CHAPTER 71: Familiar Aura Bonded by the Soul

188 26 7
                                    


Kael's POV

"Pati ikaw, 'di kita kilala pero nang mahawakan kita may pakiramdam akong may matibay tayong koneksyon. Ramdam ko sa awra mo, nagkita na ba tayo?" Tanong ko sa dalagang biglaan kong nakuha sa tubig.

May hitsura naman s'ya kung titingnan. Makinis, maputi, preskong tingnan, parang pusang bahay lang na hindi nadudumihan at kada minuto linis lang nang linis. Mukha siyang mamahaling tao… 'yung tipong sa isang kwarto, kung ilalarawan ay nakapaligid sa kanya ang mga salapi at ginto.

Gano'n pa man tungkol sa mga inaasal n'ya, may pagkamaldita ang taong 'to. Pakiramdam ko kung makakasama ko 'to sa isang lugar nang kaming dalawa lang, 'di na ako magaatubiling iwanan 'to.

'Di naman sa mapanghusga ako. Gusto ko lang s'ya ilarawan. Tingin ko… tingin ko lang naman… walang lalaki ang kayang tumagal sa kanya. Kung may lalaki mang nakakagusto dito panigurado silaw 'yun sa pera… hehe.

"Ha koneksyon?" Pagtataka niya.

Okay sige Kael, pakitang tao muna tayo para 'di ka muna niya husgahan. Balik! Sa pagiging seryoso. Whoo… 'ge.

"Ano… 'di ko din alam eh." Tugon ko sa kanya habang napapakamot ako sa'king ulo. Syempre kasama lang 'to pagpapakita ko ng matino kong asal.

Pero sa katunayan may iba akong naramdaman nang makapitan ko s'ya kanina. Para bang konektado kami sa isa't isa na 'di ko naman alam ang dahilan o kung pa'no ko ba ipapaliwanag. Magkapatid, magkamaganak o kung ano man, kadugo ko ba s'ya? Pero sino ba 'tong taong 'to..?

Hm…

"Hay… 'di bale na. Kael, hindi ba? Tulungan mo 'ko makaahon, marami akong itatanong sa 'yo." Kumpiyansado niyang sambit sa'kin nang may halong pangmamataas na tono.

"Oo sige."

Kaagad akong kumilos upang iahon siya. Iniabot ko ang kanan kong kamay upang kapitan niya sabay lakas puwersa ko siyang inahon sa tubig. Magaan lang naman siya siguro dahil na rin sa katangian niya at mga pagkaing kanyang kinakain.

Matapos niyang makaahon, basa nang lubusan ang kanyang kasuotan habang nagtutulo pa ang tubig sa kanyang bestida at buhok pati… doon ko nakikita ang kanyang hugis. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya at bilang pagrespeto iniwas ko nalang ang aking tingin.

"Pangalan?! Anong kalse ang job mo, affinity at taga sa'n ka?!" Sunod-sunod kong tanong.

"Interesado ka? Ba't 'di mo nalang tingnan gamit ang appraisal skill mo at basahin stat ko." Sagot niya sa'kin.

"H-hindi pwede."

"Ahh alam ko na! Hindi mo 'ko kayang titigan, hindi ba? Dahil sa itsura ko ngayon? Napakainosente mo naman. Hula ko wala ka pang nagugustuhan o 'di kaya'y 'di mo pa nararanasan magkaroon ng kasintahan 'no?." Aniya na para bang nangaasar.

H-hindi naman, pero ano kasi– Hay… sa posisyon ko napaka-awkward at nakakahiya.

"Maiba tayo. Kaibigan ka ni Lass, hindi ba?" Tanong niya.

Ha?! Lass?!

Bigla akong napatingin at nagtaka sa binanggit n'ya, 'yung tipong bilang na salita lang ang marinig mo ay pupukawin ka na ng atensyon at maging interesado.

"Ano!" Gulat kong sambit matapos kong marinig ang pangalan ng matalik kong kaibigan. Paanong kilala niya ito! "Umm… oo kaibigan ko siya, pero 'di lang basta kaibigan. Higit pa ro'n." Sambit ko sa mababang tono.

"Oh! Gano'n ba?" Aniya. "Heildygard Amberleen, prinsesa ng Clysetin at… matalik na kaibigan din Lass. Masaya along makilala ka, Kael…" Pagpapakilala niya sa'kin. "Hindi ka ba luluhod bilang pagbibigay galang sa isang maharlika?"

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon