CHAPTER 60.2: Rhythm of Nightmare

120 28 4
                                    

Kael's POV

"Binabangungot ka." Ani Eurie.

Ngayon ko lang napagtanto na basang-basa ako ng pawis at naghahabol hininga sa nangyayari ngayon. Inalalayan ako ni Kye na makabangon, saka inabutan ng isang basong tubig, tinanggap ko ito at nagpasalamat.

"Panaginip lang pala." Mahina kong sambit. Medyo nakahinga ako ng maluwag matapos kong malaman na hindi totoo na nakita ko si Lass at ng nangyari sa'kin.

Paano pala kung totoo na 'yon. Pinakalma ko ang sarili ko habang ginugulo-gulo ko ang aking buhok at nagninilay sa tungkol sa napanaginipan ko. Iniisip ko ang bawat detalye ng sitwasyon do'n, subalot hindi ko masyadong mapunto ang ibig sabihin bawat pangyayari.

"Kanina ka pa binabangungot, nagising nalang kami bigla dahil umiimik ka magisa habang tulog. Kinabahan pa kami dahil hindi namin alam kung ano ang gagawin. Tumatangos ka at may binabanggit kang pangalan." Taimtim na hayag ni Kye.

"Lass, 'yon ang pangalang binabangit mo, yung matalik mong kaibigan. Nagpakita ba siya sa panaginip mo?" Tanong sa akin ni Eurie.

Tumango ako upang tumugon ng oo sa tanong niya. Uminom ako ng tubig saka huminga ng malalim at sinimulang magbahagi ng kwento ng sa kanila. Baka sakaling may alam rin sila na makakatulong para rito.

"Yung lugar sa panaginip ko, parang madalas ko na 'tong nakikita t'wing natutulog. Hindi ko maintindihan kung bakit nakikita ko ang paraisong ni minsan hindi ko man lang napupuntahan…"

"…Gusto ko talaga ng paliwanag sa nangyayari at sa napapanaginipan ko. Pati sa kaibigan ko, nagaalala ako sa kanya. Matapos kong magising pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanya, hindi s'ya yung nakasalamuha ko sa panaginip…" Pagpapatuloy ko sa pagkekwento.

"Kael."

"…parang may sinasabi siya sa'kin na babala." Bigla akong napatigil sa aking binibigkas ng maalala ko saan 'yong lugar na 'yon. Base sa nakaraan kong panginip, isang napakandang nilalang ang nakasama ko noon at 'yon din ang mismong pinangyarihan ng lugar.

"May naalala ako! Dati, isang anghel na lumapit sa'kin. Napakaganda niya at pamilyar parati ang kanyang itsura dahil nakikita ko na siya sa mga rebulto. Alam ko na kung saan ang lugar, sa Arthinem…"

"Kael, huminahon ka muna." Ani Kye habang maingat niyang hinahawakan ang aking balikat at pilit akong pinapakalma.

"Kailangan ko pumunta sa Arthinem, baka nando'n kaibigan ko. Baka don ko rin mahanap kasagutan sa tanong ko. Tutal malapit nalang naman tayo sa dapat kong puntahan–" Putol kong saad matapos mairita ni Kye sa mga sinasabi ko.

"Kael! Makinig ka muna!" Malakas na bulyaw ni Kye sa harap ko na may maladiyablong boses. Mahigpit niyang hinahawakan ang aking leeg na parang nanggigil kung kaya't nagtaka ako sa kanya.

Kye, anong problema mo? Napatulala ako sa kanya at nagawa kong titigan ang kanyang mapanlisik na mga mata. Hindi ko magawang ikibo ang aking katawan, maging ang aking binti at braso.

Sinasakal niya ako habang sina Eurie, Vella at Nathalia ay patuloy sa pagtawa habang ginagawa 'to sa'kin ni Kye. Mga wala silang pakialam sa'kin. 'Di ko alam kung bakit gustong-gusto nila sa'kin gawin 'to. Isa pa, nakakaramdam ako ng takot sa kanila.

Kye? Akala ko gusto mo akong maging kaibigan, gusto ko pa naman ikaw dahil nakikita ko sa'yo si Lass.

Sa'yo Eurie… parating magaan ang loob ko sa'yo, lagi kitang nakikitang inosente at masaya. Kaya pati ako, gusto parati ikaw sabayan sa kahit anong bagay.

Vella, nais ko pa namang tumayong kuya sa'yo. At sa'yo Nathalia, alam kong bago-bago lang tayong nagkakilala pero sa'yo ko naintindihan na may iba-iba tayong lakas.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon