CHAPTER 17: Team up

728 77 0
                                    

Kael's POV

"Alam mo Kael, napagdesisyonan ko na ilagay ka sa elite rank kahit novice ka palang sa guild na 'to." Ani Lukas. Hawak niya ang isang libro na kanyang binabasa habang nakaupo at nakapatong ang dalawa niyang paa sa lamesa.

"..."

Kasalukuyang nasa Recruitment Hall pa ako habang hinihintay dumating ang sinasabing squad members ko. Nakaupo ako sa isang silya habang nilalaro-laro si Scub sa'king kaliwang kamay. Habang nasa sahig si Maria at nililinis ang kanyang sarili.

Medyo malayo ako ng konti sa kanya, siguro mga dalawang dipa lang paggitan naming dalawa. Medyo matagal-tagal narin akong nagiintay sa kanila, nakakabagot pero nasasabik din akong makilala sila. Ang weirdo ko. Hindi ko talaga inaasahan na may makikilala na naman akong tao.

"Magandang umaga, Prince Lukas." Bati ng isang babae sa matamlay na boses. Tiningnan ko siya mula sa daanan papasok at pinagmasdan ang kanyang postura. Binasa ko na rin ang stat niya upang malaman ang pangalan niya. Marahil isa din siya sa mga nirecruit ni Lukas.

------------------------------------------------------

Name: Nathalia Evard ‹Lv. 48›

Gender: Female

Age: 17

Job: Alchemist

Race: Human

HP: 6900 / 6900

MP: 6455 / 6455

Affinity: [Frost]

------------------------------------------------------

Kulay itim ang kanyang buhok, mahaba, tuwid at may bangs. Mukha siyang matalino dahil na din sa salamin niyang suot. Matangkad pero medyo baduy manamit. Nakasuot siya ng kulay puting long sleeves na polo at maikling palda na kulay blue at may stripes na design. May dala-dala din siyang libro na yakap niya, hindi ko alam kung para san yun pero kung titingnan, mukhang may kalakihan ang kanyang dibdib. Nakasuot siya ng puting sapatos at mahabang medyas.

"Binibining Nathalia, ikinagagalak ko ang iyong pagdating. Maari ka ng maupo kung saan mo naisin." Ani Lukas. Mukha siyang weirdo, pero subukan kong kausapin siya mamaya.

Tumango ito ng bahagya at nagtungo sa upuan kung saan malayo sa'kin. Parating sersoyo ang kanyang mukha at masyadong tahimik. Mahiyain siguro siya, pero di bale na, nirerespeto ko ang kanyang personalidad.

"Parating pa yung tatlo n'yong kasama, hintay-hintayin niyo nalang." Sambit ni Lukas. Ibig sabihin lima kami sa squad na 'to.

Nanatiling tahimik at walang imikan kaming tatlo dito sa loob, tanging si Lukas lang ang bumubuka ang bibig upang magsalita. Hindi ko rin maintindihan ang nagyayari sa'kin ngayon, may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko maintindihan, ano ba 'to?

"Hay… bakit may halong kaba at excitement akong nararamdaman." Sambit ko sa utak ko hanggang sa mapakamot ako ng ulo.

"Hahahaha…" narinig kong tawa ng isang babae na may mahinhin at matamis na tunog. Pamilyar ang boses na 'to…

"Kamusta." Sambit ng babae na nakasuot ng kulay berdeng bestida mula sa daanan papasok. Hindi ako nagkakamali si Eurie ito. Nanlaki ang mata ko at nagulat ng muli siyang makita. Dalawang taon na ang nakakalipas nang huli ko siyang nakasama, at ngayon…

"Kamusta Kael, tagal nating hindi nagkita." Nakangiti niyang saad habang naglalakad papalapit sa'kin.

-----------------------------------------------------------------

Name: Eurdicel Eastwood ‹Lv. 54›

Gender: Female

Age: 17

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon