CHAPTER 8: Boss Fight

925 101 0
                                    

Kael's POV

"Ahhhhhh..." Nananatili ang pagiyak ng sinasabi ni Eurie na Reyna. Matapos naming magpakawala ng massive destruction at paslangin ang ang ibang monsters bumalot ang nakakakilabot na ingay sa buong kagubatan.

"Ano bang ginagawa nyo? Baliw ba talaga kayo?" Galit na saad ni Eurie. "Humanda na kayo na ang Dark Fairy Queen" dugtong nito.

"D-dark f-fairy que-"

"Whaaaa!" Sigaw ni Lass bago ko PA man sabihin ang pangalan ng kalaban.

Mabilis na nadampot si Lass ng sinasabing 'Fairy Queen', wala pang limang segundo. Sa sobrang bilis hindi ko na namalayan at nakita ang pagdating niya. Tama, mapanganib nga ang lugar na 'to.

"K-Kael" mahinang tawag ni Lass. "LASS!"

Nasilayan ko kung paano siya pinapatay ng kalaban, habang ako, walang magawa dahil nilalamon ako ng takot. Kagat siya ng Dark fairy queen sa kanyang leeg at hindi din ito makalaban, nakikita ko ang kanyang berdeng mata na mapungay at may konting luha sa paligid nito.

------------------------------------------------------

Name: Lucia ‹Lv. 56›
Gender: Female
HP: 9850 / 9850
Race: Fairy
Title: The Dark Fairy Queen
Affinity: [Shadow]

------------------------------------------------------

Itsura palang ng kalaban mukhang mahirap ng patumbahin. Doble ang laki nito kumpara sa tao, may apat na pakpak na kulay itim habang may kulay asul na kasuotan. Itim din ang mga mata nito at nababalot ng kulay lilang aura ang kanyang kabuuan.

<Nature's Arrow>

Tumama ang maliwanag na kulay berdeng arrow sa kalaban dahilan para ibagsak sa lupa ang katawan ni Lass.

"Lass!"

Tumakbo ako ng mabilis patungo sa pinagbagsakan niya upang tingnan ang kanyang kalagayan. Abala sa pakikipagdigma sina Maria at Scub, p-pati si Eurie? Mamaya ko na sila tutulongan, mas mahalaga kaligtasan ni Lass.

"T-tol gising! Pakiusap gumising ka Lass." Pagmamakaawa ko habang hawak-hawak ang kanyang katawan na nakahandusay sa lupa. Napatungo ako at 'di ko mabigilang maluha sa sinapit ng kaibigan ko.

------------------------------------------------------

Name: Lass Davenport

Age: 16

Gender: Male

Race: Human

HP: - / -

MP: - / -

Affinity: [Lightning]

------------------------------------------------------

Natigilan ako matapos makita ang status niya. Tila tumigil ang oras at ang mundo at para bang nawalan ako ng pakialam sa paligid. H-hindi, hindi maari. "Hindi ka pa patay Lass, hindi pa patay ang kaibigan ko" mahina kong sambit. Natulala ako sa nangyari, wala na akong iniisip kundi ang pagkawala niya.

"Kael! Uupo ka nalang ba lupa? Wala ka bang gagawin para sa kaibigan mo?!" Galit na wika ng isang babae. Ano nga ba gagawin ko sa kanya?

"Kael gumising ka!" Dugtong niya habang naramdaman kong nakahawak ang kanyang kamay sa'king balikat "Mamatay tayong lahat kung wala kang gagawin"

Tila ba'y nabuhayan ako at nagising sa kanyang sinabi. Nagkaroon ako ng lakas ng loob para gawin ang kailangan ko.

Hindi, wala na dapat pang mamatay, wala nang mawawala. Tama, kailangan kong kumilos para maipaghiganti si Lass. Humarap ako kay Eurie habang tumatango ito at bahagyang pinupunasan ang luha ko sa mata ko. "Gawin natin 'to para sa kabutihan ng lahat" mahinahon niyang saad.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon