CHAPTER 55.2: Seperate

140 30 4
                                    

16-year old Lass: Flashback memories…

Lass' POV

Yeriah Continent, Forest of Illusion.

"Wirdo talaga nung nangyari sa'tin kanina, wala akong malay nung binubugbog mo 'ko, parang wala tayo sa sarili." Sambit ni Kael habang matiyagang nangongolekta ng mga sangang ipanggagatong namin mamaya sa panggagawa ng apoy at gano'n din ako.

Ginabi na kami sa misteryosong gubat na 'to. Base sa mga kwento bibihira ang mga taong nakakalabas dito ng buhay at sinasabing ang forest of illusion daw ay pinamamahayan ng mga engkanto o iba pang misteryosong nilalang. Makikita, kung mananatili kami rito.

Pero kung iisipin mukhang wala naman kaming dapat ikatakot. Magandang tingnan ang paligid, puro alitaptap at maging ang mga dahon sa puno at baging ay nagliliwanag ng kulay asul at lila.

Liban sa usapan naming dalawa. Kuliglig sa gubat at kaluskos ng mga natatapakan naming dahon at sanga ng kahoy ang tanging naririnig dito sa gubat, walang nakakatakot na tunog o hagulhol ng ibang nilalang.

Malawak ang gubat na 'to pero kami lang ang nandito, ako, si Kael at yung dalawa n'yang alaga. Hindi masukal, hindi mapanganib kaya ako'y nagtataka kung totoo ba talaga ang kwento rito.

Pero habang naglalakad 'di na napigilan ng lalaking 'to magbigay ng walang kwentang tanong.

"Marunong ka umakyat sa puno?" Tanong sa'kin ni Kael.

"Oo, kaya ko naman." Sagot ko.

"Ako kasi hindi, alam ko unggoy lang magaling umakyat pati pala ikaw."

Kumunot ang aking noo saka tumugon sa kanyang sinabi. "Korni mo. Wala akong sinabi na magaling umakyat, sinabi ko lang na marunong ako." Ni 'di man lang ako natawa.

"Gano'n na rin 'yon, wala namang pinagkaiba ikaw sa unggoy."

"Sana lahat may pake at nakakaunawa sa sinasabi mo."

Habang dala-dala ko ang mga pinulot kong sanga gamit ang dalawa kong braso. Siraulong nilagay ni Kael lahat ng mga pinulot niya kasama ng mga dala ko dahilan upang bumigat ang aking bitbit.

Tumawa siya na para bang nakikipaglaro. May pagkabaliw talaga 'to.

Medyo isip bata si Kael, may pagkakulit kahit napakakorni ng mga sinasabi niya, pero masaya naman kasama…

-

Ito 'yung huling gabi na kasama ko siya, wala akong maalalang dahilan kung bakit niya ako iniwan noong umaga bago ako magising.

Sa bahay ng isang elf na nakilala rin namin sa nasabing gubat, doon ko siya huling nakausap, wala akong alam na aalis siya at kung sakali man sana lang nakapagpaalam siya para hindi naiwang blanko ang aking isip noong mga sandaling iyon.

Pero gano'n pa man, kaibigan ko pa rin siya… inisip ko nalang na may malalim siyang dahilan kaysa isipin na ayaw na niya sa'kin…

Dalawang taon akong nangulila sa kanya, nagiba yung paligid ko at lubhang nakakapanibago. Noon, kasama ko pa siya sa asaran o sa pagsuong sa mga mapanganib na lugar na walang kasiguraduhan kung makakaligtas kami.

Hanggang ngayon… nagbabakasakali ako na makikita ko pa siyang muli, ibalik 'yung dati, ilalyo siya sa panganib.

Pero 'di ko maitatanggi na minsan ay may pagkakataon na malapit na akong sumuko sa paghahanap sa kanya. Ngunit lagi kong iniisip ang kalagayan niya at umaasa na makikita ko pa siya kahit lumipas ang mahabang panahon…

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon