CHAPTER 66: Beast

151 22 2
                                    

Kael's POV

"Wala akong kasalanan, wala akong ginagawa." Sambit ko kay Kye habang nagaalangan at nagaalala sa nangyari. Sama ng tinggin niya sa'kin na parang ako 'yong sangkot sa trahedyang 'to.

"Anong nangyari…" Mahina at bigong tonong tanong sa'kin ni Kye kasabay ng pagtungo n'ya. Hindi ko alam kung galit ba siya sa'kin dahil nabigo ko siya o hindi niya rin inaasahan 'tong mangyayari.
Kasi kahit ako hindi ko alam kung bakit sinadyang saktan ni Eurie ang sarili niya. Kanina lang, bigla akong nagtaka at napaisip dahil kinuha niya mula sa'king kamay ang aking dagger at sobra akong nagulat nang isaksak niya ito sa kanyang dibdib. Hanggang sa matigilan ako at mapasigaw na lang sa pangyayaring hindi ko maintindihan.

Ni-hindi ko nga alam kung sa'n niya 'yon gagamitin, akala ko sa isang importanteng bagay lang kaya napaubaya ko sa kanya. Nabalangko lang ang isip ko at natulig ako kanina. Kilala ko naman si Eurie, hindi naman kasi halata sa personalidad niya na magagawa niyang ipahamak sarili niyang buhay.

Wala akong nagawa no'ng oras na 'yon. Hindi ko man lang siya napigilan dahil sa kapabayaan ko, kung alam ko lang… Kung may batak lang akong pisikal na lakas siguro mabilis kong natanggal si Maria sa pagkakaibabaw niya sa'kin at may nagawa ako… napigilan ko sana s'ya.

May mali rin pala ako rito…

Hanggang ngayon may dugo pa rin ni Eurie sa'king pisngi habang nanakit ito gawa nung sugat din kanina mula sa talim ng palaso na dumaplis sa'kin.

Hm?

"Paliwanag mo Kael…" Sambit ni Kye, gano'n pa rin sa dating tono ng kaniyang pananalita kanina. Agad siyang tumayo at tinulungan niya akong makaalis mula sa pagkakadagaan ni Maria sa'kin.

"Uyy salamat."

Ilang saglit pa'y, kinapitan niya aking kuwelyo at pilit akong itinaas upang makatayo. Masama kutob ko rito…

Matapos niya akong maiangat ay bigla niya akong binigwasan ng malakas sa mukha at naramdaman ko ang pagsugat nito sa'king bibig. May nalasahan akong dugo at amoy ko sa'king sarili ang lansa nito. Sakit pa sa panga, iba talaga lakas ng suntok niya kumpara sa iba.

Tumumba ako at nawalan ng balanse. Napahawak ako sa aking labi at may naramdaman akong tumutulo rito na masisigurado kong dugo. Masakit, pero sa katunayan kanina pa naman talaga masakit mukha ko.

Hindi pa ako nakakabawi sa aking pagbagon ay muling hinawakan ni Kye ang aking kuwelyo at itinaas upang makaharap ako sa kanya. Naglapit ang aming mukha at bakas sa mukha niya ang galit at panggigil.

"Bakit wala ka man lang ginawa! Hanggang ngayon ba't 'di mo pa tulungan sina Eurie at Nathalia! Sana gumawa ka rin naman ng paraan!" Gigil na saad sa'kin ni Kye. A-ano kasi…

Nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi at pinakinggan ko. "Ang lakas mo pa Kael! Hindi ka man lang gumawa ng paraan para sa kanila. Ano ba sa tingin mo gampanin mo, umastang prinsepe lang dito?! Ikaw lang magiging maayos?! Gano'n ba?!"

"Kritikal na ang lagay ng dalawa nating kasama Kael! Tapos makikita ko, hindi ka man lang gumagawa ng mabilisang aksyon. Ba't 'di mo man lang pinigilan si Eurie, tapos gamit mo pa ang papatay sa kanya! Umaayos ka nga! Alam mo parang wala ka namang silbi…"

Naiintindihan ko ang panggigili at galit niya sa'kin pero… bakit ako pa parang nasisi sa lahat, wala akong ginagawang mali. Apektado din naman ako rito ah.

"…may rason naman kung bakit pumasok ka ng Divine Blade Alliance, 'di ba? Alam mo 'yung mga possibleng mangyari dito? Alam mo… 'yung sinabi ko at napagkasunduan ng squad natin dati na protektahan ang bawat isa."

"Hindi ako pumasok dito ng kusa, pinilit lang ako." Mahina kong sagot sa kanya. Binitawan n'ya ako dahil sa pagkadismaya at pagalit niya akong minura.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon