CHAPTER 1: The Awakening

3.7K 257 3
                                    

Castean Continent, Hills of Nightmare

"Dilim naman dito." Mahina kong tanong

"Anak, gising!" Utos sa'kin ng isang lalaking hindi ko kilala

"Asan ako?" tanong ko sa lalaking gumising sakin mula sa pagkakahiga dito sa isang bato. Bato? Wait, sino ba 'to?

"Aray." Dahil sa sakit ng katawan na nararamdam ko napadaing ako sa sarili habang bumabangon mula sa pagkakahiga. Grabe ano ba nangyari sa 'kin bakit wala akong maalala o malaman sa nangyayari.

Sinimulan ko ang pagmamasid sa paligid at nandito ako sa isang napakataas na bundok, at kabundukan lang din ang natatanaw sa ibaba.

Napakadilim ng paligid, napapaligiran ng mga tipak ng bato at mga punong kahoy na tuyo at wala ng dahon. May mga ingay na di ko mawari kung ano ito, para bang ingay ng mga hayop at mga taong sumisigaw ng kanilang galit dahilan upang gumawa ng nakakatakot na tunog. Kung pagmamasdan ang kalangitan ibang iba sa karanaiwang nakikita, ito'y kulay pula at may mga itim na ulap na humahalo sa nagdudugong kalangitan.

Tanging ako at ang lalaking kausap ko na nakasuot ng kulay pulang robe ang nakikita ko lamang na naririto sa lugar.

"Sandali sino ka ba? Ano bang nangyayari? Asan ako?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya

"Kael, anak! Umalis ka na. Baybayin mo lang ang kwebang iyon at tumungo sa kabayanan, sa susunod nating pagkikita ipapaliwanag ko ang lahat sayo. Kaya anak pakiusap tumakas ka na" wika ng lalaking kausap ko.

Agad kong sinunod ang utos niya at umalis papalayo sa kanya dala dala ang isang maliit na bag.

Ilang minuto pa'y nagbago ang anyo ng taong tumatawag sakin ng anak. Mula sa normal nitong pustura, nagbago ito at naging kalansay. Ang bungo nito ay kulay pulang nagaapoy at ang kanyang katawan ay binabalot ng purple aura.

Hawak niya ang isang malaking scythe na may purple aura sa kanyang kamay, itinaas niya ito at malakas na inihampas sa lupa na siyang dahilan upang makabuo ng isang barrier sa kanyang paligid at masalag niya ang mga flame shots na ibinabato sa kanya.

"A-ama" bulong ko at mabilis na tumakbo patungo sa loob ng kweba nang may takot, pagaalala at lungkot.

"Ama?"

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon