CHAPTER 78: Capturing an Angel

122 9 3
                                    

Kye's POV

*Fwoosh*
*Bang bang bang*

Ilang minuto na ang nakakaraan at patuloy pa rin sa pagbabato ng atake sina Eurie at Vella. Habang sa pagitan namin ni Liandor ay patuloy pa rin ako sa pagpapahabol sa kanya kagaya lang ng bilin sa'kin ni Meeltra.

Madalas akong binabato ng bampirang ito ng kanyang mga paniki subalit kaagad ko lang din itong iniiwasan at pinapatama sa holy barrier. Para kahit papaano ay mas mabilis na masira ito, at isa pa, batid ko na talagang makapaminsala ang bawat atake na binibitawan ni Liandor.

Gano'n pa man sa napapansin ko, bahagya nang nanlalabo ang kulay ng barrier ni Kael. Sa tingin ko ay indikasyon lamang ito na tumatalab na ang pinagsama-sama naming mga atake at ilang saglit nalang ay mababasag na ito basta't mapapanatili ang pagatake.

*Bwoosh*

"Hindi ka ba talaga titigil o napapagod?" Sambit ko kay Liandor. Sabagay hindi naman talaga sila napapagod at hindi naman tumitibok mga puso nila.

"…"

Ilang beses ko nang tinangkang kausapin si Liandor pero ni isang salita ay wala akong narinig na tugon sa kanya kundi ang makita lang ang malamig at walang expresyong maputla niyang mukha. Pangit yata ang boses nito.

Magkatapatan kami ng ilang metro at nasa likod ko si Kael, hinihintay ko lang siyang magbato ng isang panaki upang iwasan at hayaang tumama 'to sa barrier sa likod ko. Kagaya ng dati, paulit-ulit ko lang 'to ginagawa, kagaya ng pangkaraniwan, kulang pa rin sa talino ang mga demonyo. Hindi ko maintindihan kung paanong hindi namamalayan ni Liandor na pinagsasamantalahan ko na ang kapangyarihan n'ya. O sadyang ito lang talaga ang kanyang plano. Hayyss...

"Huh?"

Gano'n pa man, dagli akong napalingon nang maramdaman kong may gumagalaw na bagay sa aking likod. Una ko na agad naisip si Kael, at tamang hula, namataan ko kung paano bumubukas ang nasa ibabaw n'yang magkabilang pakpak na siyang tumataklob sa kanyang mukha.

May tatlong pares ng pakpak ang kagaya niyang anghel. Ang nasa ibabaw na pares ay  pantakip ng kanyang mata at mukha, ang nasa ibabang pares ay ginagamit sa pantakip ng kanyang paa at binti. Panghuli, ang gitnang pares ay ipinangtatakip niya sa katawan.

Dito ko nakita ang kanyang itsura, ibang-iba sa pangkaraniwan kong nakikita sa kanya. Tadtad ng makikintab na marka ang balat niya sa mukha at ang kanyang mga mata ay dilat na dilat na mangasul-ngasul pa ang kulay. Ibang-iba si Kael na halos 'di ko siya makilala.

"Anong klaseng–" Putol kong sambit dahil nabigla ako sa kanyang naging itsura.

Ito ang unang beses na makakita ako ng anghel sa malapitan. Akala ko nung una, maaamo at kaaya-aya ang kanilang mukha, base sa mga kwento. Pero napatunayan kong iba pala, mas nakakaramdam ako ng kilabot sa itsura nila kaysa sa mukha ng mga halimaw. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi sila nagpapakita sa mga tao.

Habang pinagmamasdan ko ito dahil hindi ko mabaling ang atensyon ko sa iba. Gumalaw ang mga mata ni Kael at tumama ang tingin nito sa akin. Medyo tumindig ang mga balahibo ko sa kilabot dahil hindi ko alam kung paano ako gagalaw at kung ano ang sunod na gagawin nito sa akin.

Hindi ko maipaliwanang yung nararamdaman ko, dahil siguro ito sa aura na nilalabas n'ya. Kahit anong tapang ko, pero kung haharap at makikipagtitigan ako sa kanya nang matagal ay siguradong sisimulan na ako lamunin ng takot at kaba.

"Mortal, sabihin mo sa'kin ang iyong pangalan." Aniya sa malamig sa tono. Maging ang kanyang boses ay napansin kong nagiba. Parang boses ng isang malaking tao na umaalingawngaw sa isang malaking silid.

"Kael, ako 'to si Kye!" Sagot ko. Ba't parang hindi niya ako nakikilala? Kung gano'n nagiiba talaga s'ya.

"Kye, umamin ka sa iyong kasalanan."

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon