CHAPTER 27.1: Kids versus The Prince

509 59 0
                                    

Kael's POV

Swadia Continent, Dyfyr Kingdom Palace.

"Kael! Kael! Gising… tumayo ka na d'yan bilisan mo!"

"Ahh… anong meron Kye..? Bakit ba? natutulog pa 'ko." Bagot na sambit ko sa kanya.

"Bahala ka! 'Wag mo akong sisisihin mamaya." Dinig kong wika ni Kye.

"Oo na… bakit ba?"

Iminulat ko ang aking mga mata at bumagon mula sa aking hinihigaan. Nasa Dyfyr na kami at dito na natulog sa isang silid kung saan kami lang dalawa ni Kye ang magkasama. Ang sabi niya sa'kin kagabi, kwarto daw namin talaga ito at nakahanda para sa mga kasapi ng Divine Blade Alliance.

Hindi ako nakatulog kagabi sa Pharaogohous Island kaya puyat na naman ako ngayong araw hindi kagaya ni Kye na kahit papaano may naipong enerhiya at nakatulog ng ilang oras sa isla samantalang ako, nakatulog lang mula nang nakabalik dito kaya sa palagay ko wala pang dalawang oras ako nakakatulog.

"Bumangon ka na!" Malakas na utos ni Kye. Anong ba ang problema nito? 'Di ko maintindihan ang nangyayari, kainis naman inaantok pa 'ko.

Sinunod ko ang ipinaguutos niya at tumayo sa kinahihigaan ko.

*TOG!*

Bumukas ang aming pinto at agad na pumasok dito ang limang armadong kawal. "Nandito na sila." Dinig kong bulong ni Kye.

"Hm?"

"Sandali lang, kusa akong pupunta kay Lukas, magpapaliwanag ako sa kanya." Malakas na sambit ni Kye sa mga kawal na biglang pumasok sa aming kwarto at sumipa na ng pinto nito. Teka lang bakit may kawal dito? Anong ibig sabihin nito!

Agad nila kaming dinakip maging sina Scub at Maria. Mahigpit nilang kinapitan ang batok namin Kye saka itinulak palabas ng kwarto. Hindi ko din alam kung paano nila nagawang hulihin nang basta si Maria at itali sa kadena at ikulong si Scub sa maliit na bote. Kaasar namang umaga 'to, kagigising ko lang dadakipin agad kami ng mga pangit na kawal.

"Kye! Ano ba 'to? Bakit ba nila tayo hinuhuli?" Malakas kong tanong sa kanya.

"Basta, 'wag ka nalang manlaban!" Aniya.

"Pero–"

"Commander mo 'ko, kaya sundin mo nalang!" Seryoso at galit niyang saad. Huh? Anong nangyari sa kanya. Natigilan ako matapos marinig ang kanyang sinabi, sa palagay ko hindi biro itong nangyayari sa'min. Siguro nga sundin ko na lamang siya.

"..."

Ginawa ko ang sinabi niya, hindi ako nanlaban. At dahil hindi ko pinapatulan ang mga kawal na may hawak sa'min, hindi rin nanlalaban si Maria bukod sa wala akong inuutos sa kanya. Kung kaya't walang ano mang gulo ang nagaganap habang hawak kami.

Nagpadala lang kami sa lakas ng mga taong tumutulak sa'min papunta kung saan man nila kami dadalhin. Hanggang ngayon hindi ko maunawaan ang sitwasyon ko, ewan nalang kung saan ba talaga magtatapos itong pagdakip nila sa'min. Para akong isang dahon na nagpapalutang-lutang sa dagat at nagpapadala sa alon at naghihintay lang kung saan mapapadpad...

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at ang pagkapit nila sa aming batok. Kahit medyo masakit na ang ginagawa nila at nakakangalay na itong pagtungo naming dalawa ni Kye, sumunod lang kami at hindi nanlaban kagaya ng utos niya, hindi na rin kami nagreklamo baka kung ano pa ang matinding gawin ng mga ito sa amin.

-

Swadia Continent, Dyfyr Kingdom, Training Ground.

*PLAKKK*

Matapos ang ilang minutong na paglalakad, narating namin ang malawak na training ground ng kaharian na kung saan dinala kami at itinulak sa lupa sa harap ng maraming tao.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon