CHAPTER 56: Hardinem

148 28 2
                                    

Kye's POV

Redthiem Continent, Hardinem

Sa isang disyerto ng Redthiem, bahagi ng lupain ng Hardinem ay matiyaga kaming naglalakad upang marating ang kasunod na lungsod ang Alea, ang lupain ng diyosa ng balanse.

Sa totoo lang nakakahingal.

Pagihip lang ng hangin lang naririnig sa paligid, walang nakikita kundi ang tumpok ng mga buhangin ngunit sa dulo naman ay tanaw na ang malalaking tipak ng bato na maaring labasan sa lupaing 'to.

"May patutunguhan pa ba nilalakad natin? Napakainit parang ilang oras na tayong babad sa arawan." Matamlay na wika ni Kael. Natin? Namin Kael, namin.!

Pasan-pasan ko ang pabigat at napakaarteng lalakeng 'to na daig pa ang babae kung magreklamo. Hindi lang siya ang buhat ko, pati yung dalawa n'yang alaga. Nakakapit sa kanya yung kanyang pusa sa kanyang likod at nakahapon naman yung dragon sa ibabaw ng kanyang ulo, pinaliit lang niya ito gamit ang shrinking potion ni Nathalia. Kaya doble ang bigat na pasan ko.

Ang dahilan sa pagpapaliit namin kay Scub ay para makaiwas sa gulo sa disyertong 'to lalo't napakasgrado ng mga tinatapakan naming lupa. Hindi namin siya magagamit sa ngayon sa paglalakbay patungo sa Hadom pwera nalang kung kinakailangan para ipantapat sa nakakasalubong naming halimaw.

Pero sa ngayon sagot na nila Eurie, Vella at Nathalia ang daan sakaling may tumambang kalaban. Dapat nga tunkulin ko 'yon kasi ako ang Fighter dito, pero wala akong magagawa kasi may dakilang tamad akong kasama, 'di ko din naman masisi dahil malaki naman silbi nito. Ang problema ko lang, umintindi sa pagiging isip bata niya.

"Kael! Ikaw pa talaga may ganang magreklamo, bitbit na nga kita." Tinaasan ko siya ng boses dahilan upang tugunan niya ako nguy-ngoy na lumalabas sa kanyang bibig. Nangaasar 'to panigurado.

"Mrmrmmmrrm..."

Pwede ba Kael tama na ang laro. Noon ka pa, 'di ka na nakakatuwa. Mahiya ka naman sa sarili mo.

Napailing ako at hindi ko nalang pinansin, lalo lang gugulo ang sitwasyon.

"Nakakapagod din kaya lumipad sa t'wing naglalakbay tayo, 'yung paakyat pa nga dito halos matanggalan na akong ng hininga dahil sa pagod samantalang kayo ayos na ayos lang pagkababa n'yo rito sa Redthiem." Aniya.

"Sa ngayon, tingin mo ikaw lang hinihingal?!"

"Kalma lang tayo, hindi n'yo kailangan magaway. May punto naman kayo pareho eh." Masayang bangit ni Eurie habang pinapatigil kami sa pagtatalo. "Palitan lang tayo, tulungan!"

"Ganito, paano kung magpagawa tayo ng mana potion kay Nathalia at ipainom natin kay Kael." Suhestiyon ni Vella.

"Kulang materyales niya." Seryoso kong sagot.

"Pasakayin nalang natin siya sa mga alaga niya." Dagdag niya.

"Pareho silang pagod, konektado ang mga kaluluwa nila sa isa't isa."

"Magpahinga kaya muna tayo."

"Pwede, kaso wala tayong sisilungan, nasa diseryeto pa tayo at wala pa akong nakikitang lilom."

Para malinaw, nangaling pa kami sa sentro ng kalakalan at pamilihan ng lupaing ito o sa madaling sabi, sa pinakang bayan ng Hardinem.

Halos dalawang araw na paglipad ang ginugol namin mula sa Swadia patungo rito sa Redthiem. Narating namin ang lupain ng Hardinem at nakatagpo ng isang bayan na may mga naninirahang– mga Minotaur 'ata tawag sa kanila, itsurang tao pero may buhok at paa na kagaya ng sa toro at sungay sa kanilang ulo. Madali naman silang pakisamahan, nakakausapng maayos at nakakaintindi.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon