CHAPTER 57: Playtime went Wrong

138 28 1
                                    

Kael's POV

Redthiem Continent, Alea-Hardinem Boundary

"Haa~ Haa~" Magkasabay at malakas naming hingal ni Kye matapos malagpasan naming lima ang napakainit na disyertong 'yon.

Dali-dali na kaming tumakbo sa lilom para lang makaalis sa napakainit na singaw ng lupaing iyon. Agad akong humiga sa lupa at hinubad ang suot kong coat na nakaiibabaw sa kabuan kong kasuotan para lang makasingaw ang aking katawan at lumabas ang aking mga pawis.

"Hoy hintayin n'yo kami d'yan!" Rinig kong masayang sigaw ni Eurie mula sa malayo. Naglalakad pa rin sila sa kadahilanang pinili na naming mauna ni Kye sa paglalakad.

Bwisit na mga babaeng 'yon, konting minuto lang kami pinatabi kay Nathalia, saglit lang tuloy namin naramdaman ang ginhawa sa disyerto.

Mula kanina buhat-buhat ako ni Kye sa kanyang likod, pinili ko nalang bumitaw sa kanya at malakad nalang ng solo, ayaw ni Maria magpasakay kaya wala na akong naisip na paraan. Naisip ko mas mapapadali naman para sa'min kung malaya kaming makakakilos, maalwan gumalaw at walang sagabal sa pagkibo. Isa pa may narecover naman na akong mana, sapat na 'yon para magawa kong makalakad.

Gano'n pa man, si Kye ay hingal din kagaya ko at naghahabol ng hininga dahil sa pagod. Hindi siya humiga o umupo para magpahinga, bagkus, humarap lang siya sa isang malapad na bato habang ang dalawa niyang kamay ay nakatuon do'n. Nakatungo habang tumutulo ang kanyang pawis.

Napapaligiran kami ng nagtataasan at naglalakihang tumpok ng mga bato. Walang makikitang halaman rito pero malamig naman ang singaw. Kulay itim ang mga bato at mukhang magaspang kung hahawakan. Isa pa, buong-buo at sulido ang straktura ng mga ito.

Habang nagpapahinga, ramdam ko ang paghimod ni Maria sa aking pawis sa braso ko. "Pshhh! 'Wag!" Pambubugaw ko sa kanya, grabe 'di ba s'ya nandidiri.

Si Scub naman, abala sa pagiigay sa himpapawid gamit ang maliit niyang boses at tunog ibon ito kung maririnig. Paikot-ikot pero mababa lang naman ang lipad niya.

Napapikit nalang ako dahil sa medyo preskong pakiramdam.

"Ahh… sarap sa pakiramdam na medyo nakakahinga ka na." Bulong ko sa'king sarili.

"Hay… salamat, medyo napagod ako ro'n ah." Masiglang wika ni Eurie na parang hindi nauubusan ng enerhiya. 'Di ata nakakaramdam ng pagod o hingal 'to, paino-inosente lang at laging nakangiti. Kung sabagay, may dala-dala naman silang pampapresko habang naglalakad kanina.

"Kael, Kye gusto n'yong tubig?" Alok niya sa amin habang inihahanda ang isang boteng may lamang tubig at ilang baso na dala-dala niya mula sa kanyang basket.

Kami nalang ang nagdala ng iba naming materyales na kayang bitbitin, tulad ng pagkain at inumin. Umunti naman na ang mga ito dahil ilang araw na rin naman kami sa Hardinem, yung ilan sa mga dala naming prutas at isda, nabulok at hindi na napakinabanggan, kaya nawalan ng karga si Scub.

Ang iba na pwede pa ay hinati-hati namin para personal naming dalahin. 'Yung sa'king tubig ubos na, kaya nanunuyo na ang lalamunan ko at wala na akong mainom.

Bumangon ako at tinugon ang inaalok ni Eurie. Pero sa katunayan kanina lang naman sila nagdamot sa pampalamig, galante at mapagbigay naman 'yang tatlong 'yan, si Vella, Eurie at Nathalia, hindi sila makasarili.

Inabot sa'kin ni Eurie ang isang basong tubig saka ko ito ininom at ang isa pa ay ibinigay niya kay Kyelid. Kyelid, oo nga 'no? Mas maganda siguro kung 'yung buong pangalan ang itawag ko sa kanya, pero 'wag na baka magalit alam kong nakukulitan na 'to sa'kin.

"Salamat Eurie." Sambit ko matapos niyang makabalik. Ngumiti siya na alam mong totoo. Ganda makita.

Napansin kong ibinaba ni Vella ang kanyang sumbrero at doon ko nakita kung gaano kapresko ng kanyang mukha. Parang 'di nagpawis… At si Nathalia… tahimik lang, pero walang pawis.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon