CHAPTER 29: Sawada Tribe

464 53 2
                                    

Kael's POV

Swadia Continent, Dyfyr Kingdom, Training Ground.

"Kye ano ba 'to?! Ba't kailangan natin magtipon-tipon dito sa labas?" Malakas kong sambit as kanya na nasa kalayuuan at naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko habang kasama sina Eurie, Vella at Nathalia.

Madaling araw pa lang at sobrang dilim pa ng kalangitan, kung tutuusin may hamog pa nga sa paligid, pero hindi naman gano'n kakapal dito sa pwesto ko kumpara sa mga nakikita ko sa kabundukan. Kahit papaano naaaninag ko pa rin ang mga bagay dito sa tabi ko at sa paligid ng training ground maging ang mga taong lumalapit sa'kin. Siguro dahil na rin kaya manipis ang hamog dito ay naiiwang nakasindi ang mga fire torch na nakadikit sa pader ng kaharian, hangga't nagdudulot ito ng init hindi masyado kumakapal ang hamog.

Nagtataka lang ako anong meron? Bakit kailangan namin pumunta dito sa training ground? 'Wag lang talaga niyang sasabihin na may training kami sa mga oras na 'to, dali man sa'kin 'yang lalaking 'yan. Wala pa akong masyadong tulog magmula kanina, hindi lang pala basta kanina, ilang gabi na rin.

'Di ko din alam kung bakit inutusan pa niya ako na dalhin dito si Scub, napapaisip din tuloy ako kung aalis ba kami at may dapat na puntahan kung sakasakali, pero ewan! Training o Adventure, bahala na.

"Bilisan n'yo na! Nilalamig na 'ko dito!" Malakas kong sigaw. Hay… ang tagal talaga. Gustuhin ko man magtago sa likod ng mga pakpak ni Scub para makasagap man lang ng konting init, eh kaso malapit na sila, mabibitin lang ako kung gagawin ko pa.

Kagaya ng nasabi ko… "Ana hina mo naman, kalalaki mo pa namang tao simpleng lamig lang 'di mo malabanan." Wika ni Kye matapos makalapit sa'kin o sa'min na din isama ko na sina Scub pati si Maria. Paki ba niya kung ganito ako umasal, sa nilalamig ako ngayon sa estado ko.

"Eto suotin mo nang hindi ka lamigin." Sambit niya habang ibinibigay ang isang kulay itim na tela na nasa maayos na pagkakatiklop.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Ano ba ang isinusuot para malabanan ang lamig?" Aniya. Yung totoo may saltik ba 'to si Kye, tatanongin ko tapos isasagot niya tanong din, kaasar. "Kunin mo yung isang robe, yung nasa ibabaw, sa'yo na 'yan." Dagdag niya.

"Itim? Wala bang ibang kulay? Hanggang ito ba naman kulay itim? Yung damit ko, pantalon ko pati buhok ko kulay itim, mata ko nalang talaga ang naiiba ng kulay. Hindi kaya magmukha na akong anino nito." Sambit ko.

"Bahala ka kung ayaw mo isuot, basta kaming apat magsusuot kami ng robe." Ani Kye. "Arte mo talaga."

Ano pa ba magagawa ko. Mahinang napatawa ang tatlong bababeng ito na nasa likod ni Kye. Napansin ko din nakasuot sila ng robe, kulay berde ang kay Eurie, Asul kay Nathalia at brown ang kay Vella. Iisa lang din ang tabas ng mga ito, nagkakaiba lang sa kulay. Oo na, sige na, magsusuot na 'ko ng robe, kahit magmukha akong anino sa halos kulay itim kong suot.

Kinuha ko din ang telang tinutukoy ni Kye na dapat kong isuot saka ibinuka ito at inilagay na sa'king katawan, mismo sa'king likod.

"Oh diba? Bagay sa'yo, mukha kang kanang kamay ng mga demon Lords." Pangiinsulto ni Kye.

"Tsk."

"Ano ba ang gagawin natin dito?" Seryoso kong tanong.

"Basta malalaman n'yo, 'pag nakapunta na tayo sa Sawada Tribe. Aalis tayo para sa unang misyon natin." Sagot niya. Huh? Sawada Tribe? Ano naman 'yon? Pero gayon pa man, may tumama sa mga hula ko, aalis kami. Maganda, ayos 'to sa'kin.

"Ibig sabihin ba nito, maari makakapamasyal tayo sa gubat nila at magtampisaw sa Ivern Lake. Napakasaya naman nito!" Masayang sambit no Eurie. 'Wag n'yong sabihin na mamasyal lang tayo o magbabakasyon sa sinasabi n'yong tribo. Pero kung 'yon lang naman, sige pabor sa'kin.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon