lahat.

"Tsk. Alerto mga kasama!" Malakas na sigaw ni Kye sa lahat.

Mabilis na tumayo ang dalawang lalaki habang dagling binunot ni Kye ang matalim na bagay na tumusok sa kanyang balikat. "Ahh..!" Mahinang daing nito.

Napansin ni Kael na naglalabas ng maraming dugo ang natamong sugat ni Kye, mabilis itong tumatatak at namumuo sa kulay puting coat na kasalukuyang suot ng binata. "Kye, lalim ng sugat mo gamutin muna natin." Ani Kael.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon